[33] Subtle

34 3 1
                                    

RON'S POV.

Pagkalabas ko ng gate ay naabutan ko si bebe ko na nakasakay na ng tricycle. Masama ang tingin sa akin at mukhang handa ng pumatay...

Ng lamok.

"Ang tagal!" Inis niyang sabi. I just ignored what she said at nakipagsiksikan na sa loob kahit na alam kong delikado. Agad rin namang umandar yung tricycle pagkasakay ko.

"Ang sikip sikip na nga dito eh, sumiksik ka pa!"

"Ayoko sa likod eh baka kasi mahulog ako... sayo." Pabulong kong sabi atsaka pasimpleng ngumiti.

"Ano!?"

"Wala!" Sabi ko atsaka tumingin sa kanya. "Bakit ba ang sungit mo ngayon? Inaano ba kita?"

"Wow Ron! Coming from you?" Aniya na para bang biro lang sa kanya yung tanong ko. Eh alam ko naman sa sarili ko na seryoso ako sa tanong ko... at sa kanya.

Shet!!!

"Dapat nga ako magtanong sayo niyan eh! Kasi alam mo? Pansin ko lang na palagi ka ng moody. Ewan ko ba kung bipolar ka na ba o sadyang baliw ka na talaga. Pero alam mo Ron? Nakakabwisit na yang ugali mo sa totoo lang!"

"Ang sungit mo naman! Eh kanina naman okay ka pa. Nag good morning ka pa nga sa 'kin eh. Tapos..."

"Tapos ano?" Inis niyang sabi, and by just hearing her, alam kong napipikon na siya sa sinasabi ko. Kaya naman mas lalo pa tuloy akong nag enjoy na bwisitin siya.

"Tapos may pa hawak-hawak ka pa sa balikat ko kanina." Sabi ko saka nag-iwas ng tingin, narinig ko naman siyang naubo kaya naman hindi ko na napigilan pa ang mapangiti.

"Wag kang magmalinis, kumag!" She said after she recover from embarrassment, I guess.

"Oh bakit? Anong ginawa ko?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya, nakita ko naman siyang ngumisi kaya ginaya ko naman.

Take note! Maliit lang ang espasyo na meron kami since nakasakay nga kami sa tricycle. So napakalapit na talaga ng mukha niya sa akin. Nanginginig na nga ako eh, hindi ko lang pinapahalata.

"Sa tingin mo? Bakit ka ngayon nandito kasama ko? Aber?" Aniya, tinignan ko naman siya ng nagtataka. Since hindi ko naman maintindihan yung sinasabi niya. "Oh wait! Let me scratch that! Parang mas tama kasing itanong na... Bakit ikaw ang kasama ko ngayon instead of him?"

After hearing what she have said ay para bang may bigla na lang bumara sa may lalamunan ko kaya bigla na lang akong naubo. Nag-iwas na rin ako ng tingin at tumingin nalang sa labas.

Ang bilis nga naman ng karma. Hays...

~FLASHBACK~

Pagkarating ko ng kusina ay naabutan ko siyang naghuhugas na ng pinagka-inan. Lumapit naman ako sa refrigerator at nagkunwaring kukuha ng maiinom, since malapit lang naman ang ref sa may lababo kung saan siya naghuhugas.

Pero kahit na anong lapit ko sa kanya ay hindi man lang siya lumingon sa akin. Napapa-isip na tuloy ako kung sinasadya niya na ba yun o sadyang hindi niya lang talaga alam na andito ako sa kusina kasama siya.

"Ehem!" Pagpapansin ko, nagbabakasakaling lumingon na siya sa akin, pero hindi pa rin talaga.

Tangina! Pinag- tritripan ba ako ng babaeng 'to!?

"EHEM!" This time ay mas nilakasan ko na, and as I expected, sa wakas ay lumingon na rin ang bebe ko.

Buti naman.

"Oh anong kailangan?"

"Pumayag na ba yung gagong *ehem* Kurt na samahan ka?"

Tangina, nasusuka talaga ako kapag nababanggit yung pangalan ng gago.

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now