CHAPTER 9

9 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 9

CARIEDEE ANDERSEN

Nasa sala ako ng condo unit ni Chris. Pumayag akong mag-usap kami ngayon at sa totoo lang ay kinakabahan ako sa kung anong mga sasabihin niya.

"Maupo ka muna," kalmadong alok ni Chris sa akin.

Tiningnan ko si Chris. Napatango-tango na lamang ako saka lumapit at naupo sa sofa niya.

Tumingala ako nang tingin kay Chris dahil nanatili siyang nakatayo at nakatingin din sa akin.

"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko. Kung seryoso siya, seryoso din ako. "Bilisan mo dahil ginto ang oras ko kaya huwag mong sayangin," matigas na wika ko pa.

Nagbaba nang tingin si Chris. Maya-maya ay bumuntong-hininga siya ng malalim bago nagsalita.

"The whole truth," sagot niya nang tingnan ulit ako at ikinakunot ng aking noo.

"The truth?" nagtataka kong tanong.

Tumango-tango si Chris ng marahan. Lumapit siya sa inuupuan kong sofa at tumabi sa akin sa pag-upo.

"Ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sayo at mas pinili ko si Eugena," seryosong wika ni Chris habang nakatitig sa akin.

Naalala ko na naman ang tagpong iyon na dumurog sa akin. Napaismid ang labi ko. Hanggang ngayon, sa tuwing maaalala ko ang mga nangyaring iyon, nadudurog ang loob ko.

"Kung pwede lang ay diretsuhin mo na ako kasi gusto ko nang umuwi at magpahinga," malamig na sambit ko. Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa siya.

Napatango-tango si Chris sa akin.

"Sa totoo lang, hindi ko gustong masaktan ka-"

"Pero ginawa mo," putol ko sa sinasabi niya. "Ginawa mo ang bagay na nagpadurog ng buo sa akin," madiin na dagdag ko pa.

Mabagal na tumango-tango si Chris. Naglabas siya ng hininga.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin sayo ang lahat ng hindi ka masasaktan. Naging mabuti ka sa akin hindi lang bilang girlfriend ko kundi bilang kaibigan na rin."

"Hindi ko sinasadya na mahulog sa iba habang hulog ka sa akin. Hindi ko napigilan ang puso kong tumibok para sa iba gayong may nagmamahal pa sa kanya at siyang nagmamay-ari sa kanya," dugtong pa ni Chris.

Tumingin ako sa ibang direksyon. Ayokong makita si Chris habang sinasabi niya ang mga bagay na iyon. Nakakasakit. Nakakadurog. Ang mga salita niya ay tila nakatutok na kutsilyo sa tagiliran ko.

"I'm sorry kung minahal ko ang kaibigan mo habang mahal mo pa ako," ramdam ko ang sinseridad sa sinabi niya.

Kumuyom ang dalawa kong kamay na nakapatong sa aking mga tuhod. Hindi ko maitatanggi na nasasaktan ako sa mga sinabi niya. Hanggang kailan ba ako masasaktan ng mga salita niya? Hanggang kailan?!

"Isa pa, hindi ko rin alam kung paano sasabihin sayo na pustahan lang ang dahilan kung bakit ako nakipaglapit sayo," pag-amin pa niya na ikinalaki ng mga mata ko sa gulat at mabilis na ikinatingin muli sa kanya.

"A-Ano?" hindi ako makapaniwala sa narinig ko. All this time, niloloko lang pala niya talaga ako?

Nakagat ni Chris ang ibabang labi niya saka tumango-tango.

"I'm sorry kung nagpanggap ako para mapa-ibig ka-"

"At anong kapalit nung nagtagumpay kang makuha ako?" putol ko kaagad sa sinasabi niya.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon