[28] Intramurals (Part VIII): Unmasked

24 2 5
                                    

ZYARA'S POV.

Bumalik ako sa kanina kong kinatatayuan malapit sa kanya. Naupo ako roon at tinignan siya ng diretso. Kita ko naman ang pagkailang niya nang dahil sa paraan ng pagkaka-tingin ko pero hindi ko siya tinigilan.

"Ano na naman?" Inis niyang sabi. Pasulyap-sulyap naman siya sa akin habang nakakunot ang noo. Halatang hindi niya ako kayang tignan ng diretso.

"Bakit mo ko iniiwasan?" I said without any second thoughts, because to be honest my curiosity is killing me right now! Gaya nga kasi ng sinabi ko kaninang umaga, hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang umiiwas sa akin 'tong lalaking 'to. Well maiintindihan ko sana kung isa siya sa mga lalaking napapasunod sa isang utos lang, pero hindi eh.

Again just to clarify, I'm not against it, actually natutuwa pa nga ako eh. All i need are clarifications, nothing more, nothing less.

"W-what?"

"Sabi ko, bakit mo ko i---"

"I heard you, but what's the matter with that? Diba nga dapat masaya ka do'n dahil hindi na kita ginugulo?"

"Oh yeah! Actually I'm thankful for that, but still i need to know why?"

"For what?"

"So my curiosity doesn't kill me---"

"Or, you are just disappointed. Aren't you?" He said while smirking.

"Never did. Never will."

"Stop denying---"

"Will you just answer me. Bakit mo ko iniiwasan?" Pagpuputol ko sa sasabihin niya. Saglit niya akong tinignan hanggang sa bumuntong hininga siya.

"Who are you?" He asked. Saglit naman akong hindi nakasagot sa kanya.

"Zyara."

"Exactly, but what happened to you? Hindi na ikaw yung Zyara na kilala ko." He said, dahilan para hindi na ako makasagot pa, dahil sa totoo lang hindi ko na rin kilala yung sarili ko sa mga nagdaang araw.

Mula sa pag-aalala ko sa kanya kanina at sa pagpasok ko sa kwartong ito para lang tignan siya ay malayong malayo sa totoong ako.

Kaya gaya nalang ng tanong niya sa akin, Anong nangyayari sa akin?

"Sa pagkaka-alam ko hindi ikaw yung tipo ng babae na pupunta dito para lang tignan ako. Akala ko ba wala kang pakialam sa paligid mo? Pero anong ginagawa mo ngayon dito? At bakit mo ko tinatanong kung bakit kita iniiwasan?"

"Well... people change, so am I..." Saglit akong tumigil sa pagsasalita para lang titigan siya. "Pero sa tingin mo ba ako lang yung nagbago? Don't play safe, Kurt, because I'm not the only one who were changing this days, ikaw rin." Sabi ko, hindi naman siya nakaimik. "Nasaan na yung dating Kurt na makulit, at matigas yung ulo? Nasaan na yung dating Kurt na palaging sumisira ng araw ko? Nasaan na yung dating ikaw?"

Kahit na mukhang ginusto ko yung pambubwisit niya sa akin noon sa paraan ng pagkakasabi ko ay wala na akong pakialam, dahil alam ko sa sarili ko na ayaw ko ng maulit pa yung dati. Pero ito lang kasi yung paraan para sabihin sa kanya na hindi lang ako ang nagbago sa mga nakalipas na araw, pati siya. Pero bukod don may isa pang posibilidad ang sumagi sa isip ko.

Posible kayang...

"No need to find him, because this man in front of you is the true me, not the one who you were seeing last month." Sabi niya habang nakayuko. "Itong kausap mo ngayon yung totoo. Gago. Tarantado. At walang patutunguhan ang buhay, eto ako Zya. Eto ang totoong ako."

Just what I thought.

Pero bakit niya naman kaya nagawang ibahin yung sarili niya nung mga panahong iyon? Nung mga panahong ginugulo niya pa ako? And most importantly, bakit niya ako ginulo at the first place? Tapos matapos ng gulo na siya rin mismo ang may gawa ay iiwasan niya ako na parang wala lang? Ano yon? Naborring lang siya sa buhay niya kaya niya nagawa yon sa akin?

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now