Chapter 6 - Photo

975 53 32
                                    

Ala-una na ng hapon nang magising ako sa tawag ni Steph. Hindi ko akalaing makakatulog ako pagkatapos ng lahat ng nangyari sa Batangas, pagkatapos ng lahat ng mga nalaman ko.

"Hello, Li! Kamusta date niyo ni Andrew kagabi?" masayang tanong ni Steph sa akin.

"Ah... okay lang."

"Ano'ng OKAY lang?"

"Wala. May pinuntahan lang kami, tapos..."

Napatigil ako sa pagsasalita. Tapos... tapos hinalikan ako ni Andrew. Sa dami ng nangyari, 'yon pa talaga ang una mong naisip, Lia!

"Tapos ano, Li?"

"Tapos, nagconfess siya... he said he loves me."

Tumahimik saglit si Steph at saka malakas na humiyaw. Nailayo ko naman agad ang cellphone sa tainga ko pero rinig na rinig ko pa rin ang tili niya.

"Wahhh! Tang in-"

"Stephanie!"

"Shit! Li, kinikilig ako!" Narinig ko ang hagikgik niya. "Sabi sayo eh, the feeling is mutual. Mukhang magkaka-inaanak na ako next year ah!" masayang sigaw niya.

"Baliw! It's not like that Steph... sinabi niya 'yon after ko malaman na he almost got engaged to Bianca... Mercado."

"Bianca Mercado? 'Yong artistang maputi na maganda? Ex 'yon ni Andrew?" Halos 'di makapaniwalang tanong ni Steph.

"Oo Steph... ex niya," malungkot kong sagot.

I was silent. Bumalik na naman sa isip ko ang lahat ng mga tanong at pagdududa. Alin kaya sa mga binitawang salita ni Andrew ang totoo? Na wala na siyang feelings kay Bianca... na mahal niya ako... or Tito Rod is just his client. Napahawak ako sa sentido ko. Bakit parang walang totoo sa mga 'yon?

Kung mahal niya ako, hindi ba dapat hindi siya magsisinungaling sa akin?
Lying about Tito Rod means he doesn't trust me... then he doesn't really love me.

"Hello, Li, are you still there? Li?"

"Ah, yes Steph! Pupunta ako diyan sa Café, diyan na lang tayo mag-usap," nagmamadali kong sagot bago patayin ang tawag.

Friday at medyo maraming tao ngayon sa Café Amor, pero hindi kagaya ng ibang Biyernes; hindi puno ang Café ngayon. Sinalubong agad ako ni Steph. Tinatanong kung okay lang ba ako at kung ano ang buong nangyari sa Batangas. Kinuwento ko lahat sa kaniya, maliban sa... kiss.

"Gusto mo tanungin ko 'yan si Andrew, once and for all... para tapos na Li, hindi 'yong ganyan!" Nakataas ang mga kilay niya, halatang iritado sa mga ikinuwento ko sa kaniya.

"No, Steph. Hayaan na lang natin. Siguro, balik na lang sa dati... roommates until next year," I said while faking a smile.

"Gusto ko na lang din munang mag-focus dito sa Café, Steph. Dapat magka-profit man lang tayo before mag-anniversary."

"Okay. If 'yan ang makakapagbigay sa'yo ng peace of mind, support kita diyan, Li," nakangiting sagot sa akin ni Steph.

Tama Lia, just keep your mind out of it. Lilipas din ang lahat ng ito. Mawawala din ang feelings mo sa asawa mo. I said that to myself.

Ayon ang ginawa ko, nagfocus na lang ako sa paggawa ng one hundred pieces ng brownies na order ni Mr. T. Maya-maya pa'y pumasok sa kitchen si Gail at Jasper. Halata sa mga mukha nila na may problemang sasabihin. Parehong nakabusangot.

"Ma'am Lia, lagpas two hours na pong walang bagong customer... parang hindi po Friday," malungkot na balita ni Jasper.

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. Paano kami maghihiwalay ni Andrew nito next year kung magtutuloy-tuloy ang pagkalugi ng Café Amor. Kahit pera for annulment hindi ako makakapag-ipon. I promised I'll give his freedom back.

Paper Promises [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang