CHAPTER 5

9 3 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 5

CARIEDEE ANDERSEN

KINABUKASAN

I'm on my way to school. Grabe! Ang sakit-sakit ng katawan ko. Ngayon ko lang naramdaman 'yung sobrang pagod dahil sa pagiging wild ko kagabi. Mahina na lamang akong natawa.

Nakarating na ako sa school and I park my car in the school parking lot.

Habang naglalakad ako sa hallway ay napapansin kong pinagtitinginan ako ng mga schoolmate ko na aking ipinagtaka at ikinataas na rin ng aking kilay. Bakit kaya tumitingin sila sa akin pagkatapos nilang tumingin sa mga phone nila tapos magbubulungan pa? Pinagtsi-tsismisan ba nila ako? Mga walang kwenta!

"Siya ba talaga 'yan?"

"Grabe! Ang hot at ang galing niya!"

"Oo nga pare eh, sagad na sagad hanggang loob!"

"Sana masubo din niya ako ng ganyan."

"Mangarap ka na lang pare. Kailangan mong maging sobrang gwapo para masubo ka niya."

"G*go!"

Kailan pa naging chismoso ang mga lalaki? Napapailing na lamang ako.

"Grabe na ang babaeng 'yan! Hindi ba siya nahihiya na naging babae pa siya?"

"Sinabi mo pa! Pati ang campus heartthrob ay hindi pinalagpas."

"Korek ka diyan sister!"

Siyempre hindi papahuli ang mga girls na mga inggitera at walang magawa sa buhay kundi ang tsumismis.

Marami pa akong naririnig na bulong-bulungan. Ewan ko pero nakakaramdam na ako talaga ang pinag-uusapan nila.

Hindi ko na naman inaasahan na makakasalubong ko sa hallway ang dalawang nagtaksil sa akin. Hay! Kailan ba magiging malaki ang mundo para sa amin? Nakakainis kasi na palagi ko na lang silang nakikita.

"Oh! Well-well-well! The s*x scandal queen is here!" nang-aasar na wika ni Eugena nang huminto siya sa harapan ko na ikinahinto ko rin sa paglalakad.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Wala pa akong idea kung ano ang pinagsasasabi ng babaeng ito.

"Excuse me?" nagtataray na tanong ko.

"Oh! Hindi mo pa ba alam ang latest chika tungkol sayo?" tanong ni Eugena saka tumawa na parang naloloka. "Kunsabagay, kahit naman sinong lalaki dito sa school natin ay natikman mo na. Ganun yata talaga kapag malandi, sabik palagi sa tawag ng laman," dugtong pa niya sa kanyang sinasabi saka tumawa na naman ng nang-aasar.

"Diretsuhin mo na nga akong bwisit ka!" naiinis kong singhal kay Eugena with matchng panlalaki pa ng mga mata sa kanya.

She smirk saka inabot sa akin ang phone niya. Mas lalo namang nangunot ang aking noo nang tingnan ko iyon.

"Ano namang gagawin ko sa basurang 'yan?" tanong ko.

"Play the video and you will see," nangingiting sabi ni Eugena.

Napairap at napailing-iling na lamang ako saka hinablot sa kanya ang phone niya at tiningnan ang sinasabi niyang video. When I played it, nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ang nilalaman. Sh*t! Nalintikan na!

Video namin ni James kung saan wino-worship ko ang katawan niya.

Kinalma ko ang sarili ko. G*gong James na iyon! Pagkatapos akong tikman saka niya gagawin ito? Para saan? Para sirain ako? Lintik siya! Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ito.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now