CHAPTER 50

8 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 50

ELLAINE GARCIA-RICAFORT

Lumipas ang mga araw at ang nananahimik kong isipan ay biglang nagulo. Hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa utak ko 'yung nangyari sa pagitan namin ni Andrei at simulan nun ay ginugulo na ako nito.

Hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko. Bakit ko pa ba kasi naiisip iyon? Hay! Ewan ko ba! Kahit ako ay gulong-gulo na sa sarili ko.

Nagbuga ako ng hininga. Umayos ako sa pag-upo dito sa gilid ng kama. Pakiramdam ko tuloy, dahil sa kiss na iyon ay nagtaksil ako sa asawa ko.

Pero hindi ko naman sinasadya iyon. Aksidente lamang ang nangyari kaya wala akong dapat ipag-alala.

Naputol ako sa pagkausap sa sarili ko nang makita ko si Harris na lumabas mula sa banyo. Nakatapis lamang siyang ng twalya sa baywang kaya kitang-kita ng aking mga mata ang magandang pangangatawan ng aking asawa. Bagay na bagay sa tangkad niya ang laki ng kaha niya.

Nakatingin naman siya sa akin habang naglalakad palapit. Sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi. Hinihintay ko naman siyang lumapit.

Hanggang sa huminto siya sa harapan ko at tumayo.

Tumingala ako ng tingin para makita ang mukha niya. Napangiti ako at ngumiti lalo siya.

Bumaba ang tingin ko at napunta iyon sa malapad niyang balikat pababa pa sa kanyang maumbok na dibdib. Bumaba pa ang tingin ko at napunta iyon sa kanyang abs na halatang matitigas. Nakita ko rin ang pusod niyang may pinong buhok sa ilalim na tumutuloy paloob sa twalya nito.

Nakatapat ang ibabang bahagi ng katawan niya sa mukha ko kaya nakikita ko ang bukol niya. Nawala sa utak ko iyong mga iniisip ko kanina at pakiramdam ko ay bigla akong nag-iinit sa nakikita kong itsura ng aking asawa.

Pamaya-maya ay bahagyang yumuko si Harris saka hinawakan ang magkabilang braso ko saka niya ako dahan-dahang itinayo. Muli ko siyang tiningnan sa mukha at nagtagpo ang aming mga mata.

"Ang mga bata?" tanong niya sa mahinang boses.

"N-Nasa sala kasama si Jane," nautal na sagot ko.

Ngumiti si Harris. Hinaplos niya ang gilid ng aking mukha at ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa aking mukha ay inipit niya sa aking kanang tenga.

"I love you," malambing na sambit ni Harris habang nakatitig sa mga mata ko.

Napangiti ako. Nakikita ko sa mga mata niya iyon.

"I love you too," sagot ko sa kanya.

Hinapit ako ni Harris sa bewang kaya mas lalong napalapit at dumikit ang katawan ko sa kanya. Napahawak ang mga kamay ko sa dibdib niya at nararamdaman kong tumitigas ang nasa ibaba niya na nakadantay sa bandang puson ko.

Hanggang sa dahan-dahan niyang ilapit ang mukha niya sa akin. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ganun din ako. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang labi niya na lumapat sa labi ko. Napayakap na ako sa kanya.

Nag-umpisang gumalaw ang labi niya na tinugon ko naman. Ang galing at ang sarap niyang humalik. Ramdam ko ang init at pagmamahal sa halik ng malambot niyang labi sa akin.

Naramdaman ko ang pagpasok ng kamay ni Harris sa suot kong t-shirt. Dinama ko ang sarap ng paghaplos niya sa aking likod. Mas diniin ko ang sarili ko sa kanya para mas maramdaman ang katigasan niya. Hinaplos ko ang likod niya.

Hanggang sa dahan-dahan niya akong inihiga sa kama nang hindi naghihiwalay ang labi namin. Tinanggal niya ang twalya sa bewang niya at natutukan ako ng matigas niyang sandata.

Hindi nagtagal ay napuno ng ungol at halinghing ang buong kwarto namin. Kapwa kami sarap na sarap sa aming ginawa hanggang sa isigaw namin ang ngalan ng isa't-isa ng sabay naming marating ang rurok ng kaligayahan.

---

Magkatabi kaming nakahiga ni Harris sa kama. Naligo muna kami bago humiga rito. Hindi na kami nag-abalang magbihis pa at natatakpan lang ng puting kumot ang hubad naming katawan.

Tiningnan ko si Harris. Ngumiti ako. Mahimbing na ang tulog niya. Marahil ay dahil napagod siya sa ginawa namin saka bumabawi rin siya ng tulog dahil sa madalas siyang puyat dulot ng trabaho niya.

Napakagwapo ng asawa ko at bukod pa doon, napakabuti rin niya sa akin. Hindi niya deserve maloko. Tama. Hindi niya talaga iyon deserve.

Nakakainis lang dahil habang kaniig ko siya, bigla ko na naman naiisip si Andrei. Bakit ba lagi na lang siyang umeepal sa utak ko?

Huminga na lamang ako ng malalim. Simula ngayon, pipilitin ko na talaga ang sarili ko na hindi na siya isipin. Hindi na siya sasagi sa isip ko kahit kailan at iyong nangyari, tuluyan ko ng kakalimutan siya at ang lahat ng nangyari sa amin.

Inilapit ko ang sarili ko kay Harris saka ko siya niyakap at sumiksik sa kanya. Inunan ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at ipinatong ang aking tuhod sa hita niya. Bahagya siyang gumalaw at niyakap ako sa bewang na akin namang ikinangiti muli.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now