"Oo, kapag naging successful ang plano ko ay ipapangako ko na babawi ako sa'yo," sagot ni Elara at muling tumingin sa pintuan ng bahay nila. Hinayaan niya itong nakabukas para walang problemang makapasok si Elijah sa bahay.

Nagtungo ang dalawa sa kwarto ni Elara, unang pumasok si Damian at sumunod si Elara. Pagpasok pa lamang ni Damian ay nayukom niya na kaagad ang palad niya dahil sa pagpipigil, ngayon na nasa loob siya ng kwarto ni Elara ay mas naamoy niya sa bawat parte at gamit sa loob ng kwarto ang matamis na amoy ng fated mate niya.

Parang nais niya nang tambain si Elara at ihiga ito sa kama, nais niyang hawakan ang malambot na balat ninto at halikan ang mapupuoanv labi ni Elara.

"Alpha?" Napalingon si Damian at doon niya lang na pagtanto na kinakain na siya ng pagnanasa niya. Nagtataka siya kung bakit parang hindi apektado si Elara, ang hindi niya alam ay hirap na hirap na rin si Elara sa nararamdaman niya.

"Wow, first time mo ata akong tinawag na Alpha?" Dinaan na lamang ni Damian ang nararamdaman niya sa pang-aasar. Ayaw niyang mabigla si Elara at masira ang plano ninto.

"Hahaha, kailangan eh, may kailangan kasi ako sa'yo," sarkastikong sagot ni Elara at naupo sa kama.

"So anong plano? Nabasa ko 'yung message mo pero hindi mo pinaliwanag kung pano na'tin gagalitin si Elijah," sagot ni Damian pero may hint na siya sa kung ano ang gustong mangyari ni Elara ngayon.

Set up pa lang nila ngayon ay alam niya nang kailangang mahuli sila ni Elijah sa isang eksena na magpapabaliw rito.

"Kailangan niyang makita na may relasyon tayo," sagot ni Elara habang kabado na nakatingin kay Damian. Alam niyang andito na siya sa sitwasyon na 'to, alam ni Elara na kailangan niya nang panindigan ang mga plano niya pero hindi niya pa rin maitago na kinakabahan siya at natatakot sa gagawin niya dahil malaking eskandalo ito.

"So kailangan niyang makita na nagkayakap tayo sa kama?" Tanong ni Damian at lumapit kay Elara, umupo siya sa tabi ninto at hinawakan ang pisngi ni Elara at muling nagtanong, "O kailangan niyang makita na nakapaibabaw ako sa'yo?" Agad na hinila ni Damian si Elara at dinaganan ito, sa bilis ng pangyayari ay hindi na nakapagsalita pa si Elara ay para bang nalunok na niya ang kaniyang dila.

Hindi niya maitatanggi na halos magwala na ang puso niya dahil sa kilig at kaba na dinudulot ni Damian ngayon, kung hindi nga lang dahil sa plano nila ay baka bumigay na siya at hayaan si Damian na angkinin siya.

"Oo ganito nga, pero ayos lang ba talaga sa'yo na gamitin kita?" Tanong ni Elara, hindi niya na mamalayan na nilalaro niya na pala ang itim na buhok ni Elijah.

"Kung iniisip mo na pagmumulan 'to ng away sa pamilya namin, nagkakamali ka dahil matagal na nila akong tinakwil sa pamilyang 'yun," sagot naman ni Damian at kinuha ang isang kamay ni Elara at hinalikan ito.

Natameme si Elara, hindi niya alam na kaya palang maging gentle ng isang savage na katulad ni Damian. Ramdam niya sa malaking kamay ni Damian ang gaspang at ilang peklat dito na malamang ay dulot ng pakikipaglaban ni Damian.

"How about markahan na kita ngayon?" Tanong ni Damian at agad na nanlaki ang mga mata ni Elara dahil sa gulat. Hindi niya inaasahan na ganun kabilis na lamang sabihin ni Damian ang bagay na iyon, samantalang halos maubos na siya noon para lang makuha ang marka ni Elijah.

"Kapag ginawa mo 'yun ay wala ng atrasan, ano naman mapapala mo sa isang omega na katulad ko?" Seryosong sagot ni Elara dahil alam niya naman na pareho lang silang naggagamitan sa isa't isa ni Damian.

"Fated mate kita, galing ka sa Moon Goddess, ano pa bang hihilingin ko?" Nagtataka namang tanong ni Damian na hindi na naman inaasahan ni Elara. Lagi na lang siya ginugulat ni Damian, minsan tuloy iniisip niya kung totoo bang ang Damian na nasa harapan niya ay ang Damian na kilala niya.

"Hahaha, nasasabi mo lang 'yan ngayon pero alam kong mahihirapan ka dahil wolfless ang fated mate mo. Magiging mahina ka kapag minarkahan mo ang isang katulad ko," sagot ni Elara at napangiti na lamang si Damian.

"Ayos lang sa'kin kung ayos lang din sa'yo na maging mate ang isang black sheep at savage na Alpha na katulad ko."

Walang masabi si Elara sa mga salitang iyon, sa pilyong ngiti pa lang ni Damian ay alam niyang talo na siya at walang magagawa rito.

Hindi namamalayan ni Elara na ilang beses na palang nag missed call si Elijah, sinasadya niyang i-silent ang phone niya at hindi pansinin si Elijah para kusa itong pumunta sa bahay niya.

Naka set na lahat ng plano niya at alam ito ni Damian kaya naman nang maamoy niya ang sent ni Elijah mula sa malayo ay isa-isa niya nang binuksan ang shirt niya.

"Halikan mo ko sa leeg at sa dibdib ko, paparating na siya," utos ni Damian at kabado naman hinalikan ni Elara ang leeg ni Elijah na nag iwan ng red lipstick sa tan na balat ni Damian.

"All set," sagot ni Elara at umiling si Damian.

"Kulang pa, halikan mo ko rito," sagot niya sabay turo sa gilid ng kaniyang labi.

TO BE CONTINUED

Revenge of a RejectedOnde histórias criam vida. Descubra agora