[17] Unfortunate Turn of Events

22 5 4
                                    

ZYA'S POV.

Sa huli, walang nagawa si Ron kundi isama si Athena. Ayoko na rin kasing maulit pa yung ginawa niya kahapon, na iniwan niya lang mag-isa yung pamangkin niya para lang sundan ako.

Yes i know that she's responsible, and actually she's more matured than her tito Ron, but she's still a child after all, she's still vulnerable. Paano nalang kung may manloob sa bahay nila, walang magagawa yung pagiging matured at responsable niya kung sasaktan siya, unless she knows some defensive skills or whatsoever, but i doubt it.

Speaking of her tito Ron, patuloy lang siya sa pagmamaktol mula palang noong gumagayak kami, hanggang ngayon na nakalabas na kami ng simbahan.

Hindi ko na pinansin pa yung pagtatantrums niya, at mukhang ganun din ang mga kasama namin. Kahit sino naman siguro ay mauumay kung paulit-ulit lang naman yung sinasabi.

As of now, narito kami sa isang not so familiar resto---or sadyang hindi ko lang talaga 'to alam dahil hindi naman ako mahilig gumala. Ito yung napiling place ng dalawa naming kaibigan na paladesisyon para sa aming lunch.

Anyway, nasa gitna pala namin ni Ron---na kanina pa nakakunot-noo---si Athena, at katapat naman namin yung dalawa na abala pa rin sa walang katapusang kwentuhan.

While waiting for our order, pansin ko na kanina pa palingon-lingon si Athena sa paligid niya at mukhang hindi naman 'to napapansin ng tito niya na matalim pa rin yung paningin sa kung saan. Kaya hindi na ako naghesitate pa na tanungin siya, tutal wala rin naman akong makausap na MATINO sa ngayon, maliban sa kanya.

"Are you okay?"

"Hmm? Yea!" She answered. Pansin ko naman sa peripheral vision ko na napatingin sa amin si Ron.

"First time mo ba mapunta dito?" I asked, she nodded. "Actually ako rin, ngayon lang din ako nakapunta sa resto na 'to."

"What i mean ate, first time kong kumain sa labas."

"Talaga?" Gulat kong sabi, nilingon ko naman yung tito niya for confirmation, but after we locked our gaze for some seconds, he just looked away.

Nice.

"Yea... Sa bahay lang talaga nangyayari most of the things that i usually do, like eating. Saka lang ako nakakakain ng mga pagkain sa labas when kuya bought me some."

"Really? B-but why? Bakit kailangang nasa loob ka lang palagi ng bahay?"

"Nothing special, ate." She said without looking at me.

Tatanungin ko pa sana siya---na hindi ko naman talaga gawain---pero nang dahil sa curiousity ay hindi ko kayang pigilan, pero bigla namang dumating yung mga inorder namin kaya hindi ko na nagawa pa.

Pagkalapag palang ng mga inorder namin ay nagsimula na rin kaming kumain, especially me, Kier and Sheia. Inuna muna kasi ni Ron na sandukan ng pagkain yung pamangkin niya bago siya kumuha ng sa kanya.

As we continue to eat our foods, ay patuloy lang din sa pagsasalita si Sheia at Kier, minsan pa nga ay nadadamay ako sa usapan nila kaya hindi ko maiwasang makisali sa kanila. Habang yung isa naming kaibigan ay wala pa ring imik hanggang ngayon.

Patuloy lang siya sa pagbabalat ng mga hipon na ilalagay niya sa plato ni Athena, bukod don, inihihiwalay niya pa lahat ng beans mula sa mangkok ni Athena.

Kaya naman nagsimula na akong magtaka sa ginagawa niya. But one thing comes to my mind. Posible kayang...

"Allergic si Athena sa beans." Biglang bulong sa akin ni Kier na ngayon ay nakatingin na rin pala sa mag tito.

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now