[13] Saturdate (Part III)

26 6 0
                                    

RON'S POV

"Yung totoo Zya," paninimula ko habang nakatitig sa kanya ng seryoso. "may gusto ka ba kay Bry?" Nakakunot noo kong tanong. "Kanina ka pa tanong ng tanong tungkol sa kanya eh! Type mo ba siya ha?"

Honestly, ayokong sumagi sa isip ko yung idea na yon, kasi una hindi naman sila close na dalawa, bihira rin naman silang mag-usap--well magsama ba naman kasi yung anti-social and introvert, malamang walang usapan na magaganap--pero the more she asked questions from me about my friend and band mate Bry, mas nadadagdagan lang tuloy yung pag-oover think ko about sa nararamdaman ng bebe ko sa kaibigan ko.

Siya ba yung kaibigan na tinutukoy niya nitong umaga? Hindi ako?

"You know what, Ron? You're being paranoid. Hindi ka na nakakatuwa, actually." She said with a serious tone. "Ang gusto ko lang naman ay makilala yung magiging amo ko, if matanggap nga ako dito sa shop niya."

"T-talaga? Wala kang gusto sa kanya?" I asked while pouting my lips, but she didn't answer anymore.

"Don't worry bro, hindi kita aagawan." Biglang sabi ng kung sino, nang iangat ko yung paningin ko ay si Bry lang pala.

He serves us one cup of coffee with kinda look like bula on top and a heart on the middle for the decoration--sorry na wala akong alam sa coffee--and two slices of chocolate cake.

"Asan milo ko?"

"No stock." He answered before siting next to me.

"Teka para saan 'to? Hindi pa naman kami umo-order ah?" Nagtatakang tanong ni Zya habang nakatingin sa kape at dalawang slice ng chocolate cake na isinerve sa amin ni Bry.

"It's my treat."

"Per---"

"Masamang tumanggi sa grasya!" Hirit ko sabay subo ng isang kutsarang cake na nasa harapan ko.

"Just eat." Dagdag pa ni Bry, kaya walang ibang nagawa si Zya kundi magpasalamat at tanggapin yung libre sa amin ni Bry.

Habang kumakain kami ay nag-uusap na rin pala yung dalawa tungkol sa pag-aapply ni Zya dito sa cafe shop ng kaibigan ko. Without any second thoughts ay agad na tinanggap ni Bry yung application ni Zya na ikinagulat naman ng bebe ko.

Pinag-usapan na rin nila kung kailan siya mag-sstart at kung anong oras ang schedule niya. At base sa pagkakaintindi ko. Sa weekdays, 5:00 PM to 9:00 PM ang pasok ni Zya at kapag weekends naman is sasamahan niya rito si Bry maghapon.

Pagkatapos nilang mag-usap ay agad rin namang bumalik si Bry sa counter para asikasuhin yung mga bagong dating na customer. Agad rin naman na kaming nagpaalam sa kanya para mas makapag-focus siya sa pagtatrabaho, nakakahiya naman kasi kung magpaka-VIP pa kami dun diba?

So as of now, balik nanaman kami sa kanina naming ginagawa ni Zya, which is ang maglakad. Well, mabuti nalang talaga at medyo palubog na yung araw, kaya hindi na ganoon kainit, kumpara kaninang sinusundan ko siya ng palihim.

As usual, wala nanamang imik ang bebe ko, pero ramdam kong mas maganda na yung mood niya ngayon, kaysa kanina. Dahil siguro 'to sa pagkakatanggap niya sa trabaho.

"Thank you nga pala." She said out of no where, dahilan para manlaki yung mga mata ko.

"Ha? Ano yon?" Tanong ko kahit na narinig ko naman talaga.

"Sabi ko, salamat."

"Para saan naman?" Tanong ko habang nakangiti siyempre. Bihira lang 'to eh, kaya dapat damhin ko na ng todo-todo.

"For helping me."

"Yun nalang yon?"

"Bakit ano pa bang gusto mo?"

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now