[14] Morning Routine

21 7 6
                                    

RON'S POV.

Ako yung tipo ng tao na kapag hindi maganda yung gising ko ay wala talaga akong gagawin buong maghapon maliban sa pag ce-cellphone, paglamon at pagtugtog ng gitara.

Pero kapag maganda naman yung gising ko, ay siyempre sobrang sipag ko niyan! Yung tipong hindi ko nararamdaman yung pagod kahit maghapon pa akong maglinis ng bahay.

Gaya nalang ngayon. Sino ba naman kasing hindi gaganahang gumising matapos yung nangyare kagabi diba?

Ay shet! Naalala ko nanaman tuloy.

Kayo kasi eh! Kinilig nanaman tuloy 'tong kagwapuhan ko.

Anyways, it's already 8 o'clock in the morning pero hindi pa rin gumigising ang bebe ko. Kanina pa kasi ako nakatambay malapit sa pinto ng kwarto niya pero ni hindi man lang bumukas yun kahit na kaunti lang.

Napuyat kaya si bebe ko sa kakaisip sa akin kagabi?

"Hoy kuya!" Panggugulat sa akin ni Tintin. At siyempre halos mapatalon nanaman ako. Morning routine na yata namin 'to ng pamangkin ko simula nung dito na manirahan si bebe ko.

"Ano nanaman?" Inis kong sabi.

"Just to inform you kuya, kanina pa nagriring yang cellphone mo. Baka gusto mo ng sagutin at napakasakit sa tenga niyang ringtone mo." She said with a little bit of sarcasm in her voice. I quickly walk towards the living room, where I heard my unique yet beautiful ringtone.

Kinuha ko rin kaagad yung cellphone ko nang makita kong nakapatong lang pala 'to sa sofa. But unfortunately, the call has already ended. And it was Kier who was calling.

Ano naman kayang problema nitong singkit na 'to?

"Ano ba naman kuya, pati ba naman ringtone siya pa ren?" Tila nandidiring sabi ng pamangkin ko, sa tingin palang kasi niya halata na eh.

"Shhh! Wag kang maingay baka marinig ka niya!" Nakangiti kong sabi, inirapan niya naman ako.

"Sa lakas ba naman niyang ringtone mo kuya, kahit hindi ko sabihin, malamang alam niya na."

"Sorry naman na, nakalimutan ko kasing palitan."

Kung nagtataka kayo kung ano ba yung ringtone ko, simple lang naman.

Si bebe ko na sinisigawan lang naman ang aking kagwapuhan. Oh diba? Sinong hindi matatarantang sagutin yung tawag kapag ganun yung ringtone.

"Don't say sorry, kuya. Wala naman kasi akong pakialam sa pagiging martyr mo."

"Grabe naman sa martyr." Nakanguso kong sabi.

"Oh bakit? Totoo naman ah? Halos kay ate Zya na nga lang umiikot yang mundo mo eh. Bakit hindi mo pa kasi siya gawing planeta tapos dun ka na rin tumira para naman mabawasan ng mga baliw sa pag-ibig 'tong planet Earth. What do you think, kuya?"

"Sus! Nagseselos ka lang yata eh? Tama ako no?"

"Over my dead body. No way!"

"Weh? Selos ka eh! Oh halika na ikaw na yung gawin kong mundo, para di ka na magselos." nakangiti kong sabi, atsaka siya binuhat ng pang-kasal.

"Kuya! Ibaba mo ko!" Pagpupumiglas niya na may kasama pang paghampas sa dibdib ko. Well, inaamin kong medyo masakit pero ininda ko nalang ang cute niya kasing asarin eh.

Natigil lang talaga ako sa ginagawa ko sa pamangkin ko nang biglang may nagsara ng pinto. At nang magtama yung mga mata namin ay para bang na-hypnotized nanaman ako ng kagandahan niya.

Kaya naman...

"Aray."

Nabitawan ko lang naman yung pamangkin ko.

"Ay takte! Okay ka lang Tin? Naalog na ba yang utak mo? Mamatay ka na ba?" Nag-aalala kong sabi, pero sa kabila ng pagiging concern ko sa kanya ay tinulak ba naman niya ako na may kasama pang pag-irap.

"Alis nga! Kahit kailan talaga hindi ka na nagtino." Inis niyang sabi sabay walk out habang bitbit yung panget niyang manika na hindi ko pala napansin kanina.

Nang ibaling ko naman yung paningin ko kay bebe ko ay sunod-sunod na yung pag-iling niya.

Owshet! Na turn off na ba si bebe ko sa akin?

"G-good morning?" Nakangiti kong sabi kahit medyo awkward. Tinignan niya lang naman ako atsaka naglakad papunta ng kusina.

Teka? Tama ba yung nakita ko? Ini-snob ba ako ni bebe ko? Tinotoyo nanaman ba siya? Hays! Mga babae nga naman talaga!

"Gusto mo na bang kumain? May naluto naman na ako dyan eh." I asked her, she just looked at me and shook her head.

"Magkakape nalang ako."

"Ang kaso ano..." Paninimula ko, kaagad naman siyang lumingon sa akin.

"What?"

"...walang kape." Sabi ko sabay kamot sa batok.

"Ahh ganun ba?" Tila nanghihinayang niyang tugon, at siyempre bilang boyfriend niya (not now, but soon) ay dapat makagawa na ako ng paraan para hindi na siya malungkot pa.

"May isang lata naman ako ng milo na stock dyan, baka gusto mo yon?" Nahihiya kong sabi, bahagya naman siyang natawa.

"Hanggang ngayon ba naman adik ka pa rin don?" Sabi niya, hindi naman ako kaagad nakasagot. "Bibili nalang ako ng kape dyan sa tindahan, hindi kasi ako mahilig sa milo eh."

"Ako na! Ano bang gusto mo? 3&1? Puro? O ako--este a-ano ba?"

"Ano ka ba? Ako na, malapit lang naman yung tindahan eh." Pagpupumilit niya pa, pero sorry panget mas mapilit ako eh.

"Ako na. Actually may bibilhin rin kasi ako eh." Kahit wala naman talaga.

"Okay. If that's what you want. Teka kukuha lang ako ng pambili."

"No need. Sobra-sobra naman 'tong dala ko." Hindi naman na siya nakasagot pa dahil agad din akong naglakad palayo sa kusina, baka kasi magbago pa yung isip niya. Eh ayoko pa man din siyang mapagod.

Oh diba? Napaka-boyfriend material ko talaga. Hay! Eh ako lang naman kasi 'to.

Anyway...

"Hoy panget! Anong klase ba ng kape bibilhin ko." Sigaw ko bago ko pa man mabuksan yung pinto ng sala. At ilang saglit lang ay muli ko siyang nakita at bahagyang lumapit sa akin.

"3&1 nalang."

"Okay. Willing to wait ma'am?" Pagbibiro ko pa, pero inirapan niya nalang ako bilang tugon.

Kahit kailan talaga hindi na siya natutong sumakay sa mga biro ko. Buti nalang talaga mahal ko siya.

At bago pa man ako mandiri sa mga sinasabi't iniisip ko ay kaagad ko ng binuksan yung pintuan.

Pero ang mga sumunod na nangyare at nakita matapos kong buksan yung pinto ay hindi ko lubos na inaasahan.

"Surprise!" Sigaw ng bestfriend ko na si Kier, pero nang magawi yung paningin niya at ng kasama niyang si Sheia sa likuran ko ay tila sila ang mukhang nasurprise.

Tangina. Kung minamalas ka nga naman oh!

To be continued...

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now