Nang marating ko na ang 15th floor ay nagpumilit akong makalabas at agad na papasok na sana ng opisina ni mr. Gutierrez nang pigilan ako ng secretary niya.











"Wait, are you the one who wishes to see him?", tumango ako. "Your name, miss?"











"Keila Garza", tumayo ito at kumatok sa opisina ni mr. Gutierrez, marahil para ipaalam ang pagdating ko. "You may come in.", huminga muna ako ng malalim at saka pumasok ng opisina. Nag-bow naman ang babae saka sya lumabas ng opisina at isinara ang pinto.











"What a pleasant surprise, miss Garza. And you have personally come to see me.", saad ni mr. Gutierrez sabay ngisi. Punitin ko bibig niya eh.











"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Tigilan mo ang kumpaniya ng pamilya ko.", madiin kong saad sa kaniya na syang ikinataas ng kilay niya sabay natawa siya. Comedy na ba ang sinabi ko?











"Patawa ka din, miss Garza. Alam mong hindi ako tumatanggap ng kondisyon kung hindi rin tinatanggap ang kondisyon ko.", seryoso niyang sabi sa akin. Napakuyom ang kamao ko.











"Gagawin ko ang ibang kondisyon mo, pwera ang magpakasal sa anak mo!", napansin kong nag-clench ang jaw niya. Umiwas ito ng tingin sa akin at humarap sa labas ng bintana niya kung saan tanaw ang lahat ng kalapit na mga building.











"Hindi mo naman siguro nakakalimutan na ginagawa ko ito para sa anak ko, di ba?"











"Para sa anak mo man o hindi, wala akong pake. Ang sa akin lang ay tigilan mo ang kumpaniya na pinaghirapan ng mga magulang ko at ng mga grandparents ko!", nanginginig na ako sa inis. Damn, I can't believe that he is this irrating.











Bahagya siyang nanahimik at parang nagiisip. Jusko! Ang sarap hatiin ang ulo niya sa dalawa saka tanggalin ang utak niya -_-#











"Ganito nalang. Kung ayaw mo talagang magpakasal kay Zeke, sumama ka sa amin pabalik sa France. Magtatrabaho ka sa akin.", natigilan ako. Hibang na ba sya?! Iilang buwan pa nga lang kami nagkakasama ni Kean at ng anak ko ng tatlo kami tapos gusto niya akong lumayo?! Ah wait, baka pwedeng--- "of course, hindi kasama si Kean at ang anak mo", dagdag nya pa at saka ngumisi ulit na parang nabasa niya ang naiisip ko.











"Baliw na ho ba kayo?! Bakit ko iiwan ang pamilya ko dito?"











"Either way, iiwan mo sila. That is, pansamantala o habambuhay. Mamili ka.", may point siya. Kung iyon ang isa ko pang option, may chansa pa rin akong makabalik kay Kean kapag natapos na ang trabaho ko sa kaniya. Kung magpapakasal ako kay Zeke, talagang iiwan ko ang mag-ama ko habambuhay at iyon ang di ko pwedeng hayaan. Not now, not ever. "Bibigyan kita ng tatlong araw para magdesisyon. Kung sasama ka sa amin ni Zeke, pabalik ng Paris at sa akin ka magtatrabaho, huwag kang mag-alala dahil nakapag-book na ako ng ticket para sa iyo. Kailangan ko nalang magbayad kapag sigurado ka na talaga. Kung sakaling maisip mong magpakasal nalang kay Zeke at i-consider ang mga benefits nito, even better!"











"Kung magtatrabaho ako sa inyo, gaano katagal ako doon?"











"Ah, nakadepende iyan sa performance mo.", what?! "Kapag hindi ko nagustuhan ang paraan mo ng pagtatrabaho, pwede kitang tanggalin sa kumpaniya ko but that does not mean na makakabalik ka dito. Instead, itutuloy ko ang pagpapakasal sa inyo ni Zeke."











"Remember Me" (FIN)Where stories live. Discover now