[06] Home (Part I)

72 14 3
                                    

ZYARA'S POV.

Isang ordinaryong araw nanaman ang bumungad sa akin ngayong umaga. Walang pinagbago, gaya pa rin ng nakagawian.

Gumising ng maaga, gumayak at umalis na ng apartment para pumasok na ng school. That's all.

Hindi na ako kumakain pa ng umagahan dahil first of all wala namang maghahanda ng pagkain para sa akin, and second, hindi rin naman ako marunong magluto.

Hindi na rin ako nag-sstay pa ng matagal sa apartment. Madalas nasa school lang ako o di naman kaya sa coffee shop pero hindi para uminom ng kape kundi para magbasa lang ng mga libro.

Umuuwi lang talaga ako sa tinutuluyan ko kapag magbibihis o di naman kaya ay matutulog, wala naman na kasi akong ibang pwedeng gawin don maliban sa tumulala dahil sa loob ng halos dalawang taon ay mag-isa nalang ako sa pesteng lugar na yon.

Anyway, Thursday ngayon, in other words may pasok, so it only means that na sa school ang punta ko.

And everytime I entered that university, it feels like i'm home. Mas itinuturing ko pa nga yatang tahanan 'tong university kaysa sa apartment eh.

Sa lugar kasing 'to madalas nabubuo yung ordinaryong araw ng buhay ko.

At ang tinutukoy kong ordinaryo ay walang iba kundi ang mag-aral at matuto.

Pero dahil nga nasa Pilipinas tayo, ay siyempre hindi talaga mawawala yung mga taong walang ibang ginawa kundi ang mang-istorbo at manggulo, gaya nalang ng mga kaibigan ko.

Si Sheia na maya't-maya ay palagi akong dinadaldal.

Si Kier na palagi akong kinukulit.

At si Ron na palagi akong iniinis.

But despite all of that, masaya pa rin ako na isa sila sa mga tao na palaging bumubuo ng araw ko.

Kasi atleast, may mga tao pa rin pala akong matatawag na isang kaibigan sa kabila ng ugali at buhay na mayroon ako. Gaya nalang nila.

Kaya naman hangga't kaya ko ay pinapahalagahan ko talaga sila. Ayoko kasing dumating yung araw na nang dahil sa pagsasawalang bahala ko sa kanila ay bigla na lang silang mawawala sa tabi ko na ikinakatakot ko talagang mangyare, sila nalang kasi yung meron ako kaya naman hindi ko talaga hahayaan na mangyare yon.

And speaking of kaibigan, matapos nga pala nung nangyare kaninang break time, kung saan nagpapansin nanaman ang dakilang kutong lupa na si Kurt ay di na ulit namin nakita pa si Ron.

After niya kasing mag walk out ay di na siya pumasok pa sa mga natitira naming subjects ngayong umaga. Kaya naman ganun nalang yung pag-aalala ng bestfriend kuno niyang si Kier na maya't-maya lang naman akong kinukulit at tinatanong na kung nakita ko na raw ba siya? Nagtext na raw ba siya? May balita raw ba ako sa kanya? At kung ano-ano pang mga tanong na karaniwan ay mga kasintahan o di naman kaya'y mga asawang babae lang dapat yung nagtatanong at nagsasabi.

Kaya kung dumating man yung araw na malaman ko nalang isang araw na magjowa na pala silang dalawa, hindi na talaga ako magugulat.

Sa tagal ba naman nilang magkasama, imposible nalang na walang naging improvement sa relationship nila. Psh!

By the way, inaamin kong nag-aalala rin naman ako sa kumag na yon, pero hindi naman ganun kalala tulad nalang ni Kier. Kasi first of all, hindi naman na siya bata para alalahanin pa.

He's already 19 years old, in other words adult na siya, so dapat alam niya ng tumayo sa sarili niyang mga paa, maliban nalang kung yung pagiging utak lamok nanaman yung pinairal niya, at kung ganun nga yung nangyare, dapat nga talaga siyang alalahanin.

I Love You, I'm SorryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin