CHAPTER 64

4 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 64

ELLAINE GARCIA RICAFORT

Mabilis na nagdaan ang mga araw at linggo at siniguro kong magiging masaya ang bawat sandali sa buhay ni Harris.

Lagi lamang akong nasa tabi ni Harris. Minsan ay dinadala ko rin ang mga anak namin dito para makasama niya. Gusto ko nga sana na dito na lamang din muna sila ngunit alam kong bawal din silang magtagal sa ospital lalo na si Kamil.

Natutuwa ako kapag nakikita ko ang ngiti sa labi ni Harris pero sa loob-loob ko, nadudurog din ako. Iniisip ko, hanggang kailan ko kaya makikita ang ngiti niya? Sa totoo lang, hindi pa ako handa na hindi na masilayan muli ang pagngiti ng labi niya at natatakot akong baka bukas, hanggang alaala na lamang ang ngiti niyang iyon dahil wala na siya.

Araw-araw akong nananalangin sa Diyos na sana ay maghimala siya. Naging mabuti naman si Harris at alam kong deserve niya na bigyan ng himala. Sana gumaling siya para maging masaya na kami ng lubusan.

"Ellaine," mahinang pagtawag ni Harris sa akin.

Napatigil ako sa ginagawa kong pagbabalat ng apples saka ko siya tiningnan. "Bakit?" pagtatanong ko na kunot ang noo.

"Hm... I have something to tell you," wika ni Harris. Naging seryoso siya.

Kumunot lalo ang noo ko.

"Ano iyon?" pagtatanong ko.

Tipid na ngumiti si Harris. Huminga rin siya ng malalim pagkatapos.

Ningitian ko naman siya. "Pero bago mo sabihin 'yan sa'kin, bibili muna ako ng makakain mo," saad ko. "Hindi ka pa nanananghalian," dagdag ko pa.

"Pwede bang mamaya na lang?" tanong niya para mapigilan ako.

Napangiti ako. "Makakapaghintay pa naman 'yang sasabihin mo," saad ko. "Saka bawal kang malipasan ng gutom," dugtong ko pa.

Ngumiti na lamang ng maliit si Harris.

"Sige at babalik din ako kaagad," pagpapaalam ko. Tumayo ako mula sa inuupuan kong monoblock chair saka hinalikan si Harris sa noo.

Napangiti naman si Harris. "Bumalik ka kaagad," aniya.

Ningitian ko si Harris saka tumango-tango rin ako.

HARRIS RICAFORT

Lumabas na si Ellaine at naiwan ako dito sa loob ng hospital room. Napabuga na lang ako ng hininga. Mamaya ko na lamang sasabihin sa kanya ang lahat.

Maya-maya ay muli akong napatingin sa pintuan nang marinig kong magbukas iyon. Akala ko ay si Ellaine na bumalik dahil may nakalimutan ngunit nurse pala.

Nakasuot ng mask ang nurse at may hawak siyang tray na dahan-dahang inilapag niya sa mesa na malapit sa kama ko.

Umiwas ako ng tingin sa nurse at hinayaan na lamang siya sa kanyang ginagawa. Tumingin ako sa bintana. Napangiti ako dahil maaliwalas ang panahon sa labas.

Pamaya-maya ay narinig kong muling nagbukas ang pintuan. Napatingin ako. Wala na iyong nurse.

Tiningnan ko ang kamay ko na may nakatusok na karayom. Dextrose.

Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas magmula nang umalis ang nurse ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Nanlaki ang mga mata ko. Biglang naging manhid ang pakiramdam ko at sumisikip at kinakapos ng hininga ang aking dibdib.

Gusto kong gumalaw ngunit hindi ko magawa. Anong nangyayari sa akin?

Pamaya-maya ay hindi ko na makayanan, mas lalo akong nawawalan ng hininga.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon