Chapter 28

13.7K 482 47
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 28

I R I N E

Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang dumating si Prince sa camp. Lagi siyang kasama sa pagtulong sa 'min sa paglilinis ng guild at minsan naman ay nanonood sa 'min sa training.

Sa tulong na rin ng iba, hindi ko na masyadong iniintindi ang mga nalaman ko simula noong nakausap ko si Sister Leyva. Ang training nalang ang pinagtutuonan ko ng pansin.

Speaking of training...lumala si Red.

Kapag mag-isa lang ako at nagbabadyang tumulo ang luha ko tuwing naaalala ko si Sister Martha, bigla siyang susulpot sa harap at hihilain ako para magtraining.

Minsan nga, kahit gabi na, pinagtakbo niya parin ako ng 10 laps!

Tuwing combat training, lagi akong napapatumba ni Red. Feeling ko nga habang lumilipas ang oras ay mas pinapahirapan niya ako dahil lalo siyang lumalakas bawat araw.

Sa ilang araw naming training, dalawang beses ko palang siyang nasasaktan.

Take note, nasasaktan ha? Hindi natatalo.

"Aww!"

"Tumayo ka nga diyan."

"Oo na!"

Pinalo ko sa lupa ang sword.

'Yan na naman. Napatumba niya ulit ako. Kanina pa ako nanggigigil na saktan si Red pero hindi ko magawa dahil malakas siya!

"Arrf!" Pati 'yang si Fiery, tuwing matutumba ako, tatahulan niya ako at minsan kakagatin ang tela ng damit ko na mistulang inaaya akong tumayo.

"Magsama nga kayong mag-amo!"

Padabog akong tumayo at pinagpag ang dumi sa cargo pants ko.

Maaga kaming nagtraining ngayon kasi ang sabi nila mamayang hapon daw, sisimulan na ang 'formal classes' namin sa camp.

"Yan lang ba ang kaya mo?" komento niya.

Tinitigan ko ng masama si Red na nakatayo sa harapan ko habang iniikot ang sword hawak niya.

"Oo na! Ikaw na ang magaling!" Tinusok ko ang sword sa lupa.

Kaagad akong dumaing nang nakaramdam ng kirot sa 'king palad. Tiningnan ko ito at tumambad sa 'kin ang sandamakmak na sugat nang dahil sa ilang linggong training.

Sa bawat paglaban namin ni Red ay nakakatamo ako ng panibagong mga sugat kaya ni minsan ay hindi ito naghilom.

Bumuntong-hininga si Red. "Bakit ba kasi hindi mo gamitin ang gloves?"

Nilagay niya ang sword niya sa scabbard at kinuha ang gasa sa isang box ng first aid kit na dinadala ko sa tuwing training. Para na rin sa mga palad kong may sugat.

"Hindi ako komportable sa gloves, Red. Hindi ko makontrol nang mabuti ang sword kapag suot ko 'yon," sagot ko.

Lumapit siya sa 'kin at kinuha ang kaliwa kong kamay para tingnan ang aking palad.

Nilinis niya ito ay nilagyan ng ointment bago balutin ng gasa. Matapos ay kinuha niya ang sword na hawak ko gamit ang kanang kamay at inilagay sa scabbard na nakasabit sa bewang ko.

Kinuha niya rin ang kanang kamay ko at ginamot ang mga sugat. Mas marami at malalalim ang sugat ko sa kanan dahil ito anv palagi kong ginagamit na kamay.

"Aray, dahan dahan naman," komento ko.

Tumingin siya sa 'kin at linihis din ang tingin bago magpatuloy sa paggagamot ng palad ko. Mas mahina ang pwersa kaysa kanina.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon