"Okay lang. " Ngumiti ako sa kanya.

Kumabog ang dibdib ko. Paano kung maulit na naman ang nangyari noon? Paano kung maranasan ko ulit yung hirap dati?

Natatakot ako. Natatakot akong maulit ang lahat.

"Cyndel! Irine!" Napalingon kami kay Nisha.

"Ano 'yon, Nisha?" Tanong ko.

"Tingnan niyo ito." Tinuro niya ang nakalabas na 3D hologram.

Inalis ko sa isip ko ang nangyari. Kung dati wala akong alam sa kapangyarihan ko, ngayon, may mga bagay na akong alam sa katauhan ko.

Tinuon ko ang atensyon kay Nisha na ngayo'y nakangiti. Tumabi kami ni Cyndel sa kanya.

"Ano ba 'yan?" Tanong ko. Tinitingnan ni Nisha ang information hologram ng Orion guild at may nakasulat na...

"Locus Tournament?" Usal ko.

"Talaga?!" Napasigaw si Cyndel na parang hindi makapaniwala.

"Para saan ba 'yan?" Tanong ko sa kanila.

Tumingin sa 'kin si Nisha habang nakangiti. "Yan ang pinakahihintay na event dito, Irine. Ang alam ko nga gaganapin ang Locus Tournament sa susunod na buwan pero wala nang kaso sa 'kin kung bakit nila naisip na ngayong buwan gaganapin!"

Tumayo si Cyndel at tumingin din sa 'kin. "Ang Locus Tournament ay ginaganap sa Battle Ring para paglabanin ang mga pinakamalalakas na kalahok mula sa iba't-ibang guild. Ang mananalo dito ay maaaring magkaroon ng malaking pagkakataon para mag-level up kaagad siya. Sabik na sabik na talaga ako! "

Mag-level up? Ang ibig bang sabihin, ang Tyro ay maaari nang maging Stager?

"Pero Nisha, dalawa lang sa guild ang pwedeng makasali," naghihinayang na sabi ni Cyndel.

Napasimangot si Nisha. "Oo nga pala, isang Stager at isang Tyro lang ang kukunin bilang kalahok."

Napaisip ako. "Stager? Diba si Red lang naman ang nag-iisang Stager sa guild?"

Nagulat ako nang tiningnan nila ako ng masama. Napalunok ako. "Bakit?"

"Stager Red ang itawag mo sa kanya, Irine! Stager Red!"

Napaatras ako. "Edi Stager Red! Stager Red! Ayos na ba?!"

"Mabuti."

Napanganga ako. 

"Isa lang naman ang Stager na tumutulong sa guild kaya si Stager Red lang ang maisasali." Paliwanag ni Nisha.

"Sino ba ang malakas na Tyro ngayon?" Napaisip si Cyndel. "Pwedeng si Bryan pero mas malakas ang kutob ko na ikaw ang pipiliin, Irine."

"Ha? Imposible 'yan." Natawa ako.

Paano ako magiging malakas kung hindi pa naman ako ganoon kagaling sa combat battle? May iba pang mga inpormasyon na hindi ko nalalaman.

"Nakaagaw kaya ng pansin ang ginawa mo noong Scission. Hindi mo lang alam na pinag-usapan ka noon," sabi ni Nisha.

Umiling ako. "Imposible talaga 'yan, Nisha."

Hindi ko naman nakontrol ang kapangyarihan ko dati. Dahil sa galit kaya ako nakalabas ng malakas na spirit.

Maliban nalang kung si Red–Stager Red ang may karapatang mamili ng isasali dahil baka ako pa piliin ng isang 'yon dahil gusto niya akong pahirapan.

"Alam mo ba, Irine..." Kinuha ni Nisha ang atensyon ko. "Isa to sa pinakamahirap na event sa camp. Ang mga kalahok kasi ay pinapayagang gumamit ng sandata at maglabas ng lakas kahit na pwedeng makasakit sa iba. Kailangan kasing labanan ng bawat isa ang mga miyembro sa kabilang guild para manalo ka."

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterWhere stories live. Discover now