CHAPTER 44

2 1 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 44

CHRIS ALDRICK FORTALEJO

Nandito kami ngayon nila Eugena and my daughter Christina sa loob ng mall. Family day namin ito kaya namamasyal kaming pamilya.

It's been five years. Ang bilis lumipas ng panahon kasi masaya kami. Yes, masaya kami ni Eugena lalo na at binigyan pa kami ng baby na ubod ng ganda dahil mana sa kanyang mommy.

"Babe, doon muna tayo sa Toy Dome, ibili natin si Christina ng mga laruan," nangingiting pag-aaya ko kay Eugena.

"Laruan ba talaga ni Christina ang bibilhin natin o laruan mo?" tanong ni Eugena saka ngumiti pa ng nakakaloko.

Natawa naman ako. "Siyempre kasama na iyong akin dun," sabi ko sabay kindat sa kanya.

Tinawanan na lamang ako ng maganda kong asawa.

Nagtungo na kami sa Toy Dome na ikinatuwa ng todo ni Christina. Hay! Ang mga bata talaga, tuwang-tuwa sa mga laruan. Kunsabagay, ako rin naman.

Naglibot-libot kami sa loob ng Toy Dome at dahil si Christina muna ang una naming bibilhan ng laruan, siyempre doon muna kami sa girl's section.

"Babe! Si Carie!" bigla kong wika saka ko itinuro si Carie na bigla kong nakita sa hindi kalayuan.

Sinundan naman ni Eugena ang tinitingnan ko. "Oo nga, tara at puntahan natin," pag-aaya niya sa'kin.

Pinuntahan nga namin si Carie. Siguro kaya siya nandito ay para bilhan niya ng laruan si Cardee. Hay! Makikita ko na naman pala ang anak kong iyon na ang laki-laki na at kasing-gwapo ko.

Habang papalapit kami ay kumukunot ang noo ko at marahil ay si Eugena din. Paano naman kasi, sa halip na si Cardee ang kasama ni Carie, dalawang bata ang kasama nito at kambal pa. Kailan pa siya nagkaroon ng kambal na anak? Sa pagkakaalam ko... nevermind. Masakit na alaala iyon.

"Sino 'yung dalawang bata na kasama niya?" nagtatakang tanong ni Eigena. Sabi ko na nga ba at napansin din niya iyon.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Akala ko nga si Cardee ang kasama niya," sabi ko.

Tuluyan na kaming nakalapit kay Carie.

"Carie!" pagtawag ko.

Hindi siya tumingin kaya mas lalo akong nagtaka. Baka hindi lang niya ako narinig.

"Uy Carie!" Si Eugena na kinalabit pa si Carie.

Dahan-dahang tumingin sa amin si Carie. Kumunot ang noo niya pagkatapos ay tiningnan pa niya ang paligid saka bumalik din sa amin.

"Ako ba?" tanong niya sa amin at itinuro pa ang kanyang sarili. Sino pa nga ba?

Nakakapagtaka. Bakit parang hindi niya kami kilala?

Nagkatinginan kami ni Eugena. Makikita sa tingin namin ang pagtataka. Nangiti na lang akong maliit. Muli naming tiningnan si Carie.

"Oy! Carie! Parang hindi mo na kami kilala diyan," sabi ni Eugena saka ngumiti. "Para kang 'yung napanuod kong kapitbahay sa teleserye na nanalo lang sa lotto ay hindi na namamansin at nakakakilala ng ibang kapitbahay," pagbibiro pa niya.

Nag-aalangang napangiti si Carie. Nakikita ko rin ang matinding pagtataka sa mukha niya. Bakit nga ba siya nagtataka? Kilala niya kaya kami at malabong hindi.

"Uhm... I'm sorry but... do I know you?" tanong niya na literal na ikinagulat namin. Hala!

"Uy! Ano 'yan? Prank? Kunwari hindi mo kami kilala?" mataray na tanong ni Eugena. Nanlalaki ang mga mata niya. Hindi na talaga mawawala sa asawa ko ang pagiging mataray.

Umiling-iling si Carie. Pansin ko nga, hindi niya talaga kami kilala kung pagbabasehan ko ang reaksyon niya.

"I'm sorry but I don't know you," diretsahang sagot niya.

"Pero Carie-"

"I'm Ellaine," putol ni Carie sa sinasabi ni Eugena at nagulat pa kami sa sinabi niyang pangalan. Ellaine? Ellaine who?

"E-Ellaine?" naguguluhang tanong ni Eugena. "Kailan pa?" tanong pa niya.

Napangiti lamang si Carie... o si Ellaine sa amin. "Sige at aalis na kami. Please excuse us," pagpapaalam niya. Tiningnan niya 'yung dalawang bata na kasama niya. "Let's go kids," pag-aaya pa niya sa mga iyon.

Napatingin ako sa mga batang kasama ni Carie... o Ellaine... o si Carie... o si... Ah! Ewan! Pero teka... Tinitigan kong mabuti 'yung dalawang bata na kasama niya.

Bakit parang...

"Naguguluhan ako," sambit ni Eugena na nakasunod ang tingin kay Carie o Ellaine o ewan kung sino ba talaga iyon. Naglalakad na sila palayo sa amin.

"Ako nga din," wika ko. "Pero baka kamukha lang ni Carie iyon. Minsan ko na rin kasing nabasa sa libro na sa milyong-milyong tao sa mundo, pito sa mga iyon ay posibleng kamukha mo," dugtong ko pa.

"Talaga ba?" tanong ni Eugena.

Tumango-tango ako. Maya-maya ay huminga na lamang ako ng malalim. "Hays! Tara na nga at bumili na tayo ng mga laruan," pag-aaya ko na kay Eugena saka tiningnan siya.

Tumango-tango na lamang si Eugena.

Tiningnan ko si Christina. Ngumiti ako.

"Tara na baby at bibili na tayo ng toys!" nangingiting pag-aaya ko sa kanya.

"Yehey!" natutuwang sigaw ni Christina na lalo ko na lamang ikinangiti.

Muli akong napaisip. Siguro nga at kamukha lang siya ni Carie. Hindi naman iyon imposible.

ELLAINE RICAFORT

Sino ba iyong mga 'yon? Sa totoo lang, ngayon ko lang sila nakita sa buong buhay ko. Hay! Napailing-iling na lamang ako habang nandito kami sa cashier at nakapila para bayaran ang mga laruang binili ko para sa aking kambal.

Pero naguguluhan ako ngayon. Paulit-ulit kasing tumatakbo sa isipan ko 'yung pangalang binabanggit nila na tawag sa akin.

Carie

Carie

Carie

Napailing-iling na lamang ako. Bakit parang narinig ko na ang pangalang iyon somewhere?

"Mommy, are you okay?"

Napatingin ako sa anak kong si Raikku na siyang nagtanong sa akin. Ningitian ko na lamang siya bilang sagot.

"Are you sure, Mommy?"

Napangiti at tumango-tango ako bilang sagot naman sa tanong ng anak kong si Careen.

"Konting wait na lang at uuwi na tayo okay," saad ko sa kanila.

Tumango-tango ang cute kong kambal. Ningitian ko na lamang sila. Siguro wala lang iyon. Baka napagkamalan lang nila ako na kakilala nila.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon