[05] Confused

82 17 38
                                    

RON'S POV.

Pagkalabas namin ni Kier ng classroom ay agad na bumungad sa amin yung mga estudyanteng nagkukumpulan. Pero sa kabila non ay nakipagsiksikan pa rin kami para lang malaman kung ano nga ba yung pinagtitinginan nila. At para na rin ma-satisfy na rin sa wakas 'tong chismoso kong kaibigan.

Pero nang tuluyan ko ng makita kung ano nga ba yung eksena na kanina pa pinagkakaguluhan ng mga babae ay natigilan ako.

"Please, just give me a chance to prove to you that i am truly in love with you, Zyara." Sabi ng isang lalaking nakaluhod ngayon sa harapan niya.

At kung hindi ako nagkakamali, miyembro rin siya ng cheering squad na kinabibilangan ni Zya, bukod don siya rin yung palaging nangungulit sa kaibigan namin sa tuwing may practice sila ng cheering squad.

Pero dahil nga kilalang-kilala ko na yang babaeng yan ay hinayaan ko nalang yung lalaking kulitin siya dahil alam kong sa huli ay wala lang siyang ibang mapapala kundi kahihiyan.

Kaya naman inihanda ko na yung sarili ko para umalis dahil mukhang alam ko naman na yung susunod na mangyayare, pero saktong pagkatalikod ko palang sa kanila ay bigla nanamang nagsalita yung lalaki.

"Zyara Faye Ventura... Can I court you?" Aniya na naging dahilan nang pagkapako ng mga paa ko sa sahig na inaaapakan ko, kasunod non ang unti-unti ko nanamang paglingon sa kanila.

"Omo!"

"When kaya!!!"

"Sanaol!"

"Kyyyaaahhhhh!!!"

"Dapat ako den!!"

Sa kabila ng mga hiyawan ng mga nasa paligid ko ay mas nangingibabaw pa rin talaga sa tenga ko yung malalakas na pagtibok ng puso ko.

Hindi ko alam, naguguluhan ako.

Kasi dapat mas matuwa pa nga ako sa narinig ko eh. Baka yun na kasi yung pwede kong maging dahilan para layuan ko na siya ng tuluyan at para makalimutan ko na 'tong nararamdaman ko para sa kanya.

Pero bakit may part pa rin sa pagkatao ko na nagsasabi na parang ayokong mangyari yung sinasabi ng isip ko. Na ang gusto ko lang mangyari sa ngayon ay mailayo siya sa tarantadong lalaking nakaluhod sa harapan niya, at sabihin sa lahat na walang kahit na sinong pwedeng mang-angkin sa kaibigan ko maliban sa akin.

Pero agad ko rin namang napagtanto ang lahat matapos sumagi sa isip ko na wala nga pala akong karapatan.

Wala akong karapatan na pigilan ang iba na pormahan at ligawan siya. Wala akong karapatan na hilain siya palayo sa lalaking nakaluhod ngayon sa harapan niya, at higit sa lahat wala akong karapatang angkinin siya.

Because at the first place, wala namang kami at kaibigan niya lang naman ako.

Kaibigan na palagi lang dapat nakasuporta, kaibigan na palagi lang dapat nasa tabi niya, at kaibigan na mananatili lang dapat na isang kaibigan hanggang sa huli.

"Yes na yan!!!"

"Kaya nga!"

"Pumayag ka na gurl!"

Sigawan nanaman nung mga katabi namin sa likod ni Kier, at habang tumatagal ay papalakas na ng papalakas yung sigawan na yon dahil halos lahat na yata ng mga nanunuod ay pinipilit na si Zya na tanggapin yung alok nung lalaki.

Pero imbes na makisali sa sigawan ay nakatingin lang ako ng mabuti sa bibig ni Zya, naghihintay ng sasabihin niya. And every seconds pass, ay ganun nalang yung kabang nararamdaman ko. Hindi na ako mapakali at hindi na rin ako makapag-isip pa ng maayos.

Gusto ko kasing malaman kung ano yung isasagot niya, pero ayoko namang marinig na tatanggapin niya nga yung alok nung lalaki.

Nakakalito. Nakakainis. Nakakakaba.

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now