[10] Reasons

39 11 8
                                    

RON'S POV.

Ilang saglit rin siguro akong nakatulala matapos kong makita si beb--este Zya na nakatayo sa gilid ng pintuan ng kwarto ko.

Nakatingin sa akin, and as usual wala nanamang emosyon. Kaya nga nagtataka ako minsan kung bakit ba ako nagkagusto sa babaeng yan, eh halos lahat ng pangit na ugali ay nasa kanya na, so ano pa nga bang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan at patuloy na nagugustuhan?

Ginayuma kaya ako nitong panget na 'to?

Anyway, nang magbalik na ako sa wisyo ay dali-dali rin naman akong lumabas ng kwarto at agad na sinara ang pinto, baka kasi makita niya pa yung mga malulupet kong sikreto sa loob.

Mahirap na! Baka mabuking ng wala sa oras.

"A-anong kailangan?" I asked, but instead of answering me she just rolled her eyes and looked away. 

Kita mo 'to! Toyoin talaga 'tong panget na 'to! May patawag-tawag pang nalalaman, pero iirapan lang pala ako ng putangina!

"Kuya." Biglang sabi ng kung sino, at nang mabaling ang tingin ko sa gilid ni Zya ay yung pamangkin ko lang pala na bansot.

"Oh ano yon?"

"Uso magdamit." She said in sarcastic way, nung una hindi ko talaga maintindihan yung sinabi niya. Pero nang mapatingin ako sa katawan ko---

"Ay shet! Oo nga pala! Sorry, sorry!" Napapahiya kong sabi nang mapagtanto kong wala pa nga pala akong suot na pang-itaas.

Naiflex ko tuloy ng wala sa oras yung abs ko. Shet!

"So ano kuya? Wala kang balak magbihis muna?" Sabat nanaman ng pamangkin ko.

"Eto na nga oh, magbibihis na!" Inis ko namang sabi at dali-daling pumasok sa kwarto.

At dahil nga naghihintay sa labas ang aking binibini...

Naks! Noli yarn?

...ay sinadya kong bilisan ang pagbibihis. Mainipin pa man din ang isang yon.

At hindi nga ako nagkamali, matapos ko kasing buksan ang pinto ay yung pamangkin ko nalang ang naabutan kong nandoon.

"Oh nasaan na siya?"

"Hindi ba obvious kuya? Malamang umalis na!" Aniya sabay irap.

"Hoy bansot! Kung pangarap mong gayahin si Zya, wag mo ng ituloy, hindi mo bagay."

"FYI kuya, ganito na ako since birth no! Wala akong ginagaya, at wala akong balak manggaya ng iba. Ikaw nga dyan eh, may pa search-search ka pang nalalaman sa google para lang magustuhan ng babaeng hindi ka naman gusto."

"Hep hep hep! Hindi mo sure Tin! Hindi mo sure." Nakangiti kong sabi, nagtaka naman siya sa inasta ko.

"Eh?"

"Akala mo ba hindi ko alam? Tch! Ako pa ba?" I said with so much confidence, but instead of replying to me, she just rolled her eyes and walked away.

"Ewan ko sayo." Huli niyang sinabi bago siya umalis, na agad ko rin namang sinundan.

Pagkababa namin ng ground floor ay agad kaming dumeretso ni Tin sa dining area, and to my surprise ay may mga nakahain ng pagkain sa hapag kahit hindi pa man din ako nakakaluto.

"Oh sino nagluto? Andyan na ba si mama mo?" Tanong ko sa pamangkin ko.

FYI people. Kami lang kasi ni insan yung marunong magluto sa pamamahay na 'to. Wala ng iba.

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now