CHAPTER 55

4 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 55

ELLAINE GARCIA-RICAFORT

Lumipas ang maraming araw at naging masaya ang mga iyon. Masaya kami ni Harris kasama ang kambal naming dalawa. Nu'ng isang araw nga, pumunta kaming pamilya sa park para mamasyal.

Pero ngayon, abala na si Harris sa doctor duties niya at naiintindihan ko naman iyon. Kailangan niyang mag-work for us.

Anyway, this past few days and weeks din ay may mga nararamdaman akong kakaiba sa aking sarili. Laging mabigat ang aking pakiramdam to the point na tinatamad na akong kumilos at gusto kong matulog na lamang. Isa pa ay nagsusuka ako every morning lalo na kapag nakakaamoy ako ng hindi ko gusto.

Teka... napaisip tuloy ako...

Buntis kaya ako?

Nanlaki ang mga mata ko.

ANDREI FELIX HIDALGO

Kakatapos lamang ng board meeting. Napatingin ako kay Ellaine na hindi pa rin tumatayo sa kinauupuan niya. Nakalabas na ang lahat sa board room pwera lang kami.

Hinihilot niya ang kanyang sentido. Masakit ba ang ulo niya? Napapansin ko na rin na namumutla siya. Baka naman may sakit siya. Kung meron, bakit pa siya umattend dito kung pwede naman siyang magpaalam na hindi makakadalo? Maiintindihan ko naman iyon.

Iniwan ko na muna iyong mga gamit ko sa mahabang mesa saka nilapitan siya.

"Are you okay?" tanong ko kay Ellaine. Nakatayo na ako sa harapan niya.

Tiningnan ako ni Ellaine. Mas lalo kong napansin ang pamumutla niya. Bigla naman akong nag-alala.

"Mukhang hindi ka okay," wika ko.

Sinalat ko ang noo ni Ellaine na bahagya namang nagulat sa ginawa ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin. Medyo mainit siya.

"Kaya mo bang tumayo? Dadalhin kita sa clinic," saad ko.

Tumango-tango lamang si Ellaine. Pinilit niyang tumayo pero bigla siyang nawawalan ng balanse at muli na lamang napapaupo.

"Ako na ang magdadala sayo sa clinic," prisinta ko.

Hindi na siya tumanggi sa gusto ko. Binuhat ko siya na parang bagong kasal saka siya dinala sa clinic ng kumpanya.

Habang naglalakad ay napapatingin sa amin ang ibang empleyado na nakakasalubong namin. Ningingitian ko na lang sila ng tipid at hindi na papansinin. Kailangan kong madala kaagad si Ellaine sa clinic kaya naman binilisan ko pa ang paglalakad.

---

"Kumusta siya, Doc?" pagtatanong ko kay Doc. Nasa loob na kami ng clinic niya dito sa kumpanya.

Ningitian ako ng doctor. "Okay na siya. Kailangan lang niya ng sapat na pahinga lalo na ngayon," sagot niya sa'kin.

Napangiti ako. Tiningnan ko si Ellaine na nakahiga ngayon sa hospital bed at mahimbing ang tulog matapos suriin ng doktor at gawin ang nararapat para mawala ang sakit nito.

"Normal lang naman sa isang buntis ang mga nararamdaman niya," bulalas pa ng doktor na mabilis kong ikinatingin sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa gulat sa sinabi niya.

"A-Ano? Bu-buntis siya?" nauutal na tanong ko.

Tumango-tango ang doktor saka ngumiti.

"Sa tingin ko ay three weeks pregnant na siya," aniya ng doktor. "Mas mabuting dalhin siya sa hospital para masuri siya ng mabuti," sabi pa nito.

Napatango-tango na lamang ako sa sinabi niya. Muli kong tiningnan si Ellaine. Hindi ako makapaniwala pero kunsabagay, natural may asawa siya.

"Sige at maiwan na muna kita at may kailangan lang akong gawin," pagpapaalam sa akin ng doktor.

Tumango na lang ako. "Thanks, Doc."

Umalis na ang doktor. Nilapitan ko si Ellaine. Tumayo ako sa gilid ng hinihigaan niya at tiningnan siya. Mahina akong napabuga ng hininga.

---

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko kay Ellaine na nagkamalay na ngayon. Nandito pa rin kami sa loob ng clinic. Kinansela ko muna ang lahat ng gawain ko para mabantayan siya.

Tipid na ngumiti si Ellaine. "I'm okay," sagot niya sa nanghihinang boses. "Thank you," pasasalamat pa niya sa'kin.

Napangiti ako saka tumango-tango. "Ang sabi sa akin ng doktor, kaya ka nakakaramdam ng hilo kasi-"

"I'm pregnant? Right?" dinugtungan ni Ellaine ang sinasabi ko.

Tipid na lamang akong napangiti saka tumango-tango bilang sagot sa kanya.

Nakita ko siyang ngumiti. Napakaganda ng kanyang ngiti. Ganyan 'yung ngiti ni... Carie nu'ng nalaman niyang buntis siya sa anak namin noon.

Hindi ko dapat maramdaman ang lungkot pero iyon ang nararamdaman ko ngayon. Ewan ko ba, naiinis na nga ako sa sarili ko. Ano naman kung buntis si Ellaine? Bakit ako nalulungkot para sa biyayang ibinigay sa kanya?

Hindi ko rin maiwasang mainggit kay Harris. Mabuti pa siya at magiging ama na muli samantalang ako... napailing-iling na lamang ako.

"Are you okay?"

Tumingin ulit ako kay Ellaine na nakatingin na pala sa akin ng diretso at bahagyang magkasalubong ang kilay. Napangiti na lamang ako saka tumango-tango.

"Gutom ka ba? Ibibili kita ng makakain mo."

"No need, uuwi na ako," pagtanggi niya. "Salamat ulit. Pwede ka nang bumalik sa trabaho mo at iwan na ako rito. Kaya ko ng mag-isa," sabi pa niya.

"Ayaw mo bang magpahatid sa bahay niyo?" tanong ko. "Ihahatid kita dahil baka kung ano pa ang mangyari sayo," alok ko pa sa kanya.

Bahagyang ngumiti si Ellaine. "Hindi na. Tatawagan ko na lang 'yung driver namin para sunduin ako dito," aniya.

Napatango-tango na lamang ako sa sinabi ni Ellaine at hindi ko na siya pinilit pa.

"Sa susunod, kung may maramdaman kang hindi maganda ay pwede ka namang magpaalam na hindi a-attend ng board meeting," wika ko.

Napangiti na lamang si Ellaine sa sinabi ko.

Nananatili naman akong nakatingin kay Ellaine. Ngumiti ako ng maliit. Maya-maya ay iniwas ko ang pagtingin sa kanya at tumingin sa salaming bintana. Maaliwalas ang panahon sa labas.

"Mabuti na lang at maganda ang panahon," mahinang saad ko. Hindi mahihirapang umuwi si Ellaine.

"Nakikisaya rin siguro ang langit sa biyayang ibinigay nila sa amin ng asawa ko," narinig kong wika ni Ellaine.

Muli kong tiningnan si Ellaine. Nakatingin siya sa bintana. Malaya ko siyang napagmasdan. Ilang sandali lang ay napatango-tango na lang ako sa sinabi niya.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now