[07] Home (Part II)

61 12 9
                                    

ZYARA POV.

"Ang laki-laki mong bulas pero nananakit ka ng babae? Konting pride naman pare." Nakangising sabi ni Ron na siyang sumangga sa kamay ni Kurt kaya naman hindi man lang sumagi sa akin yung kamay niya.

"Wag mo kong angasan diyan Klyde, hindi porket sikat ka lang dito sa university hindi na kita papatulan." Mahinang sabi ni Kurt pero bakas ang pagkamariin non. Napangisi naman 'tong kaibigan ko.

"Wag kang puro dada, gawin mo nalang." Huling sinabi ni Ron bago niya ako hilain palayo kay Kurt at siya namang pag-sugod niya rito para suntukin siya ng sobrang lakas.

Naging mabilis ang pangyayare, dahil namalayan ko nalang na nakahiga na pala si Kurt sa sahig habang si Ron naman ay walang humpay siyang sinusuntok.

At dahil don ay agad na napuno ng hiyawan 'tong pathway kung nasaan kami ngayon nang dahil sa mga kapwa namin estudyante na kanina pa kami pinapanood.

Mabuti nalang talaga ay hindi na lumala pa yung pangyayare dahil agad din namang inawat ni Kier yung kaibigan niya at pilit inilayo kay Kurt na ngayon ay puro pasa at sugat na yung mukha.

"Subukan mo lang ulit lumapit sa kaibigan ko, hindi lang ganyan yung matatamo mo!"

"Wag ka ng magbanta Klyde, dahil kahit anong sabihin mo walang makakapigil sa aking lapitan yang tinatawag mong kaibigan."

"Saka ka na magyabang, kapag kaya mo na ako." Pahabol pang sabi ni Ron bago siya tuluyang umalis, at huli na ng namalayan kong hila-hila niya rin pala ako kaya naman naisama niya rin ako sa paglisan sa lugar na yon.

At nang makalayo na kami ay tila ba doon lang ako bumalik sa wisyo, kaya naman doon ko lang din nahablot yung kamay ko na kanina pa niya hawak-hawak.

"Ano bang problema mo?" Inis kong sabi, kunot noo niya naman akong nilingon.

"Ano nanaman ba?"

"Yung kanina! Yung panununtok mo kay Kurt! Bakit kailangan pang umabot sa ganon ha Ron?"

"Dapat lang sa kanya yon, Zya!"

"Dapat lang sa kanya yon?" Natatawang sabi ko. "Talaga ba ha Ron? Bakit alam mo ba kung anong nangyare ha? May sama ka rin ba ng loob sa kanya para gawin sa kanya yon? O talagang gusto mo lang magpapansin gaya nalang ng ginagawa niya sa akin. Para ano? Para lahat ng atensyon mapunta sayo? Well kung yun nga yung gusto mong mangyare, edi congrats! Nakuha mo lang naman kasi yung lahat ng atensyon ng mga school mates natin na nandoon kanina." May pagkasarkastikong sabi ko, saglit naman siyang natigilan.

"Ganyan na ba yung tingin mo sa akin Zya? Attention seeker?"

"Ano pa nga ba? Bakit Ron? Hindi ba? Ang pagkakaalam ko kasi ako yung binastos kanina, hindi ikaw! So bakit mo p---"

"Yun na nga eh! Binabastos ka na nga ng tarantadong Kurt na yon, pero ikaw naman 'tong si nagkukunwareng manhid, pinabayaan mo lang na bastusin ka!"

"Ano ba kasing pakialam mo kung bastusin ako ha? Ikaw ba yung nababastos? Ikaw ba yung nawawalan ng dignidad ha?"

"Ikaw na nga 'tong tinulungan, ikaw pa 'tong galit ngayon."

"May sinabi ba kasi akong tulungan mo ko!?" Sigaw ko sa kanya, hindi naman na siya nakaimik. "Alam mo Ron? Hindi ko kailangan ng tulong mo! Hindi naman kasi ako gaya mo na palagi nalang nakadepende at umaasa sa iba. Magka-iba tayo."

"...kasi ako kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Alam ko kung hanggang saan ang limitasyon ko. At alam ko ang ginagawa ko, kaya kung pwede lang wag ka ng mangialam. Kasi buhay ko 'to, hindi naman sayo." Dagdag ko pa pero hindi pa rin siya umiimik.

I Love You, I'm SorryWhere stories live. Discover now