Epilogue

784 23 10
                                    

Huminto kami sa tapat ng maliit na lomihan nila Mang Fred. Kabuwanan ko na pero hindi ko alam kung bakit parang hindi pa rin ako tapos maglihi. Gustong-gusto ko kumain ng lomi, kung pwede nga lang pati ang kapeng barako nila Mang Fred ay titikman ko na rin.

Kagaya ng palaging ginagawa ni Andrew, pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Careful, baby," malambing na utos niya.

Nahihirapan na akong tumayo at hinihingal na rin ako kapag matagal naglalakad. Kahit nga hindi matagal naglalakad. Kahit ilang hakbang lang, hinihingal na agad ako!

"Aba naman! Mabuti at napasyal kayo dine!" magiliw na bati ni Mang Fred.

"Ka-laki na niyan, Aliyah!" nakangiting sabi niya kasabay ng tingin sa tiyan ko.

"Kabuwanan na po ni misis," sagot ni Andrew.

"Galing po kami sa beach house, birthday po kasi ni Andrew ngayon," dagdag ko.

"Ganoon ba?! Happy birthday, Andrew! Gusto mo ba ng kalderetang kambing, ipapaluto ko?" alok ni Mang Fred.

"Naku, hindi na po, lomi lang ang sinadya namin ni misis... hindi pa rin kasi tapos maglihi eh," natatawang sagot ni Andrew.

Doon ulit kami umupo sa dati naming pinuwestuhan noong unang beses kaming pumunta sa lomihan nila Mang Fred. 'Yong gabi na hinalikan ako ni Andrew sa beach house. 'Yong gabi na unang beses niyang sinabi na mahal niya ako. Napangiti ako nang bigla kong maalala lahat ng 'yon.

"Libre ko na ito, Andrew. Huwag na huwag kang maglalabas ng pera. Ito'y regalo ko na at birthday mo pala eh!" sabi ni Mang Fred habang inilalagay sa lamesa namin ang dalawang order ng lomi.

"Thank you po!" sagot ng asawa ko.

"Mainit pa, Aliyah... hipan ko muna," malambing na sabi ni Andrew sa akin.

"Ha? Ako na, kaya ko naman hipan."

OA na dati si Andrew, pero mas naging OA pa ang asawa ko simula no'ng kinasal kami. Halos ayaw na akong pagtrabahuhin at pakilusin sa condo. Bumalik kami sa dating condo niya kung saan kami nag-umpisa.

Paminsan nasa Café Amor ako, pero madalas nasa AHG. I continued my father's legacy as the CEO. Si Steph na ang naging main proprietor ng Café and we hired additional staff para makatulong niya sa pagpapalago ng Café.

Life has been good so far. Walang problema, walang sekreto, walang kahit ano'ng gumugulo sa isipan. Kung meron man akong iniisip ngayon ay kung makakaya ko bang i-iire ang panganay namin ni Andrew.

Parang biglang humilab ang tiyan ko nang sumagi 'yon sa isip ko. Napakapit ako bigla sa gilid ng lamesa.

"Baby, are you okay?" nag-aalalang tanong ng asawa ko.

"Y-Yes okay lang ako," sagot ko, at saka muli akong humigop ng sabaw.

Baka gutom lang si baby. Hinimas ko ang tiyan ko. Maya-maya pa, muli na namang humilab ang tiyan ko. 

Shocks! Hindi na lang 'ata gutom 'to!

"Aliyah? Okay ka lang ba talaga?"

Yumuko ang asawa ko para tignan ang mukha ko na pilit kong itinatago sa kaniya. Hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil muli na namang humilab ang tiyan ko. Nag-le-labor na ba ako?

"Phone... Andrew. Can you get my phone. Naiwan ko sa sasakyan," mabagal kong sabi sa kaniya. Pinipilit kong itago ang sakit na nararamdaman ko.

"O-Okay!"

Mabilis siyang tumayo at kumaripas ng takbo para kunin ang cellphone ko sa loob ng sasakyan. Muli na namang humilab ang tiyan ko. Napatayo ako sa sakit. The pain was getting more intense and more frequent. I decided to follow Andrew, pero hindi pa man ako nakakalayo sa lamesa, muli na namang humilab ang tiyan ko.

"Ahhh!" Isang impit na sigaw ang lumabas sa bibig ko kasabay ng pag-agos ng tubig sa binti ko.

Agad napatakbo papunta sa akin si Mang Fred at si Andrew. Halos matisod pa nga ang asawa ko sa bilis ng takbo niya.

"Fuck!" malakas na mura niya nang muling maibalanse ang katawan.

"Andrew! Manganganak na ako!" sigaw ko.

"Shit! Shit! Shit! Shit!"

Halatang nagpapanic siya habang inaalalayan ako pabalik ng sasakyan.

"Kumalma ka la-ang Andrew! Kailangan ka ng mag-ina mo!" sigaw ni Mang Fred at parang biglang natauhan si Andrew.

Imbis na akayin niya ako, binuhat niya na ako papunta ng sasakyan. Panay ang ungol ko sa sakit sa loob ng SUV.

"Deep breaths, baby... deep breaths," paulit-ulit na bulong ng asawa ko.

Halos paliparin niya na ang sasakyan. Kung normal na araw 'to malamang galit na galit na ako sa pagiging agresibo niya sa kalsada, pero ngayon wala na akong pakialam basta makarating lang kaming ligtas sa ospital.

"Ahhhhh!"

Hindi ko na napigilan pa ang malakas na pag-sigaw. Hinawakan ni Andrew ang kamay ko.

"Malapit na tayo, Aliyah... hang in there." Paulit-ulit niyang hinahalikan ang likod ng palad ko.

"Baby, 'wag ka muna lumabas, please... malapit na si Daddy sa ospital," pakiusap niya sa baby namin kasabay ng paghaplos niya sa tiyan ko.

Nakita kong kumunot ang noo niya, siguro napansin niyang sobrang tigas ng tiyan ko.

Pagdating namin sa emergency room, agad akong isinakay sa wheel chair. Tinawagan ni Andrew si Dra. Matias para i-update siya sa sitwasyon ko.

Ayoko na nga sanang pasamahin pa si Andrew sa delivery room. Ayokong makita ako ng asawa kong nasasaktan. Pakiramdam ko kasi mas ma-to-trauma siya kaysa sa akin. Baka mauna pa siyang mahimatay, lalo na kung paano siya nag-react kanina sa lomihan. Pero mapilit si Andrew, sumama pa rin siya sa loob.

Ilang buwan ko nang prinactice 'to. Alam ko na kung paano umire, I even enrolled in a prenatal class for this. Pero no'ng nandon na ako, hinawakan ko na lang nang mahigpit ang kamay ni Andrew at ipinagpasa-Diyos ko na lang ang lahat.

A few more push and then I heard our baby's first cry. Ang lakas ng iyak ng anak namin. Pero hindi rin nagpatalo ang hagulgol ng asawa ko. Being a father really made him a bit softer than the old Andrew. Hindi na tuloy ako nakaiyak dahil sa iyak niya at sa iyak ng anak namin.

"It's a boy!" sigaw ng doktora.

Napatigil sa paghagulgol si Andrew. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Boy? Boy po ang baby namin?" nagtatakang tanong ni Andrew.

"Yes, Mr. Romulo!"

Akala namin ni Andrew babae ang anak namin, 'yon kasi ang sabi sa huling ultrasound. Amora Luisa sana ang pangalan kapag baby girl, from our mothers' names.

"It's Teddy, then!" nakangiting sigaw ni Andrew.

"Yes Andrew, it's Theodore Matthew!"

Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan ni Teddy nang inilapag siya ng nurse sa dibdib ko. Maingat kong niyakap si Teddy at agad siyang tumigil sa pag-iyak. Ipinatong din ni Andrew ang kamay niya sa likod ng baby namin.

"He's so small..." naluluhang sabi niya.

Andrew gently touched Teddy's hands, and we were both surprised when Teddy held onto his father's index finger tightly.

"Yet, he's so strong," I chuckled.

Kinuha na ng nurse si Teddy para linisan at bihisan.

"You did well, Aliyah! Thank God you're both safe," he said in his manly voice. Malambing na hinalikan ni Andrew ang noo ko.

"Happy birthday, Andrew!" I whispered.

"Thank you, my beautiful wife. Sobrang special ng regalo mo," he answered back.

His deep brown eyes widened, staring at me... giving me that look. Kabisado ko na ang tingin na 'yon. Dad explained it well to me.

"This is the happiest birthday I ever had!" nakangiting sabi sa akin ng asawa ko.

He leaned forward and planted a feathery, delicate kiss on my lips... just like our first kiss.

Paper Promises [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon