Ika-1 Kabanata

78.8K 988 128
                                    

Hindi ko maalis ang mga tingin ko sa pictures na nakadikit sa wall ng kwarto ko. Mga picture namin ng mga kaibigan ko noong mga bata pa kami, mga kuha sa special occasions, pamamasyal namin ng family ko out of the country, out of town with friends, graduation picture namin at kung anu-ano pa.

It's been 3 years since he left. Dahil deactivated ang mga social account ni Aries. Tanging sa mga bali-balita lang ng mga kaibigan ko at ni tita Angeline ako nakakasagap ng information tungkol sa kanya, the last time na nagkwento si tita Angeline sa akin about kay Aries ay nakipag break na daw ito sa 1 year girlfriend nito. That blonde girl on his facebook post last, last year. At ngayon ay may bago na naman daw itong dini-date. It's good to know na pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin, nakapag move on siya at nagmahal muli.

Habang ako, eto at panay ang aral. I'm now taking up master's degree with some of my friends. Naisip kong kumuha ng masteral kasi, hindi ko pa talaga maisip kung ano ang gusto kong mangyari pagkatapos kong mag-aral. Hindi ko pa rin mapag-isipan ang magiging buhay ko after study, hanggang sa unti-unti kong ma-discover ang pagkahilig ko sa handicrafts. I am so facinated on it. Nagsimula yata iyon noong gumawa ako ng scrapbook na ireregalo ko sana kay Aries noong monthsary namin, kaya lang sa inis ko sa kanya nung hindi siya sumipot sa usapan namin na magkita kami, ayon at iniwan ko nalang doon sa ATG, mabuti na nga lang at water proof ang wrapper 'non at nakuha pa ni Aries yon ng hindi nababasa.

Sa ngayon ay gumagawa ako ng mga keychain, nakaka 20 pcs. na yata ako at balak kong gumawa pa ng marami. Bibigyan k ang mga friends ko 'non for sample at pag nagustuhan nila pwede silang mag order or pwede rin na i-recommend nila sa mga kilala nila ang gawa ko.

Inalis ko na ang paningin ko sa mga pictures na nasa wall. Kailangan ko pa kasing bumili ng mga gagamitin kong materials para sa susunod kong gagawin na handicraft. Gusto ko sanang gumawa ng picture frame gawa sa magazine, gusto ko din subukang gumawa ng flower base mula sa mga empty liquor and softdrink bottles o yung mga bote ng condiments.

Paglabas ko ng condominium building ay agad akong tumawag ng taxi at nagpahatid sa mall.

After kong makabili ng material sa NBS ay nag window shopping naman ako. Tingin-tingin lang kasi wala naman akong ganang mag shopping ngayon, materials na kakailanganin ko lang naman sa gagawin kong self project ang talagang sinadya ko rito.

Habang naglalakad-lakad ako. Napahinto ako sa Shaidine shop, yung shop ni Ms. Rifa na mas dumami na ang branch. Kitang-kita doon ang malaking picture ni Fretzy na napakaganda sa suot nitong dress. Malaki narin ang nabago sa buhay niya ngayon, sikat na siyang actress. Paborito siyang cover girl ng ibat-ibang magazine at endorser ng ibat-ibang product.

"Ang ganda talaga niya!"

Napalingon ako sa mga babaeng nasa likod ko, nakatingin din sila sa picture ni Fretzy.

"Like mother and like daughter talaga. Parehong dyosa."

Tama. Pareho silang dyosa sa kagandahan, pero bukod doon ay wala na akong makitang pagkakapareho ni Fretzy kay Ms. Rifa, hindi naman pwedeng ugali dahil sobrang layo. Siguro nagmana itong si Fretzy sa tatay nito. Infairness, ang ganda ng genes ng tatay niya at ni Ms. Rifa.

Pabalik na ako sa condo ko ng tawagan ako ni Dorina. Susunduin niya daw ako mamaya kasama si Daniel. Mga nag-aayang uminom. Palibhasa'y bakasyon na naman, nagbabawi dahil bago magtapos ang klase ay katakot takot na requirements, thesis at kung anu-ano pang school works ang kinumpleto namin, tulad ko kasi ay kumukuha din ng master's degree ang dalawang iyon. Samahan pa ni Harizel, Daren at Humpy. Magkakaklase kaming lima dahil pare-parehong MBA ang kinuha namin. Ewan ko ba kung gusto nila ang MBA o sadyang ayaw lang nilang maghiwa-hiwalay kami.

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon