CHAPTER 51

5 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 51

ANDREI FELIX HIDALGO

Nakakalungkot lang na pagkatapos ng accidental kiss namin ni Ellaine sa pantry ay hindi na niya ako pinapansin. Minsan na nga lang siya magpunta dito sa kumpanya pero ganun pa. Kakausapin lang din niya ako tungkol sa trabaho at kapag wala na siyang choice pero kung meron, 'yung kakausapin niya sa halip na ako.

Haaay! Naihilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha. Alam ko naman na mangyayari ito dahil dun. Naiintindihan ko naman kung bakit niya iyon ginagawa kaya lang... napabuga na lang ako ng hininga.

Teka, bakit nga ba ako nalulungkot? Ano naman kung hindi na niya ako pinapansin ngayon? Tama lang naman na kausapin lang niya ako tungkol sa trabaho at wala ng iba pa, 'di ba? Dapat ko bang ikalungkot kung ganoon nga ang nangyayari?

Ikaw talaga Andrei. Hindi ka dapat malungkot ng dahil dun.

Inalis ko ang dalawang palad ko sa mukha at tiningnan ang picture namin ni Carie na naka-frame at nakapatong sa office desk ko dito sa loob ng aking office. Napabuga ulit ako ng hininga.

Hindi ko mapigilang makonsensya. Pakiramdam ko, nagtataksil ako dahil nagkakaganito ako dahil kay Ellaine. Gusto ko mang pigilan ngunit hindi ko magawa. Ewan ko ba pero nahihirapan akong pigilan ang kung anumang kakaibang nangyayari sa akin.

Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Nararamdaman ko kasing kumikirot ang nasa loob nito. Hay! Andrei, tumigil ka na nga! May asawa ka ng tao pero ibang babae pa ang tila nagpapaikot ngayon sa mundo mo. Hindi iyon dapat. Asawa mo dapat ang nagpapaikot sa mundo mo at hindi ang hindi mo asawa.

Napailing-iling na lamang ako ng mariin. Mabilis akong tumayo mula sa swivel chair na inuupuan ko saka kinuha ang attaché case. Niluwagan ko ang necktie na aking suot. Uuwi na muna ako para makapagpahinga.

---

Sa pag-uwi ko ng bahay ay hindi ko naman inaasahan ang madadatnan ko.

Si Carie, galit na galit habang masama na nakatingin sa akin. Ano na naman kayang problema niya?

Nagulat na lamang ako ng bigla niyang ibato sa akin ang hawak niya. Masakit din 'yung bato niya na tumama sa dibdib ko.

"Ano bang problema mo?!" pasigaw na tanong ko sa kanya. Hindi ko napigilang mapagtaasan siya ng boses dahil sa biglang inis na naramdaman ko dahil sa ginawa niya.

"Bakit hindi mo tingnan 'yung binato ko sayo? Nandyan ang sagot sa tanong mo," galit niyang asik sa akin.

Napailing-iling na lamang ako. Bahagya akong yumuko at kinuha isa-isa ang binato niya sa akin. Nandilat bigla ang mga mata ko nang makita ang mga litrato.

Teka, ibig sabihin nakuhanan ng mga picture 'yung accidental kiss naming dalawa?

Hindi kita ang mukha ni Ellaine dahil nakatalikod siya sa camera pero 'yung akin, kitang-kita.

"Sino 'yan?" madiin na tanong sa akin ni Carie. Kumabog ng todo ang puso ko.

Tiningnan ko si Carie. Matalim ang pagtitig niya sa akin. Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya.

"Tinatanong kita kung sino ang haliparot na 'yan!" sigaw niyang singhal sa akin.

Lumunok ako. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"Uhm... eh... wala lang 'yan. May aksidente kasing-"

"Wala lang? Aksidente?" sarkastikong wika kaagad ni Carie. Tinawanan niya ako. "Huwag mo nga akong gawing tanga!" sigaw pa niya.

"Wala nga lang 'yan-"

"Pinagtataksilan mo ba ako?" tanong niya kaagad sa madiin na tono. "Gumagawa ka ba ng kakaibang milagro sa likod ko?" pagtatanong pa niya.

Umiling-iling ako. Tiningnan ko si Carie ng diretso.

"Hindi. Maniwala ka," mariing pakiusap ko.

Ngumisi si Carie. "Huwag mo akong subukan Andrei dahil sa oras na malaman ko lang kung sino ang haliparot na babaeng ito at kung pinagtataksilan mo ba ako, I will make sure na hindi lang manghihiram ng mukha sa aso ang babaeng ito kundi sa lahat ng hayop sa mundo at ikaw, sisiguraduhin kong magbabayad ka at magsisisi kang niloko mo ako," galit na galit na pahayag ni Carie sa akin habang dinuduro ako. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin hanggang sa lumiit ang distansya naming dalawa habang magkaharap kaming nakatayo. "Hindi mo magugustuhan ang galit ko kaya umayos ka," matigas na bulong pa niya habang pinandidilatan ako ng mga mata.

"Carie-"

Mabilis akong nilagpasan ni Carie at umakyat sa taas. Naiwan akong nakatayo dito malapit sa pintuan. Hindi man lang niya ako pinagpaliwanag. Pero, paano ko nga ba maipapaliwanag ang tungkol sa litrato?

Tiningnan ko ang mga litrato. Sino kayang kumuha nito? Napabuntong-hininga na lamang ako ng malalim. Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now