CHAPTER 32

3 1 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 32

ANDREI FELIX HIDALGO

Days have passed simula ng matapos ang graduation at ang hindi ko inaasahang confession sa akin ni Angelique. Sa ngayon, hindi ko na siya nakikita at hindi ko rin alam kung nasaan na siya. Hindi ko na muna inalam kung nasaan siya dahil sariwa pa sa akin 'yung mga nangyari.

Hindi talaga ako makapaniwala hanggang ngayon na malaman na may nararamdaman pala siya para sa akin. Hindi ko kasi nakita o naramdaman iyon. Totoo. Hindi ko talaga nakita o naramdaman. O baka naman naging manhid lang talaga ako pagdating kay Angelique?

Napabuga na lang ako ng hininga. Nasa loob ako ng school ngayon at may inaayos ako para sa mga kakailanganin ko kung sakaling maga-apply na ako for work. Tinitingnan ko ang paligid at marami akong nakikitang estudyante na malamang katulad ng sa akin ang sadya.

Tuloy lamang ako sa paglalakad sa hallway nang makaramdam ako ng pag-ihi.

"Hay! Tinatawag na naman ako ni kalikasan," bulong ko.

Pumunta na lamang ako sa pinakamalapit na rest room pero nagulat ako sa nadatnan ko dun. Kaya pala hindi na siya nagpapakita sa akin. Simula nang mag-confess si Angelique sa akin, hindi na rin nagparamdam sa akin ang... girlfriend ko. Pakiramdam ko nga, bigla-bigla ay nawala siya sa buhay ko at kahit anong hanap ko sa kanya, hindi ko siya matagpuan.

Ilang beses ko siyang tinawagan at tinext pero kahit isa man lang mga iyon ay hindi niya sinagot at hindi ko maintindihan kung bakit.

At ito... nakikita ko na siya sa wakas... sa hindi magandang posisyon.

Nakikita ko si Carie, nasa kandungan ng isang lalaki na nakaupo naman sa sink. Nakayakap siya sa katawan nito at agresibong nakikipaghalikan. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Kumuyom ang mga kamao. Nakaramdam ako ng sakit at galit.

Hanggang sa...

Magulat na lamang ang lalaki sa lakas nang pagsuntok ko sa pintuan ng restroom. Mabilis na naghiwalay ang labi nila ni Carie at napatingin sa akin.

Gulat na gulat ang lalaki na nakatingin sa akin habang si Carie... nakangisi na parang nang-aasar pa. Tila gustong-gusto niya na nakikita akong ganito.

Hindi ko itatanggi na nasasaktan ako sa nakita ko lalo na at hindi ko alam kung anong dahilan ni Carie kung bakit niya ito ginagawa.

O baka naman...

Umalis si Carie sa kandungan ng lalaki at inayos ang sarili. Tumayo naman ang lalaki na hindi ko kilala at inayos rin niya ang sarili saka mabilis na sumibat paalis.

Naiwan kami ni Carie sa lugar na ito. Katahimikan ang bumabalot sa pagitan naming dalawa.

"Anong ginagawa mo?" seryosong tanong ko na pumutol sa katahimikan sa pagitan namin.

Umismid si Carie habang diretso akong tinitingnan. "Hindi ka naman siguro bobo para hindi malaman kung ano ang ginagawa ko," sarcastic na wika niya.

Nagbaba ako nang tingin. Mas lalong kumuyom ang mga kong kamao.

"Alam mo? Istorbo ka din. Nasasarapan na kami ni Jeremy pero bigla kang eeksena-"

"Ako pa ang istorbo?" mabilis na tanong ko saka ko siya tiningnan ulit. Hindi ko na napigilang magalit at pagtaasan siya ng boses. "Baka nakakalimutan mo kung sino ako sa buhay mo," may diin na bulalas ko pa.

Mahinang tumawa si Carie matapos kong sabihin iyon. Maya-maya ay ngumisi siya. "Sino ka nga ba?" tanong niya. "Sino ka nga ba?" pag-uulit pa niya habang nakatitig sa akin.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now