CHAPTER 27

4 2 0
                                    

#ThePlaygirlsTale

CHAPTER 27

CARIEDEE ANDERSEN

May date kami ngayon ni Andrei kaya naman excited na naman ako. Wala si Cardee ngayon dito sa bahay dahil kay Chris na muna siya ngayong araw at magbo-bonding daw sila kasama si Eugena.

Nasa harapan ako ng whole body mirror ko. Naglagay ako ng lip gloss sa aking labi para maging shiny. Tiningan ko rin ang damit na suot ko. Sexy dress na kulay maroon at hanggang itaas ng tuhod ang haba. Nakasuot na rin ako ng wedge sandals na kulay nude at mga three inches ang taas. Hay! Ang ganda ko talaga. Hahahaha!

Sa totoo lang, nahirapan akong mamili ng susuotin ko. Maganda naman lahat ng damit ko pero naloka ako kasi wala akong mapili sa kanila kahit isa kaya naman nagmini-mini-minimo na lang ako.

"Carie! Nandyan na ang boyfriend mo!" Kung makasigaw naman si Kuya Cax sa labas, abot hanggang sa kabilang kanto. Natatawa na lamang ako.

"Sige Kuya at bababa na ako!" malakas na sigaw ko rin sa kanya para marinig niya.

Sandali ko pang tiningnan ang sarili ko sa salamin. Nagpa-cute pa ako doon bago ako umalis sa harapan nito at naglakad palapit sa kama ko at kinuha ang handbag ko na kulay nude din ang kulay saka lumabas na ng aking kwarto.

Habang bumababa ako ng hagdanan ay nakita ko si Andrei sa sala at kausap ang mga kuya ko. Tumayo si Andrei nang makarating ako. Aba! Ang gwapo niya lalo ngayon at may dala pa siyang bulaklak para sa akin.

"For you," nangingiting wika ni Andrei saka inabot niya iyong boquet ng red roses sa akin. Ngumiti pa siya ng malaki.

Napangiti naman ako ng matamis.

"Salamat," sincere na sabi ko. Tiningnan ko ang mga bulaklak saka ito inamoy. Ang bango ng mga bulaklak.

"Naks! Dumadamoves si Future!" pang-aalaska ni Kuya Cen kay Andrei saka malutong na tumawa.

"Kuya, tigilan niyo nga ang future brother-in-law niyo," gatong ko sa sinabi ni kuya at tiningnan ko si Andrei. Hala! Pulang-pula ang mukha niya at halatang nahihiya.

"Kilig na kilig si bayaw, oh!" natatawang hiyaw naman ni Kuya Cax.

"Sige na at aalis na kami," paalam ko sa kanila. Aalis na kami bago pa mamula na parang kamatis itong si Andrei.

"Okay. Mag-ingat kayo!" paalala ni Kuya Cax. "Ingatan mo ang baby girl namin bayaw!" dugtong pa nito.

Napatango-tango lamang si Andrei. Nahihiya pa rin siya.

Napangiti na lamang ako.

"Yaya! Palagay na lang nitong mga bulaklak sa vase," utos ko saka inilapag sa mesa ang boquet. Alangang dalhin ko pa. Tiningnan ko si Andrei.

"Let's go?" aya ko na sa kanya.

Tumango-tango naman si Andrei bilang sagot.

Lumapit ako kay Andrei saka iniligkis ko ang braso ko sa kanang braso niya pagkatapos ay sabay na kaming naglakad palabas.

"Mas nagkaroon ng laman ang braso mo," nangingiting wika ko habang bahagyang pinipisil ang braso ni Andrei.

Napangiti naman si Andrei sa sinabi ko.

"Hanggang ngayon ba nahihiya ka pa rin?" tanong ko kay Andrei.

Napatingin si Andrei sa akin. "Pasensya ka na. Hindi ko mapigilan," sagot niya.

Ngumiti naman ako. "Wala ka namang dapat ikahiya," sabi ko. Inayos ko ang pagkakasuot ng salamin niya sa mata. "Ang gwapo mo kaya," dugtong ko pa.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now