[16] Surprise Guest (Part II)

23 5 1
                                    

RON'S POV

Silence.

Ang bumungad sa amin pagkatapos lang namang LUMAMON nung dalawa naming BWISITA ngayong araw.

Actually I've already expected this kind of situation, but not so early. Hindi ko naman akalain na mapapa-aga pala yung confrontation scene na kagabi ko pa iniisip at pinaghahandaan.

Knowing the capabilities of my bestfriend na kabaliktaran naman ni Sheia, hindi na ako magtataka na malalaman niya 'tong bagay na 'to sooner. Pero mukhang na-underestimate ko yata siya, hindi ko alam na kaya niya pala akong corner-in ng isang araw lang.

"So pre, kailan niyo pa sa amin tinatago 'to?" Kier said in a serious tone, kaya ako naman 'tong si kaibigan niya na hindi sanay na makita at marinig siyang ganyan ay mas lalong natameme.

Kulang nalang talaga yung ilaw na gumagalaw sa taas eh, para masabing nasa interrogation room na ako.

"Ahhh... ehh...ano," paninimula ko. "Sasabihin ko naman talaga sa inyo eh p---"

"---Pero naghahanap ka pa kasi ng tamang pagkakataon?" Singit ni Kier, dahan-dahan naman akong tumango dahil yun naman talaga yung sasabihin ko. "Psh! Gasgas na yan pre, wag mo kong igaya sa iba."

"I second the motion." Tin interrupted na isa sa mga katabi ni Kier na nakiki-interrogate kuno kahit na hindi ko naman siya pinaglihiman.

"Eh anong magagawa ko! Eh yun naman talaga yung dahila---"

*BLAG*

Sabay-sabay naman kaming nagulat nina Sheia at Zya nang bigla na lang hinampas ni Kier yung lamesang nasa harapan namin. Tin remained composed by the way.

"Nagdadahilan ka pa ngayon!?" He said with authority. Kaya tuluyan na akong hindi nakapagsalita at napayuko nalang.

"Huy unggoy! Para saan naman yang paghampas ng lamesa at pagsigaw mong pakulo dyan ha?" Giit ni Sheia sabay tapik sa braso ng kaibigan namin.

Take note! Tapik lang yun ah! Malayong-malayo sa hampas na palagi niyang ginagawa kay Kier sa normal na araw.

"Ay bakit? Napasobra ba?" Natatawang tanong ni Kier na nagpagaan naman ng loob ko---o mas tamang sabihin na nagpagaan ng loob naming tatlo.

"Ay sobra beh! Para ka ng ibang tao kanina eh." Sabi ni Sheia na mukhang nakahinga na rin ng maluwag.

"Ay ganun ba? Ginagaya ko lang kasi yung idol kong lawyer sa isang palabas. Bakit? Effective ba?"

"Wag mo nalang ulitin pre." I said with an awkward smile flash on my face.

After that, hindi na ako pinagsalita pa ni Zya tungkol sa nasaksihan ng dalawang abnormal at maissue kong kaibigan dahil siya na mismo ang nagsalita. She admit that she's having trouble right now in terms of financial. Na kaya daw umalis siya ng apartment na tinutuluyan niya no'n ay dahil ilang buwan na siyang hindi nakakabayad ng renta. And tada! She picked mine over Sheia's and Kier's houses.

"Dearest Friend, tatlo naman kaming kaibigan mo eh, pero bakit dyan ka pa sa bobo napunta?"

"Wow naman! Nakakahiya naman sayo Sheia." I said sarcastically but they just ignore me.

"I have no choice."

"Anong walang choice ka dyan? Ako? Hindi ba ako kasama sa option mo?"

"Sheia. Alam kong may financial problem din kayong kinakaharap. Ayoko namang dagdagan pa yung iisipin nila tita nang dahil lang sa akin."

"Wala kaming financial problem dearest friend! Medyo kapos lang kami sa pera ngayon, yun lan---aray! Ano bang problema mo unggoy!" Inis niyang sabi matapos siyang batukan nung katabi niya na deserve niya naman talaga.

"Parehas lang yun. Bobo!"

"He! Manahimik ka nga dyan!" Inis niyang sabi sabay irap. Pero ilang saglit lang ay bigla ulit siyang lumingon kay Kier na may nanlalaking mata. Nag-iba tuloy bigla yung ekspresyon ng best friend ko.

Magkaroon ka ba naman kasi ng kaibigang mas mukhang baliw pa sa mga baliw, sinong hindi matatakot dun diba?

"Oh eto dearest friend!" Aniya sabay akbay kay Kier.

"Ano ba pagong! Wag mo nga 'kong akbayan!" Pag-iinarte ng bestfriend kong may kiliti sa leeg. Hindi naman nagpaawat yung isa sa pag-akbay habang nanlalaki pa rin yung mga mata.

Yung totoo? Makikipagbardagulan ba 'tong si Sheia? Daig niya pa yung mukha ni Cardo 'pag nanggigigil eh.

"Diba financial churvanes yung problema mo? Eh bakit hindi ka kila Kier tumuloy? Eh Rich kid to eh!"

"Hindi magandang tignan na magkasama sa iisang bubong yung babae at lalaki." Kalmadong tugon ni Zya, nakitango naman ako.

"Oy teka! Lalaki rin naman si Ron ah!" Sabi ni Kier sabay turo sa akin.

At siyempre nagmaang-maangan ako.

"I know, pero hindi lang naman kaming dalawa yung nakatira dito eh. Kasama naman namin si Ate Sandra and si Athena." Aniya sabay lingon kay Athena na abala sa pambabarang---este paglalaro nung panget niyang manika. "And also, we're all friends after all, kaya kahit saan ako makituloy okay lang naman siguro diba?"

Hindi naman na nakaimik pa yung dalawa, habang ako naman ay nakatulala lang sa bebe ko. Hindi ko kasi alam kung kasama ba ako dun sa tinutukoy niyang 'friends'.

Well, kung kasama nga ako wala namang problema, pero...

Wala na ba talagang hihigit dun bebe ko? *Pout*

"Oh sya!" Bulyaw ni Sheia, halos mapatalon naman ako nang dahil don.

Taena! Hindi niya ba talaga alam hinaan yung boses niya?

"Tutal tapos naman na ang usapan, aba'y magsiligo na kayo at baka mahuli pa tayo sa misa!" Pagtutuloy niya.

"Kayo nalang, busy ako."

"Sus! Ang sabihin mo pre, takot ka lang talaga pumasok ng simbahan! Dami mo pang palusot dyan eh!"

"Taena ne'to! Joke lang naman! Tadyakan ko yang bibig mo eh! Nagmana ka na dyan sa katabi mo, alam ba mo yun?"

"Ako? Magmamana kay pagong! Kadiri ka pre! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo."

"Ay waw Kier! Ikaw pa talaga 'tong nandiri ngayon!" Sabat naman nung isa.

"Alangan namang ikaw mandiri sa akin!"

"Ay bakit? Hindi pwede ha!?"

Nagpatuloy lang sa pagbabangayan yung dalawa na hindi ko na binalak pang pakinggan. Maglalakad na sana ako paakyat para makagayak na ako pero agad din akong napabalik nang magsalita si bebe ko.

"Teka. Paano si Athena?" Tanong niya.

"Edi maiiwan. Kaya mo namang mag-isa dito diba Tin?" I said in a cute tone. Bakit? Bawal ba?

"Oo naman kuya, hindi naman ako tulad mo no!" Sabi niya na balak ko pa sanang barahin pero hindi ko na nagawa dahil bigla nanaman siyang nagsalita. "Basta kuya iready mo nalang yung mga..." Saglit naman siyang napatingin sa mga kasama namin sa bahay, atsaka bumaling ulit sa akin. "Alam mo na yon!"

"Sige, ireready ko na para hindi ka na mahirapan mamaya." Tugon ko, tipid naman siyang ngumiti.

"Hindi! Walang maiiwan isasama natin siya." Biglang sabi ni bebe ko dahilan para mapalingon sa akin si Tin.

"Hindi pwede. Delikado sa labas, baka mapa'no lang siya do'n."

"Delikado? Eh kasama niya naman tayo. Hindi naman natin papabayaan si Athena diba?" Aniya atsaka siya lumingon kila Sheia at Kier na agad namang tumango.

"Hindi niyo kasi naiintindihan eh!" Pagmamaktol ko pero para bang hindi nila ako pinapakinggan.

"Athena, come with us."

"Oo nga beh, for sure mag-eenjoy ka don!"

"Kaya nga, atsaka minsan lang naman 'to eh. Hayaan mo nalang yang si tito mong hilaw, sagot ka namin!"

Pamimilit nung tatlo. Muling lumingon si Tin sa akin, umiling naman ako bilang tugon sa kanya.

To be continued...

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now