[12] Saturdate (Part II)

22 8 6
                                    

RON'S POV.

"Sinusundan mo ba ako?"

I stared at her for a minute or two, hindi dahil nag-iisip ako ng pwedeng dahilan, kun'di dahil nabighani nanaman ako sa angkin niyang kagandahan.

Burn!!!

"A-ako? Susundan ka? Sa gwapo kong 'to? Hell no!" I said with so much confidence, hindi naman siya natinag sa mga sinabi ko dahil nakatingin pa rin siya sa akin na para bang hinihigop niya na yung kaluluwa ko.

"Akala ko ba bibili kayo ni Kier ng sinasabi niyang new edition ng PS5? So asan na? Atsaka sa bar ba nabibili yon kaya nandito ka?" Aniya habang nakataas yung isang kilay.

Ahitin ko yan eh!

"First of all, hindi ba pwedeng natapos na kami sa pagbili sa PS5 ng singkit na yon kaya andito ako ngayon at nakipagkita kay Jaden?" I said with so much sarcasm. Napangisi naman siya. "And second, it seems like you don't even know the word 'coincidence' and 'accidentally', didn't you?"

A moment of silence happened for a couple of seconds. Hanggang sa siya na ang kusang bumasag no'n.

"Whatever!" She said before she walked away from me.

Nagulat naman ako sa inasta niya, dahil ang akala ko ay mabibisto niya na ako by means of questioning me a ton of questions, but she just ignored it, and most especially, she left me alone! Tama ba yon?

I know that, I should be feel relief that she ignored the reasons why I am here, pero parang hindi ako satisfied sa ginawa niya, honestly I want more. I want more times of asaran and bangayan with her. Gusto ko siyang inisin, gusto ko siyang bwisitin, at siyempre gusto ko siyang makasama. Kung pwede lang kahit pang-habang buhay na eh.

Nakita niya na rin naman na ako, bakit hindi ko pa lubos-lubusin diba?

"Yun nalang yon!? Iiwan mo nalang ako basta-basta?" Sigaw ko saka ako sumunod sa kanya ng nakangiti.

"Ano pa bang gusto mong mangyare?" She said without looking at me.

Balak ko pa sana siyang sagutin ng 'ang makasama ka' pero pinili kong wag munang sabihin yon, baka kasi mawala ang angas netong bebe ko.

"Hindi mo ba ako tatanungin ng ibang tanong? Yun lang talaga?"

"Why would I? Alam ko naman na yung totoo kahit hindi kita tanungin."

"Anong totoo?"

"Na sinusundan mo nga ako." Sabi niya sabay tawid sa kalsada, halos atakihin naman ako sa puso nang bigla na lang siyang tumawid do'n nang hindi tinitignan yung mga sasakyang napakabibilis kung magmaneho.

Langyang babae 'to! Balak na yatang magpakamatay!

But i have no choice, kahit delikado ay nakitawid na rin ako, pero siyempre, pinapahinto ko muna yung mga sasakyang dumaraan, ayoko pa kasing mamatay, marami pa kasi akong pangarap sa buhay, gaya nalang ng pagpapakasal naming dalawa.

"Kapal rin ng mukha mo no! Bakit naman kita susundan? Sino ka ba ha?" Sabi ko nang sa wakas ay makalapit na ulit ako sa kanya.

"Ikaw nga yung makapal ang mukha dyan eh! Sabi ka ng sabi na hindi mo ako sinusundan, pero anong ginagawa mo ngayon ha?" Sabi niya nang hindi ako nililingon, natahimik naman ako saglit dahil mukhang nasapul ako dun eh!

"Nakita nalang rin naman kita, bakit hindi pa ako sumabay sayo diba?" I answered, but she didn't reply anymore.

Ilang saglit rin siguro kaming tahimik na naglalakad, kulang nalang talaga yung mga tunog ng kuliglig para mas lalong maging awkward yung sitwasyon namin ngayon eh.

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now