Nilagay ni Red ang mga siko niya sa tuhod at tiningnan ako. Tiningnan ko siya sa mga mata.

"Dapat mong kontrolin ang spirit mo. H'wag kang nagpapadala sa emosyon dahil pwede kang makapaminsala. Katulad ng kanina," sabi niya.

"Sandali, ano ba kasi ang spirit?" Tanong ko habang hinahaplos ang balahibo ni Fiery.

Alam kong kailangan kong tawagin ang spirit pero hindi ko naman alam kung para saan nga ba ito. Para sa kapangyarihan, oo, pero para doon lang ba?

"Ang spirit ay ang nagsisilbing ugat ng kapangyarihan natin. Kung sa ibang genus, katulad ng sa wizards o witches, kapangyarihan ng boses at talino ang ginagamit nila, tayo namang enchanters, kailangan ng spirit."

"Diba nagsasabi rin naman tayo ng spells?" Tanong ko.

Tumango siya. "Pero hindi 'yon ang pangunahin nating kakayahan."

Oh. Okay. Siguro nga, sa pagkontrol lang ng mga elemento sumesentro ang kapangyarihan ng enchanters.

Nagtataka parin ako kung saan nanggaling ang enchanters. Ang elves at wizards ay familiar pa sa 'kin dahil kilalang tales at myths 'yon sa mundo ng mga tao, pero wala akong alam tungkol sa mga katulad namin.

"Saan ba nagsimula ang spirit? At kailan ba nagsimulang magkaroon ng Enchanters?" Kunot-noong tanong ko.

"Bago lang tayo sa dimension na ito. Ginawa tayo ng Moon Goddess para mabalanse ang bawat dimension," sagot niya.

"Moon goddess?"

"Siya ang dahilan kung bakit mayroon tayo. Una siyang naglagay ng elemental spirits sa walong tao noong 1400s-fire, ice, water, plasma, wind, lightning, earth, at gift."

Kumunot ang noo ko. Bakit parang kulang? Pinaghiwalay niya ang ice at water.

"Pero paano ang mga tainted?" Tanong ko.

"Tainted. Sa salita palang dapat alam mo na kung ano sila."

Napaisip ako. Ano nga ba ang ibig sabihin ng tainted? Ang alam ko lang naman ay namantsahan. Anong ibig niyang sabihin? Namantsahan sila?

"May isang enchanter noon na nakapag-asawa ng mortal. Dahil sa biological fusion ng dalawang magkaibang nilalang, hindi pangkaraniwan ang naging epekto sa naging offspring. Nagkaroon lang siya ng hindi ordinaryong senses. Tainted ang tawag sa mga anak ng enchanters at mortal."

Sumandal si Red sa couch, arms crossed. "Tinanggap ni King Melettus-hari ngayon- ang mga tainted hanggang sa nagkaroon sila ng posisyon sa Amaryllis. Sila ang may pinakakakaunting populasyon dahil na rin ipinagbawal na ng nakatataas ang pagpunta sa mundo ng mga tao."

Siguro nagkaroon ng Tainted noong wala pang nagbabawal ang pagpunta sa kabilang dimension.

"Si Drax." Tumingin siya kay Drax na natutulog sa ibabaw ng hita ko. "Elemental Guardian ko siya."

"Guardian? Taga-bantay mo?"

Tumango si Red. "Galing siya sa spirit ko. Ang ibig sabihin, kalahati ng katauhan ni Drax, ay ako."

Napanganga ako. Halos hindi makapaniwala. Kung galing si Fiery sa spirit ni Red, ibig sabihin, may kapangyarihan siya. At kung kalahati ng katauhan ni Fiery ay si Red, bakit maamo si Fiery sa 'kin?

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterWhere stories live. Discover now