CHAPTER 30

7 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 30

ANDREI FELIX HIDALGO

Lumipas ang ilang linggo at tuluyan nang nagbago ang best friend kong si Angelique at hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung bakit. Palagi ng sexy ang uniform na sinusuot niya at sa totoo lang, ayoko ng ganun siya. Hindi naman sa naiilang ako sa kanya kundi dahil hindi siya ganun nu'ng nakilala ko siya.

Kunsabagay, sabi nga ng isang kasabihan, the only permanent in this world is change. Baka nga nangyayari iyon ngayon kay Angelique at kagaya ng mga pagbabago sa mundo, hindi ko rin siya mapipigilan sa mga pagbabagong nangyayari sa kanya.

"Date tayo."

Napatingin ako kay Carie. Katabi ko siya ngayong nakaupo dito sa bench na nasa sa garden.

"Date?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

Tumango-tango si Carie saka sweet na ngumiti.

"Date tayo. Later after class mo," saad niya.

"Pero bakit?" tanong ko. Bigla-bigla kasi siyang nagyayaya.

Ngumuso si Carie. Parang hindi niya nagustuhan ang tanong ko.

"Ayaw mo ba?" may himig ng inis ang tanong niya.

Inayos ko ang pagkakasuot ng salamin ko sa mata.

"Hindi naman sa ayaw. Nagulat lang ako kasi bigla-bigla ay nagyayaya ka," sagot ko.

"Maganda kaya iyon, ramdom date," sabi niya. "Saka dapat lang naman na mag-date tayo, 'di ba?" tanong pa niya.

Napangiti naman ako saka tumango-tango.

"Okay. Pero pwede bang bukas na lang," pakiusap ko. "Medyo busy kasi ako ngayon lalo na at malapit na ang finals. Naghahanda din ako para sa defense ko," dugtong ko pa.

"Ganun ba?" tanong niya. Bigla siyang naging malungkot.

Ningitian ko si Carie."Don't worry, babawi ako kapag nakaluwag-luwag na ang schedule ko. Alam ko na naiintindihan mo ako kasi dumaan ka rin sa ganito noon, 'di ba?" tanong ko.

Tumango-tango na lamang si Carie. Umiwas siya nang tingin sa akin.

Napangiti na lamang ako ng tipid.

Pamaya-maya ay biglang lumitaw sa harapan namin si Angelique. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling.

"Hi Andrei and Carie," pagbati niya. Pati pananalita niya, nagbago na. Dati normal lang pero ngayon, maarte na. Napapa-hay na lang ako.

"Saan ka galing?" tanong ko kay Angelique.

"Sa tabi-tabi lang," sagot ni Angelique. Tiningnan nito si Carie. "Oh, mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha mo. May nangyari ba?" tanong pa nito kay Carie na tila nang-aasar pa.

"Wala," sagot ni Carie. Umayos ito sa pag-upo. "At kahit na pinagbagsakan pa ng langit at lupa ang itsura ng mukha ko, I know na mas maganda pa rin ako," sabi pa niya. Hala! Nagsusungit ba siya?

Tumaas ang kanang kilay ni Angelique.

"Wow naman! Over-confident. Gusto ko 'yan," sarcastic na sambit ni Angelique. Napapangiti pa siya.

"May karapatan naman kasi akong maging over confident dahil with or without make up, maganda pa rin ako," pagmamalaki ni Carie. "Alam iyon ng lahat hindi kagaya ng iba, sarili lang nila ang nakakaalam na maganda sila," tila pagpaparinig pa niya.

Ano bang nangyayari kay Carie?

Hindi na nagsalita si Angelique at ngumiti lang siya. Tiningnan niya ako.

"Anyway, I have to go. May kailangan pa kasi akong kunin sa library," paalam sa akin ni Angelique.

"Okay," sagot ko na lang sa kanya.

Ngumiti sa akin si Angelique saka nag-wave ng kamay at umalis na.

Tiningnan ko si Carie at nahuli ko siyang umirap.

"Are you okay, Carie?" tanong ko. Baka kasi may pinagdadaanan siya na hindi ko alam.

Tumingin sa akin si Carie. Ngumiti siya. "Oo naman," sagot niya.

"Are you sure?" tanong ko.

"Oo nga. Ang kulit mo," wika niya sabay iwas nang tingin sa akin. Hala! Pati ako sinungitan niya.

Napakamot tuloy ako sa batok.

Nanatili akong nakatingin kay Carie na nakatingin naman sa mga halaman at nakasimangot. Ano kayang nangyayari sa kanya?

Ah! Baka may mood swings siya dahil...

Baka nga ganun. Buwan-buwan daw na nangyayari iyon sa mga babae. Napatango-tango na lamang ako. Kailangan ko pala siyang intindihin ngayon sa madugong pinagdaraanan niya.

"Bakit ka tumatango-tango diyan?"

Napatingin ako kay Carie na nakatingin na pala sa akin. Ngumiti ako.

"Wala naman," sagot ko.

Naghihinala ang tingin sa akin ni Carie.

"Oo nga pala, tara at kumain na muna tayo," aya ko sa kanya.

"Ayoko," sagot niya sa akin. Binawi niya ang pagtingin sa akin.

"Ayaw mo ng ice cream?" lambing kong tanong sa kanya.

Umiling-iling si Carie.

"Eh anong gusto mo?" tanong ko.

"Mag-date tayo," sabi niya.

Ngumiti ulit ako. "Oh sige ganito na lang, sumama ka sa akin sa bahay at tulungan mo akong gawin ang part ko sa defense at mag-review," saad ko.

Tumingin siya sa akin ng diretso. "Sabi ko date," sabi niya.

"Date rin naman iyon. Sa bahay nga lang," nangingiting wika ko. "Basta magkasama tayo, date ang tawag dun," dugtong ko pa.

Sumimangot na naman si Carie.

"Sorry talaga pero hindi pa kita mapagbibigyan ngayon kasi busy pa ako," kalmadong saad ko sa kanya.

Umiwas ulit ng tingin sa akin si Carie.

"Ano? Date tayo sa bahay?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at nakatingin lamang sa mga halaman.

"Uy Carie!" tawag ko sa kanya.

No response.

"Love," tawag ko ulit sa kanya.

Napansin ko ang pagpipigil niya ng ngiti. Napangiti na rin ako. Hay! Ganito pala sumuyo ng babaeng may mood swings.

"Date tayo sa bahay. Tulungan mo ako para maka-graduate ako with flying colors," bulalas ko.

"Oo na," sabi niya sa akin.

Inakbayan ko si Carie saka hinalik-halikan ang tuktok ng ulo niya.

"Uy! Andrei!" Pinipigilan ako ni Carie sa ginagawa ko.

"Hayaan mo na ako," sabi ko at patuloy ko pa rin siyang hinahalik-halikan.

Natatawa na lamang siya sa ginagawa ko. Walang pakiealam sa ibang estudyante na napapatingin sa aming ka-sweetan.

Bakit ba? Gusto kong maging sweet sa girlfriend ko. May masama ba dun?

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now