Chapter 1 - Baby

1.7K 70 127
                                    

"Tapos? Ano'ng sinagot mo?!" excited na tanong ni Steph habang pinapanood akong nagtitimpla ng food coloring sa buttercream icing.

"Wala!" Mariing sagot ko at muling nagpanggap na ayaw magpaistorbo sapinagkakaabalahan.

Masyadong mapula ang una kong nagawa kaya napa-buntong hininga na lang ako habang itinatabi ang maling batch ng icing sa lamesa.

Masaya dapat ako ngayon at hindi balisa. Masaya dapat ako ngayon at tahimik ang isip... kalmado ang puso. Tuwing nandito ako sa Café Amor dapat 'yon ang nararamdaman ko. Ang maliit na café na ito na ipinangalan ko kay Mommy ang tanging dahilan ng paggising ko sa umaga. This is her legacy. This is her heart. When I am here, I am at peace... hindi ganitong panay palpak ang ginagawa.

Hindi ako pwedeng pumalpak lalo pa't dito lang ako magaling—sa paggawa ng cakes and pastries, pagtitimpla ng kape, at pagpapanggap na wala akong pakialam sa aking ama. At least, that's what Dad told me before he disowned me. Sumimangot ako nang sumagi na naman sa isip ko ang huling araw na nagkita kami ni Daddy.

"Ano'ng wala?!" pasigaw na tanong ni Steph na may kasama pang pagtaas ng kilay na siyang ikinagulat ko.

Siya ang lead barista ng Café Amor. Maiksi ang kaniyang buhok—palaging hanggang balikat lang simula pa noong high school kami. Singkit ang kaniyang mga mata at mas maputi siya kaysa sa akin. Mas maingay din! She's vulgar most of the times. Walang filter magsalita kahit pa masaktan ka sa sasabihin niya. Siguro sa aming dalawa, ako 'yong mas feminine, si Steph naman 'yong may pagka-boyish. Pero sa aming dalawa, siya rin 'yong may mga naging exes na. When it comes to love or any relationship at all, she is my confidant, my best friend, and the sister I never had.

"Wala... parang hindi ko na lang narinig 'yong tanong niya," sagot ko kay Steph.

"Selective listening ampuch—"

Hindi niya itinuloy ang pagmumura.

She knows how I hate cursing. I rolled my eyes at her, pero hindi ko rin napigilang matawa nang kaunti sa reaksyon niya. Saglit na nawala ang mga iniisip na kung anu-ano. What if sumagot ako nang gabing 'yon? What if hindi ako naduwag?

"Ang awkward kasi, Steph. Obvious naman na joke lang 'yong tanong niya. Bakit ko pa papatulan?" Paliwanag ko sa kaniya habang dahan-dahang pinapatakan ng food coloringang bagong batch ng icing.

"Eh paano kung hindi pala joke?"

Napalunok ako sa tanong ni Steph. Muling gumulo ang isip ko.

"Nakangiti siya—parang nang-aasar eh! So, joke 'yon!" defensive kong sagot.

"Haaay naku, Aliyah Tanya. Ilang buwan ka na bang hulog na hulog diyan kay Andrew? Hmm... Six?"

"Seven!" Nagulat ako sa sarili kong tinig.

"So, hulog ka na nga?" pang-aasar ni Steph sabay tumawa siya nang malakas na halos umabot na yata sa labas ng kitchen.

"A-Ano ba Steph, 'wag ka maingay!" iritado kong saway sa kaniya.

"Akala ko ba tutulungan mo ako? Hindi ko na talaga alam. I'm so lost and confused. Hindi ko na alam kung may feelings ba talaga siya or ako lang 'tong parang malapit nang mabaliw sa kaniya!"

Muling tumawa si Steph. This time ay may kasama pang pagpalo sa lamesa. Mangilid-ngilid ang luha. Parang bigla akong nahiya. More than ten years na kaming magkaibigan ni Steph pero ngayon lang ako naging ganito ka-open sa kaniya tungkol sa sitwasyon namin ni Andrew. Kung kay Steph pa lang ay hiyang-hiya na ako, paano pa kaya kung malaman na ni Andrew.

"Bakit hindi mo tanungin? Ayon na kasi 'yon, Li eh... andoon na 'yong opportunity to ask him. Nag first move na siya sa'yo, 'di ba? Hinalikan ka niya! Tapos biglang may pa—'are you sure, I don't have feelings for you' pa!"

Paper Promises [Completed]Where stories live. Discover now