Ika-40 Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

"I'm not hungry." Pabagsak akong naupo sa couch na nasa tapat ng kinauupuan ni Kyle at tinitigan ko siya.

"Hey, why you staring me like that? Nagagwapuhan ka sa'kin no?"

"Mukha mo!"

Tumawa na naman siya at kinuha ang cellphone niya at saka siya pumindot doon at may tinawagan.

"Hello? Tita. Ang tagal mo naman! Naiinip na ang kasama ko dito. I think she's excited to meet you. Oh, okay."

Ibinaba niya ang cellphone niya sa kanyang tenga at inilagay sa kanyang bulsa.

"Malapit na siya." aniya. "Para hindi ka mainip, kwentuhan muna tayo."

"Wala akong ganang makipagkwentuhan."

Hindi siya umimik at napansin kong nakatingin siya sa dibdib ko.

Napayuko ako at itinakip ko ang kamay ko roon. Naka spaghetti strap top lang kasi akong kulay blue.

"Bakit hindi mo suot yung locket necklace na pinadala ko?" Seryosong sabi ni Kyle.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Ikaw ang nagpadala non? Are you my stalker?"

Umangat ang gilid ng labi niya. "I told you that I'm not a stalker. Aika, etong mukhang 'to, hindi dapat tinatawag na stalker. Let me clear you this, oo aaminin ko. Minamanmanan kita, inaalam ang lahat ng bagay tungkol sayo, pero hindi stalker ang tawag sa'kin. Kasi gwapo ako. Kaya mas magandang sabihin na isa akong admirer."

Napapakunot nalang ang noo ko sa sinasabi ni Kyle. Napakayabang niya. Nakakairita!

"Yes, I admire you. But it doesn't mean that me and Aries had the same feelings, towards you. Kasi mas lalong hindi pwede na maging tayo, because that would be really called incest."

Lalong gumulo ang isipan ko sa mga sinabi ni Kyle. Muli ko siyang tinignan at nakita kong nakatingin din siya sa akin habang inilalandas niya sa labi niya ang kanyang hintuturo. Nakakailang ang mga titig niya.

"Habang tinitignan kita. Mas lalo kong nakikita ang pagkakahawig niyong dalawa." aniya.

Hindi ko nalang pinansin ang pinagsasasabi niya. Iniisip ko kung ano na kayang ginagawa ni Aries ngayon? Baka frustrated na'yon kahahanap sa'kin. And my mom, for sure alalang-alala na siya sa'kin ngayon. Umuwi nga siya ng manila para kausapin si daddy na wag ituloy ang pagpapapunta sa'kin sa japan kasi ayaw niyang mapalayo ako sa kanya, pero ngayon narito ako sa hindi ko malamang lugar. Kasama si Kyle na siya pala talagang stalker ko.

"Why Leyk? And is Torres your real surname?" tanong ko sa kanya.

"Yup, I'm Torres. And the Leyk, well binaliktad ko lang naman yung letters ng pangalan ko." Sabay tawa niya.

"Alam mo, para kang sira ulo. Kanina ka pa tawa ng tawa dyan."

"I'm just happy. Ms. Todoya. Diba nga sabi sa kanta, kung ikaw ay masaya tumawa ka."

Inirapan ko siya at saka ako muling nagtanong. "I thought you're a half Korean. So, if you're using that Torres. Palagay ko, mother mo ang korean."

"Exactly. You're getting interested on me now, huh?"

"I'm not."

"So, last night balak niyong tumakas ni Aries para magtago sa dad mo? You know, Humpy's idea is really great. Kaya lang nakalimutan niya yatang isipin na hindi lang dapat mga tauhan ng daddy mo ang dapat niyong takasan, kung di pati ako na sinasabi mong stalker mo."

"Ang dami mo talagang alam."

"You know what, it's ironic that, you two fights for love. That you're both a really great fighter. You and him against the world. Wow!"

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon