Chapter 9.1 - Moon

826 42 21
                                    

Warning: this chapter contains sexual scenes. These scenes are intended for plot progression and to enhance character development.

I sat silently on my bed. Pilit hinahanap ang 'bakit' sa nalaman ko kanina. Bakit nagsinungaling na naman si Andrew... bakit hindi niya sinabi sa akin ang totoo noong unang beses ko siyang tinanong tungkol sa gunman... at bakit sa kabila ng lahat... mahal ko pa rin siya.

Tama ba si Marcus? Am I just too blind to see how fake everything was? Tinignan ko ang wallpaper ng cellphone ko, and then I smiled bitterly.

"But we look so real here... aren't we real?"

Muling tumulo ang mga luha ko at mabilis ko rin namang pinunasan ang mga ito. I don't want to cry because of him anymore. Kung nakakaya niyang araw-araw na magsinungaling sa akin... maybe he's not really in love with me!

"Aliyah... can we talk, please."

Narinig ko ang mahinang tawag ni Andrew sa akin. His voice was shaking, and I could sense guilt and regret on it.

"About what? Tungkol sa ninong mo na bumaril sa Daddy ko?... na sabi mo dati, hindi mo kilala?" I asked with sarcasm.

"Aliyah, I can explain... please!"

I heard the sound of the doorknob turning. 

Shocks! Ni hindi ko man lang pala na-i-lock ang pinto ko bago ako mag-emote rito. Napabuntong-hininga na lang ako at saka mabilis na nag-ayos ng buhok.

There he was, my husband, standing in front of me looking like a puppy, kahit pa mas matangkad siya sa akin.

"Sorry... I'm sorry baby. I lied again," Andrew said to me with his puppy eyes.

Gosh! parang mabubuwal yata ako sa kinatatayuan ko. Bakit ba pagdating sa kaniya, parang ang bilis-bilis ko magpatawad. Hindi kagaya ng galit ko kay Daddy na inabot pa ng taon.

"Okay... explain everything now, Andrew," mariin kong sagot sa kaniya habang nakatitig sa mga mata niya.

Huminga siya nang malalim at saka nagsalita.

"Totoo 'yong sinabi ni Marcus, ninong ko si Santiago and bestfriend siya ni Dad... and he helped me finish school when both of my parents died..."

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya nang sinabi niya 'yon. Isang taon lang ang pagitan ng pagkamatay ng mga magulang niya. I can't imagine how hard it was for him.

"But we're not in good terms," pagpatuloy ni Andrew.

"Hindi ko na siya kinausap pa since last year... after I learned the truth about Dad's death."

I saw his fist clenched. Hindi ko alam, pero agad kong hinawakan ang kanang kamay niya para pakalmahin ito. Ngumiti siya nang bahagya, pero malungkot pa rin ang mga mata niya.

"Andrew, you can stop if it's hurting you... pwede nating pag-usapan 'to sa ibang araw," mahina kong sabi sa kaniya.

"No, I owe you the truth, Aliyah." Pilit muli siyang ngumiti, siguro para hindi ko mahalata ang lungkot niya.

"Hindi naaksidente si Dad, may foul play... si Santiago ang kasama niya sa sasakyan that day... who miraculously survived."

Umiwas siya ng tingin sa akin pero nakita ko pa rin ang pagtiim bagang niya. I can feel his pain. I wish I could do anything to wash that pain away. Hindi ako sanay na nakikita siyang ganito. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

"So, you think may kinalaman si Santiago sa nangyari sa dad mo?"

Ibinalik niya sa akin ang tingin niya. Bakas ko sa mga mata niya ang galit.

Paper Promises [Completed]Where stories live. Discover now