[15] Surprise Guest (Part I)

32 7 2
                                    

KIER'S POV

"Anak ng pochi! Tulog pa yata ang mokong!" Inis kong sabi, atsaka ko pinatay yung cellphone ko. Hindi niya naman kasi sinasagot yung tawag ko.

"Paano mo naman nasabi?" Tila naiirita na sabi nitong pandak ko na kasama.

When I said the word 'pandak' it only pertains to one person and that is no other than, Sheia the slowest person that I know. Actually dapat dalawa sila ni Zya eh, ang kaso baka masapak lang ako kaya si Sheia nalang.

Hehe!

Anyway kanina pa kami nakaupo rito sa may waiting shed malapit sa bahay nila Ron, kaya siguro iritang-irita na 'tong kasama ko. Balak kasi naming ayain siya magsimba para naman kahit papaano ay mabawasan siya ng kademonyohan sa katawan. Pero ang walang-hiya ko na kaibigan ay hindi man lang marunong sumagot ng tawag.

But to be honest, may iba pang rason kung bakit namin siya sinadya dito, at kung nagtataka kayo kung ano yon ay mamaya ko na sasabihin para naman may pa suspense 'tong chapter na 'to.

"Hoy tinatanong kita! Bakit ka ba nakatulala dyan, unggoy?" She asked me, that's why she got my attention.

"Inaantok pa kasi ako." Sagot ko. "Ano na nga ulit yung tanong mo?" Sabi ko 'saka humikab.

"Sabi ko, pano mo naman nasabi na tulog pa si Ron?"

"Ahhh! Simple lang! Malamang hindi pa gising!" I said sarcastically and as a result... "Aray naman! Ang aga mo namang mambatok!?"

"Ikaw kasi! Namimilosopo ka pa eh! Atsaka pwede ba unggoy, wag na tayong mag-antay dito! Puntahan nalang kasi natin siya, tutal hindi naman tayo others! Sila Ate Sandra lang naman yung andyan atsaka si Athena." Nakapamewang niyang sabi, and take note people nasa tabi niya lang naman ako pero kung makasigaw aakalain siguro ng iba na nasa kabilang kanto pa yung kausap niya.

"Yun na nga yung problema eh."

"Ano? What is the matter?"

"Naks englishera yan?"

"Enebe! Ako lang 'to ehe!" Pabebe niyang sabi habang hinahawi pa yung ilang hibla ng kanyang buhok, pero ilang saglit lang ay mukhang natauhan na kaagad ito. "Ano ba! Wag mo nga akong inuuto dyan. Sagutin mo nalang yung tanong ko."

"Ano kasi...Tawagan ko kaya ulit?" Pag-iiba ko ng topic, pero mukhang hindi yata gumana.

"Ikaw na nga nagsabi na hindi niya sinasagot yung tawag, tapos tawag ka pa ng tawag dyan. Halika na kasi!"

"Mamaya na pag-gising ni Ron."

"Bakit ba kasi ayaw mo pa?"

"Baka kasi andyan pa si ate Sandra. Eh takot pa man din ako dun!" Papahina kong sabi, tumawa naman siya.

Anong nakakatawa dun? *Pout*

"Myghad! Unggoy! Napakabakla mo! Si ate lang yun uy!"

"Edi pumunta ka na kasi mag-isa dun!" Inis kong sabi pero siya naman ngayon yung nag-inarte.

"Ayaw! Baka lapain ako nung pandak na aso ni Ron. Palagi akong tinatahulan nun eh!"

"Malamang lalapain ka talaga nun. Sabihan mo ba naman ng pandak yung kauri mo---aray!"

"Isa pa unggoy ipapasagasa na talaga kita!" Inis niyang sabi, ngumiti naman ako.

"Try me."

Matapos naming magbangayan, mag-dogshow-an at magbwisitan nitong si Sheia ng ilan pang minuto ay wala kaming nagawa pareho kundi pumunta sa bahay nila Ron ng walang pasabi. Actually madalas naman akong pumunta dito lalo na nung elementary palang kami hanggang high school, natigil lang talaga nung umalis na sila tito at tita.

I Love You, I'm SorryOnde as histórias ganham vida. Descobre agora