Chapter 27

12.9K 448 47
                                    

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 27

I R I N E

"Sister Leyva!" Sa sobrang tuwa ko ay napatakbo ako sa kanya at niyakap siya. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko na siya at nayayakap ko. Namiss ko ng sobra si Sister.

"Natutuwa akong ligtas kang nakarating dito, Irine," usal niya.

Niyakap niya rin ako at hinaplos ang likod ko.

Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pag-aalala ng isang mahalagang tao sa 'kin. Parang ang tagal na ng panahon nang muli akong niyakap ni Sister Leyva na tinuturing kong pangatlo kong ina.

Syempre ang una ay ang tunay kong ina na kahit iniwan niya ako, mahalaga parin siya para sa 'kin. Si Sister Martha na nag-alaga sa 'kin at si Sister Leyva na umako ng responsibilidad sa 'kin at sa mga bata.

Pinunasan ko ang mga luha ko at kumalas sa yakap niya.

"Kamusta na ang mga bata, Sister?" Tanong ko.

"Ligtas na sila, Irine. Pinalipat ko sila sa isang ampunan na pinamumunuan ng kaibigan namin ni Martha. Sigurado akong masaya na sila doon." Ngumiti siya.

"Mabuti naman po, Sister."

Naalala ko ang mga bata na nakasama ko. Lahat sila ay mababait sa akin pwera nga lang 'yung mga ka-age ko na lagi akong inaapi.

"Masaya ka ba dito, hija?" Hinaplos niya ang buhok ko.

"Opo. Mabait po sila dito." Ngumiti ako.

Nagtataka talaga ako kung bakit nandito siya. Si Sister nga ang nasa harap ko, ibig sabihin, kakaiba rin siya katulad ko.

"Sister, bakit nga po pala kayo nandito?" Kinakabahang tanong ko.

Pinaupo siya muna ako sa isang upuan sa sala. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko.

"Hija, patawarin mo ako kung hindi ko sinabi sayo ang totoo sa katauhan mo. Mas makakabuti sayo na hindi mo malaman ang lahat dati."

"Pero bakit, Sister? Bakit ako nasa ibang dimension ako kung dito pala ako sa Amaryllis nababagay? Bakit tinago niyo sa 'kin kung ano talaga ako? Kung sino talaga ako?"

Ang dami kong gustong tanungin sa kanya. Naguguluhan parin ako kung sino nga ba ako at bakit ako napunta roon.

Napabuntong-hininga si Sister. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Sister sa mga kamay ko.

"Ang lahat ng Mestro dito sa Amaryllis Camp ay nakatanggap ng misyon para protektahan ang mga Enchanters, Wizards o iba pang genus na naligaw sa kabilang dimension. Sa 'di malamang dahilan, may mga portal na nagsulputan sa Amaryllis at hinihigop ang mga genus na malapit dito. Kaagad naman itong nawawala pero nabahala kami dahil papunta 'yon sa mundo ng mga tao....."

"....Si Martha ang una kong nakilala nang makapunta ako sa ibang dimension at nagpanggap kami bilang mga madre para itago ang katauhan namin. Hindi ko siya tunay na kapatid pero tinuring ko siyang kadugo ko."

Napahinto ako. "Hindi po kayo magkapatid?"

Tumango siya. "Patawad, Irine, kung hindi ko sinabi. Patawad."

Halos hindi ako makapagsalita. Nabuhay pala ako sa ampunan na puro kasinungalingan ang lahat.

Gusto kong magalit.

Gusto kong sisihin si Sister Leyva at Sister Martha dahil sa lahat ng mga tinago nila sa 'kin na naging dahilan rin para maging miserable ang buhay ko.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon