"Eh problema mo na yon.", tanging nasabi ko. Naiilang na kasi ako sa topic na ganiyan. Ayaw ko sa lahat ay yung paguusapan ang tungkol sa lovelife.




"I know. Pero okay lang. Hayaan mo lang ako, okay?", di nalang ako kumibo. Buti nalang at naunang bumaba sa akin si Zeke. Kumindat pa sakin bago tuluyang magsara ang pinto.




Hay. Bakit kaya ako pinapatawag ni mr. Trudeau?




Kumatok naman ako agad sa opisina ni mr. Trudeau.




[Entrez!]




"Mr. Trudeau, you called for me?"




"Yes, your brother called me earlier. I thought I should let you know.", sabi niya. Weird? My brother should have just called me. "Sikreto lang dapat pero naisip ko na sabihin rin sayo para kahit papaano ay alam mo rin na chinecheck ka rin ng kapatid mo. Madalas siyang tumawag, actually.", si kuya talaga. Praning na naman.




"Thank you, mr. Trudeau. Please tell him to call me at times, instead of bothering you."




"It's no big deal. How is work for you so far?"




"Okay naman po. Masaya naman po ako na halos pareho yung trabaho ko dito sa trabaho ko doon. Kaya medyo gamay ko na rin."




"Mabuti naman kung ganoon. Kung may kailangan ka eh sabihan mo lang ako ha. Inihabilin ka rin sa akin ni bebe love eh.", natatawa talaga ako pag tinatawag niyang bebe love si ate Mariella. Manliligaw ni ate Mariella ito eh. Kaso si ate, medyo iwas sa mga lalaki. Kaya nahihirapan rin si Tommy. (Mr. Trudeau)




"Mahal mo ba talaga si ate?"




"Siyempre! No doubt. Kahit ba malayo kami sa isa't isa, walang dahilan para magbago ang pagmamahal ko sa kaniya.", napaisip ako sa sinabi niya. Naaalala ko na naman siya. Kahit malayo kami sa isa't isa, kahit na sabi ko sa sarili ko huwag na muna siyang isipin, in the end... Emosyon ko pa rin ang nananaig. "May iniisip ka ba?", bigla akong nabalik sa mundo.

"Remember Me" (FIN)Kde žijí příběhy. Začni objevovat