CHAPTER 11

7 2 0
                                    


#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 11

CARIEDEE ANDERSEN

Pagkarating ko sa aking condo ay kaagad akong sumalampak sa pag-upo sa sofa. Medyo napagod ako dahil sa paglalakad namin ni Johan sa park. Sa totoo lang, nag-enjoy naman ako sa date naming dalawa pero nothing special dahil para lang itong araw na dumaan sa buhay ko.

Hindi ko maikakaila na gwapo si Johan at mabait din naman pero hanggang dun lang. Wala akong naramdamang espesyal o spark sa kanya. Lalaki lang ang naging tingin ko sa kanya at hanggang dun lang.

Hindi katulad nu'ng nasa dating stage pa lang kami ni... Chris. Hay! Naikumpara ko na naman sa kanya. Nakakainis na!

Speaking of him, muli ko na namang naalala 'yung nangyari sa amin nu'ng nakaraan. Napangiti ako ng tipid. Nasaktan man niya ako ng todo at ayoko nang umasa pero nu'ng may nangyari sa amin, naramdaman ko 'yung pagmamahal na ipinaramdam niya sa akin noon. Sinabihan man niya ako nang masasakit na salita bago mangyari iyon pero nabura 'yung dulot ng sakit dahil sa nangyari sa amin.

Napailing-iling na lamang ako ng marahan sa mga naiisip ko. Bakit ba pagdating kay Chris ay kung ano-ano na lang ang naiisip ko? Bakit pagdating sa kanya, nag-iisip ako ng mga bagay na napaka-imposible ng mangyari ngayon? Tsk!

Dahan-dahang humiga ako sa malambot kong sofa at tumitig sa kisame. Pamaya-maya ay napapapikit na ang mga mata ko dahil dinadalaw na ako ng antok hanggang sa unti-unti na akong napapapikit at tuluyan na akong nakatulog.

ANDREI FELIX HIDALGO

Crush ko lang ba siya o love ko na?

Ano ba itong nararamdaman kong kakaiba para kay Carie? Nalilito na ako! Sobra! Sobra-sobra na akong nalilito sa kakaibang nararamdaman ko!

Hindi ko kasi ma-distiguish ang kaibahan nito. Oo, aminado akong nagagandahan sa kanya at hinahangaan ko iyon pero sa totoo lang, may something pa akong nararamdaman towards sa kanya na hindi ko ma-explain kung ano.

Kung crush man itong nararamdaman ko, normal lang naman iyon, 'di ba? Lalaki lang naman ako at syempre hindi ko mapipigilan ang sarili ko na humanga sa isang babae, lalo na sa isang kagaya ni Carie na sa kabila ng mga pangit na nakikita ng iba sa kanya, para sa akin ay wala naman akong pakiealam sa mga iyon dahil nakikita ko namang mabuting tao siya at may dahilan kung bakit siya nag-iba sa paglipas ng panahon.

Pero kung love man ito, parang ang bilis naman yata. Parang ang bilis ko namang magmahal. Meron bang ganun? Mabilis mahulog?

Magmahal...

Natawa ako ng pagak. So, marupok pala ako kung ganun. Ang bilis ko kasing mahulog kahit walang kasiguraduhan kung masasalo ba ako.

Anyway, ayoko namang magtanong o magbahagi nang nangyayari sa akin sa iba dahil baka pagtawanan lang ako. Hay! Ang hirap nito.

Patuloy lang ako sa paglalakad sa classroom. Inayos ko ang salamin ko sa mata. Sa paglalakad ko, nakasalubong ko ang dalawang taong ito na sa aking pagkakantanda ay si Chris, ang ex-boyfriend ni Carie at si Eugena, ang dati niyang best friend.

Teka, bakit ganun ang napapansin ko kay Chris? Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Hay! Bakit ko ba iniisip pa iyon? Ano namang pakiealam ko kung bakit siya malungkot o ano?

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at nilagpasan sila. Pamaya-maya ay nakarating na ako sa classroom. Pumasok ako at diretso sa upuan ko. Napatingin pa ako kay Carie na himala na nandito na.

Pero bigla akong nainis! Paano naman kasi, nakita ko si Carie na nakikipagharutan sa team captain ng basketball team na si Vincent. Akala ko ba si Johan? Ah, oo nga pala, parang damit lang kay Carie ang mga lalaki na matapos suotin, huhubarin na niya at wala na siyang pakiealam pa kung nakakalat ito sa sahig.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now