CHAPTER 49

8 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 49

ANDREI FELIX HIDALGO

Ilang linggo na rin ang lumipas simula ng nagpabalik-balik si Ellaine dito sa kumpanya. Minsan ay nagtatagal siya rito at minsan naman ay sandali lang. Wala naman siyang masyadong ginagawa rito kundi ang mag-observe.

Walang alam si Carie sa pagpunta-punta ni Ellaine dito at hindi ko rin naman sinasabi sa kanya dahil sa tingin ko naman ay hindi na niya iyon kailangan malaman pa.

Pabalik na ako sa office ko ng madaanan ko ang pantry. Naisipan ko munang kumuha ng kape kahit na may secretary naman ako para utusan.

Pumasok ako sa loob ng pantry. Nangunot at nagsalubong ang makapal kong kilay nang makita ko si Ellaine na nakaupo doon. Sa mesang malapit sa kanya ay nakapatong ang isang slice ng cake na nakalagay sa platito at tasa ng kape.

Napangiti si Ellaine nang makita niya ako. "Hi!" nangingiting pagbati niya.

Napangiti na lamang ako saka tumango. Tuluyan kong isinara ang pinto na gawa sa glass.

"Magkakape ka ba?" tanong ni Ellaine sa akin.

Tumango-tango ako bilang sagot.

Napangiti si Ellaine. Hay! Ang ganda talaga ng ngiti niya.

"Tamang-tama, pwede mo ba akong sabayan?" tanong niya. "Ang lungkot din kasi na mag-isa rito," aniya pa saka tiningnan ang paligid. "Ang tahimik," wika pa niya.

"Uh, okay lang," sagot ko.

Mas lalo namang napangiti si Ellaine sa naging sagot ko.

"Sige at magtitimpla lang ako ng kape ko," pagpapaalam ko sa kanya.

Tumango-tango lamang si Ellaine.

Tinalikuran ko na muna si Ellaine at pumunta sa mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain at ang coffee machine. Nagsimula na akong ihanda ang iinumin kong kape.

"Ay! Ipis!!!"

Nagulat at bigla akong nataranta sa malakas na pagsigaw ni Ellaine. Mabilis akong napatingin sa kanya at nakita kong nakatuntong na siya sa inuupuan niya kanina. Takot na takot ang itsura niya habang natatarantang tinitingnan ang sahig.

Tiningnan ako ni Ellaine. Nakikita ko ang takot sa mga mata niya. "May ipis!" wika niya sa akin.

"Sige at hanapin ko," saad ko sa kanya.

Hinanap ko 'yung ipis na sinasabi niya. Hanap dito at hanap doon pero wala naman akong nakita.

"Wala na," sambit ko at tiningnan ko si Ellaine. "Baka nakalabas na. Hay! Sasabihan ko nga ang pest control na sa susunod siguraduhin nilang walang kahit na anong insekto ang papasok dito sa building lalo na dito sa pantry," pagpapatuloy ko.

"P-pero..." Ang nasabi na lamang ni Ellaine at hindi na niya iyon tinuloy.

Inangat ko ang kanang sulok ng labi ko.

"Wala na iyong ipis kaya huwag ka nang matakot," pahayag ko. "Saka nandito naman ako," walang prenong sabi ko na bahagyang ikinalaki ng mga mata ko sa gulat. Huli na para mabawi ko pa 'yung nasabi ko. Kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig ko.

Tiningnan ako ni Ellaine saka ngumiti ng maliit.

Nag-aalangang napangiti na lamang ako. "Bumaba ka na diyan at baka mahulog ka pa," wika ko na lang. Nakasuot pa naman siya ng high heels.

Tumango-tango naman si Ellaine.

Nilapitan ko si Ellaine para alalayan siyang bumaba. Inabot niya sa akin ang kanan niyang kamay. Medyo nag-alangan naman ako kung hahawakan ko iyon pero sa huli ay hinawakan ko pa rin iyon. Naramdaman ko ulit ang lambot ng kamay niya na sa loob-loob ko ay gustong-gusto kong hawakan. Dahan-dahan ko siyang inalalayan sa pagbaba niya.

Ngunit parehas na lamang kaming nagulat ni Ellaine dahil bigla siyang nawalan ng balanse kaya naman sabay kaming pumlakda sa sahig. Ouch! Ang sakit ng likod ko.

Nasa ibabaw ko naman si Ellaine. Nanlalaki ang mga mata niya na nakatingin sa mga mata kong nanlalaki rin na nakatingin sa kanya.

Hanggang sa lalong lumaki sa pagdilat ang mga mata ko dahil napagtanto kong... hindi lamang ang katawan niya ang nakapatong sa akin kundi pati na rin ang kanyang... labi.

Bigla akong nanigas sa pagkakahiga ko at marahil ay siya rin dahil hindi siya makagalaw. Pero kahit ganun, ramdam ko ang lambot ng labi niya na nakadampi sa labi ko at biglang nawala 'yung pananakit sa likod ko.

Nagwala ang tibok ng aking puso na sana ay hindi niya marinig dahil baka magtaka siya kung bakit nagwawala ang puso ko. Pakiramdam ko rin, nakakain ako ng buhay na paru-paro at lumilipad iyon sa loob ng aking tiyan.

Ilang minutong magkapatong ang aming mga labi. Nakatitig ang mga mata sa isa't-isa. Tila walang nais na gumalaw sa aming dalawa. Tila lumabo rin ang paligid at huminto ang oras.

Hanggang sa bumalik si Ellaine sa kanyang sarili at mabilis siyang umalis sa ibabaw ko at tumayo nang maayos.

"I-I'm sorry," mabilis na paghingi niya ng paumanhin sa akin. Hindi siya makatingin ng diretso sa'kin.

Nanatili naman akong nakahiga sa sahig at nakatingin sa kanya.

"Wala sanang makaalam nito," pakiusap niya sa mahinang boses saka siya naglakad palabas. Iniwan niya akong nakahiga lamang dito sa sahig ng pantry.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Patuloy sa pagtibok ng malakas at mabilis ang puso ko. 'Yung labi niya, 'yung labi niya...

Hindi. Hindi kay Carie iyon!

Hindi maaaring sa kanya iyon.

Ano bang nangyayari sayo, Andrei? Bakit nararamdaman mo sa iba ang dapat mo lang maramdaman sa asawa mo?

ELLAINE GARCIA-RICAFORT

Nakakahiya!

Nakakahiya!

Nakakahiya!

Ikaw naman kasi Ellaine! Bakit ba masyado kang matatakutin sa ipis? 'Yan tuloy, may nangyaring hindi dapat. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Totoo ba talagang nahalikan ko ang labi niya?

Ang lambot ng labi niya. Hays! Mariing napailing-iling ako at mabilis pang naglakad sa hallway.

Ang ganda ng katawan niya na damang-dama ko habang nasa ibabaw niya ako. Ano ba?! Bakit ko ba naiisip iyon?

Todo ang pag-iling ko. Tumigil ka nga Ellaine! May asawa ka ng tao at isa pa, hindi sinasadya ang nangyari.

Isa ka pang puso ka, ang bilis-bilis mong tumibok. Hays!

Kailangan kong kalimutan 'yung nangyari. Hindi iyon sinasadya.

Lalayuan ko na muna siya para kaagad ko ring makalimutan 'yung nangyari. Tama. Iyon nga ang gagawin ko dahil sa totoo lang, ayoko magtaksil kung pagtataksil man iyong hindi sinasadyang nangyari at ayoko ring makasira ng pamilya lalo na at may asawa siya.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now