Chapter 13 - New

666 21 16
                                    

Naaamoy ko ang sinangag na niluluto ni Andrew sa kusina. Nag-unat ako ng mga braso ko at marahang bumangon sa kama. I was wearing his shirt. Oo nga pala, pinunit niya ang pantulog ko kagabi. Napangiti na lang ako nang maalala ko 'yon at napahawak saglit sa mga labi ko.

"Good morning, baby!" magiliw na bati sa akin ni Andrew.

"Good morning!" masayang sagot ko. Lumapit ako sa kaniya para hagkan siya. Pero isang mabilis na halik sa pisngi ko galing sa kaniya ang nagpahinto sa mga braso ko.

Nakahain na sa lamesa ang almusal; sinangag, vegetable omelette, tapa at mainit na kape. Lahat si Andrew ang nag-prepare. This is new, may kape na. Dati, hindi niya ako pinagtitimpla ng kape.

"Can we, at least, tell Dad... about Tito Rod?" seryosong tanong ko habang hinahalo ang kapeng tinimpla ni Andrew.

"We can't do that, Aliyah," diretsong sagot niya.

"You know your dad. Kapag nalaman niya ang tungkol kay Tito Rod, he will surely do something. I can't let that happen... baka masira ang plano ko."

His deep brown eyes were serious. Akala ko hindi ko na ulit makikitang gano'n kaseryoso ang mga mata niya. Parang bigla akong kinabahan.

"P-Plano?" bulong ko.

"Kailan mo pa nalaman na si Tito Rod ang—"

Binitawan niya ang hawak niyang kutsara't tinidor para hawakan ang kamay ko.

He stared at me. "Please baby, I will tell you everything... soon." Bumuntong-hininga siya. "Just... trust me, okay?" he said before kissing my hand.

"I'm just scared Andrew... Pa'no kung may mangyaring masama sa'yo dahil diyan sa ginagawa mo," mahinang sagot ko. Pinipilit kong alisin ang panginginig ng boses ko.

Marahan siyang tumayo at naglakad papunta sa likod ng upuan ko.

"Hey... come here," malambing na bulong niya.

Tumayo ako at humarap sa kaniya. Maingat niyang hinigit ang mga braso ko para iyakap sa katawan niya. Kinulong niya ako sa mga bisig niya. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya. Nararamdaman ko ang mabilis na kabog ng dibdib niya hanggang sa bumagal ito.

"I'll be fine, Aliyah. You don't have to worry about me," he whispered, and then he kissed my hair.

Inangat ko ang ulo ko at tinitigan ang mukha niya. Bakas ko ang pagluluksa sa mga mata niya, kahit pinipilit niyang itago iyon sa mga nakangiti niyang labi. Alam kong masakit para sa kaniyang malaman na ang sarili niyang tiyuhin ang nagpapatay sa ama niya. He even hated Santiago for it, turns out he's a vicitm too.

"I'm sorry if wala akong maitulong sa'yo Andrew... I can't imagine your pain right now. Hindi ko akalaing kayang gawin ni Tito Rod 'yon sa daddy mo.... at sa Daddy ko." Hindi ko na napigilan pa ang panginginig ng boses ko. Nag-uumpisa na ring mabasa ang mga mata ko.

Ngumiti sa akin si Andrew bago siya sumagot. 

"You're doing more than just helping, Aliyah. You're keeping me alive."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

How can I ever doubt this man? How can I ever doubt this kind of love?

"I failed to save my father, pero hindi ko hahayaang mangyari 'yon sa pamilya mo, Aliyah... sa pamilya natin." His jaw clenched.

"I will put Tito Rod behind bars," he firmly said.

Tuluyang tumulo ang mga luha ko at mas lalong humigpit ang yakap ko sa asawa ko. Hindi ko alam pero tuwing maririning ko sa kaniya ang salitang pamilya, sumasaya ang puso ko. Pero ngayon may halong takot na rin. Nagsisimula pa lang kami ni Andrew. Isang bagong pamilya... at ayokong mawala ito sa akin. Natatakot akong mawala ito sa akin.

Paper Promises [Completed]Where stories live. Discover now