[02] Madam Tintin

180 27 32
                                    

RON'S POV.

Alas nuebe na ng gabi pero nandito ako ngayon sa likod ng malaking vase na malapit lang sa kwarto ng pamangkin ko, at abalang nagtatago sa mala demonyo kong pinsan na si ate Sandra.

Balak ko kasi sanang kausapin yung pamangkin ko na si Athena tungkol sa 'mga walang kwentang bagay', pero mukhang nasa loob pa yata ng kwarto niya yung mama niya na mukhang hindi pa tapos sa pagpapainom ng gamot sa anak niyang may hika, kaya naman wala akong choice kundi ang maghintay at magtago muna dito sa labas.

Ayaw rin kasi akong papasukin ni ate Sandra sa kwarto ng anak niya tuwing gabi, kasi daw baka puyatin ko pa si Tintin. Pero ang di niya alam ay mas magaling pang magpuyat yung anak niya kaysa sa akin.

Siyempre kanino pa ba matututo, edi sa gwapo niyang tito.

Nga pala, si ate Sandra at ang pamangkin kong si Athena nalang ang kasama ko dito sa bahay mula pa nung tumungtong ako ng senior high. Sila mama at papa kasi ay sa states na nakatira, dapat nga nandon na rin ako ngayon eh, pero mas pinili kong dumito muna, kasi bukod sa di ko pa kayang iwan yung mga kaibigan ko ay hindi pa kasi ako handa para makipag-englishan don.

Kung bakit ba naman kasi hindi marunong mag-tagalog yung mga Americano eh! Mga bobo amputa!

Nasa ganon naman akong sitwasyon nang bigla na lang bumukas yung pinto at iniluwal non ang pinsan ko. Kaya todo tago naman ako dito sa likod ng vase at pinilit na huwag gumawa ng kung ano mang ingay, pero sadyang matinik talaga 'tong pinsan ko, dahil pagkasarado niya palang ng pinto ay agad din siyang pumunta sa gawi ko.

"Lumabas ka na dyan Ron, at alam ko namang nandiyan ka." Maawtoridad niyang sabi, kaya naman wala akong nagawa kundi ang lumabas mula sa kinatataguan ko sabay kamot pa sa batok.

"Uy andyan ka pala insan!" Magiliw ko pang sabi, nagbabakasakaling mailusot ko pa, pero mukhang wala na talagang pag-asa. Pano ba naman kasi yung tingin niya sa akin ay para bang isa lang akong malaking biro para sa kanya.

Tang'na! Mukha bang biro yung ganitong kagwapo!?

"Hehehe! Sa totoo niyan ate ano...uhmmm---" Ano nga ba? "--ano... Dinidiligan ko 'tong halaman sa vase! Grabe tuyot na tuyot na kasi eh!" Sabi ko pa, pero ng hawakan ko na yung halaman sa vase na sinasabi ko ay napapikit nalang ako ng mariin.

Pano ba naman kasi, plastik pala ang putanginang halaman!

"Alam mo Ron, kung balak mo 'nanamang' istorbohin yung anak ko ng ganitong oras, wag mo ng ituloy."

"Ako? Bakit ko naman iistorbohin yung pamangkin ko ate?" Kunwari'y natatawa ko pang sabi, pero imbes na makitawa nalang ay tinaasan niya lang naman ako ng kilay.

"Aba malay ko sayong lalaki ka! Pumasok ka na nga sa kwarto mo! Wag mo kong hintaying mapuno sayo Ron Klyde ah!" Tila nagtitimpi niya ng sabi, kaya naman wala na akong pinalampas pa na oras at dali-daling naglakad papunta sa sarili kong kwarto.

Mahirap na! Baka mabalian pa ako ng buto.

A Few Moments Later~

"Tintin! Gising ka pa ba?" Pabulong kong sabi nang makapasok na ako sa napakadilim niyang kwarto, tanging lampshade niya lang kasi yung nakabukas tapos napakahina pa nung ilaw kaya halos dilim lang talaga yung nakikita.

"Yuhoo! Tintin! Asan ka ba kasi?" Sabi ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa kama niyang wala namang nakahiga maliban sa panget niyang manika.

Asan ba kasi yung batang yon! Kainis!

I Love You, I'm SorryOnde histórias criam vida. Descubra agora