[32] Perfect Timing

18 2 1
                                    

ZYARA'S POV.

Another day, another chance.

Hindi naman kasi pwedeng huminto nalang ang buhay nang dahil lang sa nangyari kagabi. Though i admit that what happened last night was hard to digest, however i don't have any choice right now but to accept it and just go with the flow, because after all that's how friendship works.

Hindi pwedeng sa lahat ng pagkakataon ay ayos kami, sometimes we need to face something that would challenge us, for us to grow individually and as a group. Especially me and Ron.

I know that there's something between us, and i would not let that something destroy our friendship. Never.

But for now, i need to fix first the conflict that we had last night between him and I. Hindi ko nga lang alam kung paano ko sisimulan, at kung paano ko siya i-aapproach. Kaya naman hanggang ngayon ay narito pa rin ako, nakatayo sa may pinto ng kwarto ko.

Alam ko kasing pag lumabas na ako ng pintong 'to ay wala ng atrasan, I need to face our problem no matter what it takes,  hindi naman pwedeng patuloy ko lang iiwasan 'tong problema, 'cause i know one day haharapin ko rin naman siya.

After a while, sa wakas ay nabuksan ko na rin ang pinto. Lumabas ako ng kwarto na para bang wala akong nararamdaman na kahit na anong kaba sa katawan. Kahit na ang totoo ay halos bumigay na 'tong mga tuhod ko nang dahil sa sobrang panginginig.

Pero lahat ng paghahanda ko ay bigla ring nawalan ng saysay nang magtama yung mga mata naming dalawa.

Nakita ko pa kung paano siya bahagyang nagulat nang makita niya ako. Pero ilang saglit lang ay nagbalik rin sa blankong ekspresyon yung mukha niya, atsaka nag iwas ng tingin.

"G-good morning." Nag-aalangan kong sabi. Simpleng tango lang naman ang natanggap ko mula sa kanya bago niya ako tuluyang iwan.

Wala akong ibang nagawa kundi ang mapabuntong hininga nalang. I know that this will not be as easy as I expected, pero wala eh. Ganun talaga. Hindi lahat ng bagay makukuha sa madaliang paraan, minsan kailangan ring pagtyagaan at paghirapan.

Nang makarating ako ng kusina ay doon ko sila naabutang abala na sa pagkain. I easily get their attention especially Athena and her mother but Ron didn't even bother to look at me.

I sat beside him despite of the awkwardness that we have. Lumipas ang ilang minuto na wala pa ring nagsasalita sa aming apat. Tunog lang ng kutsara at tinidor ang naririnig ko.

Mabuti nalang ay hindi na rin natiis pa ni ate Sandra ang katahimikan, dahil siya na ang naglakas ng loob na magsalita.

"So... Uhm... Kamusta naman ang luto ko? Ayos lang ba?" Pilit na ngiti niyang tanong sa aming dalawa ni Ron. Pasimple ko namang nilingon yung katabi ko. Simpleng tango lang ang naging sagot niya, na ginaya ko naman.

"Mabuti naman kung ganon." Nakangiti niyang sabi, kahit na halata ang pagiging pilit no'n.

"Actually mommy..." Athena interrupted. "Medyo maalat itong fried rice mo tapos itong hotdog naman medyo malamig pa yung loob niya." Deretsahang sabi ng anak niya, dahilan para bahagya akong mabilaukan, ganun rin naman si Ate. Ron remain composed and still wearing his blank face the entire time, by the way.

"Ganun ba? Oh my! Bakit hindi niyo naman kasi sinabi agad! Edi sana naremedyuhan ko pa!" She said in disappointment. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang pilit nalang na mapangiti since nakain ko na nga yung medium rare niyang hotdog. "By the way, aalis nga pala kami ng anak ko, may check up kasi siya mamaya. So... bale kayong dalawa lang ni Ron ang maiiwan dito. Okay lang ba yun sa inyo?" Nag-aalangang sabi ni Ate. Ang by that, i know that she has a plan for us.

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now