"Hindi ko po masasabi. Sa totoo lang po ay nag-away kami just recently. Up until now, hindi pa rin kami masiyadong nagkakausap."





"Gano'n ba. Hmm"





"Huwag po kayong mag-alala. Kakausapin ko po siya. Aalamin ko kung ano ang problema niya. Nagiging mainitin ang ulo niya rin po kasi lately. Di ko naman po maintindihan kung ito ba ay dala lang ng stress sa trabaho o ano."





"Salamat, hija. O'siya, sige. Aalis na kami ni Luke. Mukhang marami-rami pa ang aasikasuhin mo."





"Hay, kakayanin.", napatawa nalang kami ni tita.





"Alright, we'll go ahead. I'll see you later?"





"I'll let you know po. Ingat po kayo."





"Mommy, bye bye.", lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Niyakap ko naman siya.





"Bye bye, baby ko. Magbebehave ka kay mamu ha.", tumango naman ito habang nakangiti. At saka sila umalis.





Napaisip ako bigla sa sinabi ni tita. Malamig daw ang trato sa kaniya ni ate? Pero bakit? Hay, ano ba naman 'tong si ate? Nakakahiya tuloy kay tita Janine. Akala ko ba ayos na ang lahat? Nakapagpatawaran na at lahat pero ano na naman ang issue ni ate? Hay nako!





*BEEP

From: My Boyfriend❤
'Baby, nagkita kayo ni mama at ni Luke? Nanggaling sila dito kanina. Anyways, nagtext lang ako to check you. Hope you are okay. See you later. Love you!'

"Remember Me" (FIN)Where stories live. Discover now