Chapter 19 - Promises

694 19 42
                                    

Warning: this chapter contains graphic violence. Reader discretion is advised.

Naramdaman ko ang nakakapanginig na lamig ng pader sa aking likuran. I slowly opened my eyes, adjusting my vision to the dimmed unknown room I'm in. Nakalugay na ang mahabang buhok ko, hindi na kagaya ng ayos nito kaninang umaga. I even saw a hairpin dangling on it. Tatanggalin ko na sana 'yon, pero bigla akong natigilan nang maramdaman ko ang magaspang na lubid sa palapulsuhan ko. Nakatali ang mga kamay ko sa likod.

"Ugh!" I groaned in frustration.

Madilim ang buong kwarto, walang bintana o kahit ano'ng ilaw. Hindi ko alam kung umaga pa rin ba o gabi na. Ang tanging liwanag lang ay galing sa maliit na siwang sa ilalim ng pinto na dumidilim din dahil sa anino ng naglalakad na bantay sa labas.

"A-Aliyah?"

Napalingon agad ako sa tambak ng paleta at kahon malapit sa gilid ko. Galing sa likod ng mga 'yon ang boses ni Andrew.

Napasinghap ako nang maaninagan ko si Andrew na patakbong naglalakad papunta sa akin. Putok ang kaliwang kilay niya at may sugat siya sa gilid ng labi niya. Kagaya ko, nakagapos din sa likod ang mga kamay niya.

"Aliyah... are you hurt?" hinihingal niyang tanong sa akin habang nakaluhod siya sa tapat ko.

Pilit kong ibinangon ang sarili ko mula sa pagkakasalampak sa sahig pero bigo ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Dumadagdag pa ang mahaba kong gown na madulas ang tela. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. That's the only thing we can do to comfort each other.

"Aliyah... are you hurt? ang baby natin?" naramdaman ko ang bawat paghinga niya sa pisngi ko.

Hindi ako makasagot. Napahagulgol lang ako dahil sa pinaghalong takot at awa sa sitwasyon naming dalawa. Kitang-kita ko ang tuyong dugo sa dulo ng buhok niya at ang ilang patak nito sa damit niya. He was seriously hurt, but he doesn't look like he's in pain.

"A-Andrew, I'm so sorry. Kung tinuloy lang namin ni Marcus ang kasal, hindi sana nangyari sa'yo 'yan," nanginginig ang boses ko at ang mga labi ko.

"Hey... hey baby, stop crying. Makakasama sa anak natin 'yan... I'm okay."

Pinagkiskis niya ang mga ilong namin. He planted a feathery kiss on my lips and then they suddenly stopped trembling.

"I promise, I'll get us out of here," nakatitig ang mga kayumanggi niyang mata sa akin. I've never seen his eyes like that. They were glistening and frightening at the same time.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "I'm scared Andrew... I'm scared," paulit-ulit kong bulong sa kaniya.

Napahinto ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng kanang balikat niya na para bang may dinidiinan ang kanang kamay niya sa likod niya.

"A-Ano'ng ginagawa mo?" humarap ako sa kaniya. Pinatigil ng kaba at pagtataka ang mga luha ko.

His eyes tightly shut, his face contorted in pain. Then he grunted.

"Andrew! What did you—"

"I'm getting us out of here," seryosong sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko nang mahulog sa sahig ang lubid na kanina'y nakagapos sa kamay niya.

Dali-dali siya'ng umikot sa likod ko para pakawalan ako sa pagkakatali. 

"Paano mo nagawang—"

Hindi ko na natapos ang tanong ko dahil nakita ko na ang sagot nang marahan niyang hawakan ang kamay ko.

"Y-You broke your thumb?!" halos pasigaw kong tanong sa kaniya.

"Shhh... Aliyah! There's no other way. Gagaling pa 'to, 'wag ka mag-alala," nakangiting sagot niya.

Paper Promises [Completed]Where stories live. Discover now