CHAPTER 10

12 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 10

ANDREI FELIX HIDALGO

Ilang araw na ang lumipas matapos mangyari iyon pero hanggang ngayon ay hindi ko talaga siya makalimutan at ayaw mawala sa isipan ko kahit saglit. Para siyang sirang plaka na patuloy na umiikot at hindi alam kung kailan titigil ang paulit-ulit niyang pag-play.

Humugot ako ng malalim na hininga. Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Carie pagkatapos nun. Ewan ko kung nasaan siya. Kahit sa klase ay missing in action siya. Nasaan na kaya siya? May nangyari kayang hindi maganda sa kanya o baka naman mas pinili lang niyang hindi pumasok muna?

Pero sa totoo lang, ipinapanalangin ko rin na sana ay hindi ko na muna siya makita. Nahihiya kasi ako at tiyak ko na kapag nagkita kaming muli ay mas gugustuhin ko pang lumubog na lang sa lupa para mawala kaagad sa paningin niya.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa classroom pagkatapos ng mahaba kong paglalakad sa hallway papunta dito. Dahil sa malalim na pag-iisip ko, nawawalan na ako ng malay sa paligid ko. Pumasok ako sa loob at pumunta sa upuan ko.

Habang naglalakad ako ay may mga naririnig akong tsismis galing sa mga ka-blockmate ko. Hay! Lagi na lang may tsismis at hindi iyon nauubos.

"Uy! Alam niyo ba na si Carie at Johan na?"

"Talaga ba? Grabe! Si Mr Nice Guy naman ngayon."

"Oo nga! Siguradong hindi na siya magiging nice dahil bihag na siya ni Carie."

"Sinabi mo pa girl."

"Kunsabagay, wala namang nakakaligtas sa kamandag niya kaya lahat ng klase ng lalaki naaakit niya."

Marami pa akong naririnig na bulungan hanggang sa makaupo ako sa upuan ko.

Pabalag kong nilapag ang bagpack ko sa upuan. Nakakaramdam kasi ako ng inis.

'Pucha! Pagkatapos na may mangyari sa amin tapos ngayon may boyfriend na siyang bago? Grabe siya! Teka, bakit ba ako naiinis? Hays!'

Pamaya-maya ay biglang nagsitahimik ang mga classmates ko. Akala ko ay nandyan na ang professor pero mali pala dahil pagtingin ko sa pintuan ng classroom, saktong papasok naman ang tinagurian kong hottest couple ngayon dahil usap-usapan ng lahat.

Nakatingin lamang ako sa kanila at hindi lang ako ang nakatingin sa dalawa dahil lahat ng mata, nasa kanila ang tingin. Nakalingkis ang braso ni Carie sa bago niya raw jowa na si Johan at nagtatawanan. Wala silang pakiealam sa mga matang nakatingin sa kanila.

Binawi ko ang tingin sa kanila saka yumuko. Hay! Bukod sa nahihiya ako, hindi ko gusto ang nakikita ko. Isa pa, biglang bumaba ang tingin ko sa sarili ko dahil kumpara naman kay Johan, mas bagay siya kay Carie. Gwapo na, magaling pumorma at mukha pang mabait. Pakiramdam ko, talampakan lang niya ako. Kainis!

Pero gwapo din naman ako sabi ng best friend ko, mabait din naman ako. Teka, bakit ko ba ikinukumpara ang sarili ko sa Johan na iyon? Tsk!

Narinig ko na lang na nagsi-usugan ang mga upuan na nasa tabi ko. Lihim ko silang tiningnan at nakita ko silang naupo na sa mga upuan at magkatabi sila.

"Babe, date tayo mamaya," narinig kong pag-aaya nu'ng Johan kay Carie.

"Sure? Saan ba?" tanong naman ni Carie na halatang-halata ang landi sa boses.

"Basta, I'm sure you will like it." Sa tono pa lang ni Johan, nangingiti na siya kay Carie.

"Okay, make sure mo lang na magugustuhan ko 'yan."

So may date sila mamaya? Saan naman kaya?

Teka, ano bang pakiealam ko dun? Tsk! Ginugulo-gulo ko na lamang ang buhok ko. Kainis!

Narinig ko ang pagtawa ni Carie kaya napatingin muli ako sa kanya. Nakatingin pala siya sa akin.

"Anyare sayo?" natatawa niyang tanong.

Hindi ako sumagot at nanatili lamang akong nakatingin sa kanya.

"Oo nga pala, kumusta ka na?" nangingiting pagtatanong ni Carie. "Nakakatulog ka ba nang maayos at mahimbing?" may himig nang pang-aasar ang tanong niya.

"Uh... eh... Oo naman," sagot ko. Kailangan kong ipakita na hindi ako apektado dahil sa nangyari sa amin para hindi niya ako asarin.

Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Talaga ba?" tanong niya. Hindi siya naniniwala?

"Oo nga," diretsahang sagot ko.

Tumawa siya ng nakakaloko. Inaasar ba niya ako?

Nagulat na lamang ako ng bigla kong maramdaman ang paghawak niya sa hita ko at pagpisil pa nito.

Mabilis kong inilayo ang upuan ko dahilan para mabitawan niya ang hita ko. Grabe! Kasama kaya niya 'yung boyfriend niya tapos gagawin niya iyon?

Tinawanan niya lang ako.

"Nahihiya ka pa eh nakita ko naman na 'yan," nang-aasar na bulong niya.

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi. Nakakahiya naman.

Napailing-iling na lamang si Carie saka umiwas nang tingin sa akin at nakipag-usap muli sa Johan na iyon.

Haaay! Kung ako hiyang-hiya sa kanya, siya naman ay parang wala lang ang lahat.

Sa wakas ay dumating na rin ang professor namin na laging late at nagsimula na ang klase.

Hindi ako makapag-pokus sa klase. Panay kasi ang tingin ko kay Carie at Johan na patuloy lang sa pag-uusap nang pabulong. Wala namang pakiealam sa kanila si Professor at tuloy-tuloy lang siya sa pagtuturo. Siguro kilala ni Professor si Carie bilang anak ng may ari ng school kaya hindi na lamang niya pinapakielaman.

Mabilis na lumipas ang oras at natapos ang klase. Mabuti na lang at hindi rin ako nahuli ni Professor na hindi naka-pokus sa klase niya.

Nag-aayos na ako ng gamit ng magpaalam sa akin si Carie.

"Bye, Nerd!"

Napatingin ako sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo ko.

Ngumiti siya. Hay! Ang ganda talaga ng ngiti niya.

Nagulat na lamang ako nang hawakan niya ang balikat ko at hinimas pa ang kanang braso ko.

Bahagya kong ipiniksi ang braso ko para mabitawan niya. Tinawanan naman niya ako saka umiwas nang tingin sa akin at ibinalik ang atensyon kay Johan.

"Tara na at baka maubusan pa tayo ng oras," aya ni Johan kay Carie.

"Sige! Excited na ako, satisfy me, okay?" pahayag naman ni Carie.

"Sure!"

Nakatingin lamang ako kay Carie at Johan. May tumusok pa sa akin nu'ng nakita kong hinalikan ni Johan si Carie sa labi. Ewan ko ba, dapat iniwas ko ang tingin ko sa kanila pero hinayaan ko lang na makita ko iyon.

Hay! Nagbaba na lang ako nang tingin saka kinagat ang ibabang labi ko. Bakit ba ganito ang mga nararamdaman ko? Gustong-gusto ko kapag ngumingiti siya sa akin. Gustong-gusto ko kapag nagiging sweet siya dahilan para bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Naiinis ako kapag ibinibigay niya ang kanyang ngiti sa iba. Nabwibwisit ako kapag nagiging sweet siya sa iba at may bahagi sa aking nagagalit kapag ginugusto niyang kasama ang iba.

Ano ba talagang nangyayari sa akin? Nababaliw na ba ako? O di kaya...

May crush na talaga ako sa kanya? Talaga ba?

Hay ewan! Nalilito na rin ako sa sarili ko!

Pero ang sigurado, lahat ng kakaiba kong nararamdaman ay si Carie ang dahilan.

Tsk! Anong gagawin ko nito? May magagawa pa ba ako para maagapan ito?

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINحيث تعيش القصص. اكتشف الآن