"Ikaw ba ang may gawa nito?!" She hastily asked. I shrugged my shoulder.

"Maraming reklamo sa kan--"

"How dare you!! Anong ginawa sayo ng daddy ko ha? Ano?" She shouted at me. Batid kong naagaw na namin ang atensyon ng marami.

"You're funny Laureen..Paano mo naaatim na magtanong sa akin ganung alam mo naman ang sagot? Just be thankful at hindi kita dinawit pansamantala dahil buntis ka..if I were just as evil as you are, baka sabay pa kayo ng daddy mong iiyak sa rehas. "

"Bitch!" She shouted again.

"Atleast hindi ko dinedeny. Ikaw ba? " paghamon ko dito. Nabaling ulit ang atensyon nito sa daddy niya. Nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan sila. Si Laureen ay umiiyak habang yakap ang ama. Nag-iwas ako ng tingin.

"Para yan sa pagset-up sa tatay Rodel ko noon Mr. Mendrez. " I told them before leaving. Bago ko sila tuluyang lagpasa ay nakita ko kung paank mapaawang ang labi ng matanda sa sinabi ko.

Ilang taon na rin ang nakalipas, nakakadismaya man dahil ngayon ko lang nalaman at ngayon ko lang nagawan ng paraan. Ang daming nadamay nang dahil lang sa pakikipag-ugnayan ko sa isang tao. Isang tao lang pero ang dami namang alipores para sirain ang buhay ko at ng mga mahal ko sa buhay.

Sino bang mag-aakala na ang mga taong ni minsan ay hindi ko naman nakausap ay siya palang unti-unting sumisira sa amin. They are throwing accusations on me that I'm doing this because of my hatred to Luigi? Kung sila kaya ang tanungin ko, bakit nila ako sinusubukan maski noon pa? Dahil nakita nilang malapit ako sa ungas na yun? Ano bang ginawa ko sa kanila noon?

It's time for me to prove that they stepped on a wrong rock to begin with.

Nang makarating na kami sa conferrence floor ay agad kong namataan si Luigi na nasa labas ng board room. Nakatalikod ito at parang may kinakausap sa telepono. Seryoso ito at pabalik-balik sa paglalakad

"I am doing everything that you want..alam mong hindi ko magagawa agad yan..yeah..just..give me enough time..just..send another picture of her..please..kailangan ko ng assurance para magawa ko..I don't trust you enough."

Nagkatinginan pa kami ng secretary ko na gaya ko ay nakikinig din pala sa sinasabi ni Luigi sa telepono.

"Hala ka..nakikinig ka. Bad yun!" I tried to scare my secretary pero deadma ako ng magaling, seryoso lang itong nakatingin kay Luigi. Muli naman akong napatingin kay Luigi na ngayon ay nakatingin narin pala sa amin.

I thought I saw a bit of worry  on his face but I think I got it wrong. Naging cold na naman kasi ang aura nito. Kaya binalewala ko na lang ito at dumiretso na ako sa loob ng board room.

"Good morning everyone. As you can see, the Mendrez group of companies..." simula ng speaker. Nakaupo kaming lahat sa harap ng round table. Nakita kong sabay pumasok si Laureen at Luigi. Namumugto pa ang mga mata ni Laureen at tila kagagaling lang sa pag-iyak. Halos katapat ko lang sila kaya nakita kung paano ako panlisikan ng tingin ni Laureem habang si Luigi naman ay sa malayo nakatingin at nakakunot ang noo.

He's acting weird..I think something's bothering him. And why would I care?

"Ma'am ta-tawag ka po." Nagulat pa ako nang bulungan ako ng secretary ko. Saka ko lang narealize na mukhang naintroduce na nga ako dahil kitang-kita ko sa mukha ni Laureen ang pamumutla nito at haloa di makapaniwalang mukha. Si Luigi naman ay tiim bagang nakatingin na sa akin.

Kanina pa ba siya nakatingin? And will I even care? Siguro dapat magpadeposit din ako sa kanya ng 10K sa account ko, may bayad kaya titig sa akin!

Chasing The Bad GirlWhere stories live. Discover now