[34] Coming Back

10 1 0
                                    

I am the type of student, na palaging nakaupo sa may pinaka sulok ng classroom. Walang katabi at walang kausap. In other words walang kaibigan.

Hindi ko sinasabing nerdy type ako. Hindi rin naman ako panget para di kaibiganin. Pero kahit na ganon wala man lang ni isang estudyante ang sumubok na kaibiganin ako.

Well hindi ko naman sila masisi. Paano ba naman kasi, lalapit palang sila sa akin ay tinatarayan ko na kaagad.

Hindi naman sa pagiging mataray, pero ayoko lang talaga na magkaroon ng kaibigan o magkaroon ng attachment sa kahit na sino.

Diba nga may kasabihan tayo na, "Your worst enemy is your bestfriend." So hangga't maaga pa, iniiwasan ko na.

Pero may mga tao pa rin talaga na darating nalang bigla sa buhay mo ng hindi mo inaasahan.

Una na diyan si Sheia. Kaibigan ko na siya mula nung grade 4 palang kami. Hindi ko rin alam kung paano ko ba siya naging kaibigan, basta nagising nalang ako isang araw magkaibigan na raw kami.

Siyempre nung una ayoko, dahil nga ayoko talaga ng kaibigan. Pero habang tumatagal ay nasasanay na akong kasama siya palagi, hanggang sa tada! Magkaibigan na kami for real.

Mula noon hanggang ngayong junior high school na ako ay siya lang ang nag-iisa kong kaibigan. Wala ng iba... Akala ko nga wala na akong makikilala pang iba maliban sa kanya, pero...

Akala ko lang pala.

"Ano na naman ba Sheia?" Inis kong sabi matapos kong sagutin yung tawag.

"Dearest friend! Ayoko na!!! Mababaliw na ako sa pesteng math na 'to! Waaahhhhhhh!" Bahagya ko pang nailayo yung cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya. Tss!

"Kaya mo yan" i said in monotone at pinatay ang tawag.

Matapos kong i power off and cellphone ko ay ipinagpatuloy ko na ang pag-re review. Exam na kasi namin sa darating na lunes kaya kailangan talaga.

Habang nakaupo sa study table ko sa may bakuran---Yes nasa labas talaga ang study table ko since mas nakakapag focus akong mag aral kapag may nakikita akong mga puno. Well, may study table rin naman ako sa may kwarto pero mas gusto ko talaga dito.

Ilang saglit lang ay may bigla na lang akong narinig na para bang may bumagsak. Hanggang sa namalayan ko nalang na may lalaki na palang nakapasok sa bakuran namin.

"H-hi! Hehe..." Aniya sabay kamot sa batok.

"Sino ka! Paano ka nakapasok!?"

"Nagteleport ako miss."

"Hindi ako nakikipagbiruan! Paano ka sabi nakapasok eh!".

"Obvious ba? Malamang tumagos ako sa pader." Sabi niya atsaka ngumiti.

"Ahh... Talaga lang ah!"

"Oh anong hinahanap mo miss?"

"Itak. Gusto na kitang tagain eh!"

"Uy uy! Binibiro ka lang naman eh! Umaykat ako sa pader niyo, ayan na ah! Sinabi ko na ang totoo!"

Napahinto ako dahil sa sinabi niya. "Bakit ka umakyat? Akyat bahay ka siguro no? Magnanakaw ka ba?" Sabi ko at dali-daling nilabas ang cellphone ko.

"Hindi ah! Oh t-teka lang anong ginagawa mo?"

"Tatawag ng pulis, bakit may angal ka?"

"Hindi ako magnanakaw miss... Nagtatago lang ako kaya ako umaky---"

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now