Chapter 11 - Home

881 31 40
                                    

How did we end up on the bed again?

Kanina lang ay nagtatawanan pa kami sa kusina.

Malambing na hinahalikan ni Andrew ang balikat ko habang nakasandal ako sa kaniya. Parang nakukuryente ako sa bawat paglapat ng labi niya sa balat ko. Paano ko ba pipigilan ang mga susunod na mangyayari kung kahit ako mismo ay parang ayaw pang lumabas ng kwarto. Gusto ko lang manatiling nakakulong sa mga bisig niya... Walang ibang bumabalot sa katawan kung 'di ang yakap ng asawa ko. Naliliyo na naman yata ako.

Naramdaman ko ang paglipat ng mainit niyang labi sa likod ng tainga ko.

"Sorry, I was not able to stop myself again," he whispered to me.

"We need to eat, An-drew." Hirap na hirap akong bigkasin ang iilang salita na 'yon dahil sa ginagawa niya sa akin.

"Right! We need to eat... para may energy tayo later," he said with his bedroom voice.

Later? Napalunok ako at mariing napapikit. Mabilis na umalis sa mga bisig niya. Itinakip ko ang kumot na nahulog na pala sa sahig sa aking katawan at naglakad palayo sa kama. Hindi malayong magkatotoo ang biro ni Minda noon kung palagi kaming ganito, kung ilang beses naming paulit-ulit na gagawin 'to.

"Andrew, let's just eat please. And... huwag muna tayong mag... mag... something for today," nahihiya kong sabi sa kaniya. Kitang-kita ko ang pagsibol ng ngiti sa mga labi niya.

"Something? Ano'ng something 'yon, baby?" mapang-asar niyang tanong, kahit na alam naman niya ang tinutukoy ko.

"Sex, Andrew. Let's stop having sex," diretsong sagot ko sa kaniya. I saw him smirked before answering.

"Oh? making love, you mean," nakangiti siya at marahang bumaba ng kama. Mabilis niyang isinuot ang boxer brief niya at naglakad papalapit sa akin.

Gusto kong lumayo sa kaniya. Sigurado akong kaunting dikit lang ng mga balat namin ay makukuryente na naman ako at baka kung saan na naman kami mauwi. We just arrived here yesterday, and we already did that, thrice! Ni wala pa nga kaming dalawang araw dito sa Zambales.

"Why do you want us to stop? Akala ko babawi tayo sa isa't-isa dahil almost one-year late ang honeymoon natin?" Tanong niya sa akin habang marahan niyang hinahaplos ang braso ko.

Hindi ako sumagot. Hinigpitan ko ang hawak sa kumot at umupo ako sa gilid ng kama. Pagkatapos ay bumuntong-hininga.

"Did I hurt you? I'm sorry, baby. I should have been gentler."

I could sense regret on his voice. That's the last thing I wanted him to feel. Ayokong pagsisihan niya ang lahat ng nangyari. It was the best thing that ever happened to me.

"No, you didn't! It actually feels like... heaven. Kinakabahan lang ako," sagot ko sa kaniya habang nakatitig sa mga kayumanggi niyang mata. I saw him smile a bit.

"Kinakabahan ka? Saan?"

"W-What if, I get pregnant?"

Nanlaki nang bahagya ang mga mata niya. Halatang nagulat siya sa tanong ko, pero hindi siya umiwas ng tingin sa akin. Mas lalo niya akong tinitigan.

"Then, I'll be the happiest man on Earth!" he answered with a big radiant smile on his face.

Halos matunaw ang puso ko sa sagot at sa ngiti niya. Ang malamang mahal niya ako at pauli-ulit niyang iparamdam ito ay parang sobra-sobra na. Pero may mas hihigit pa pala roon... ang malamang gusto niya ring bumuo ng pamilya kasama ako. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, I feel safe. I feel at home.

Marahan niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko. He gently caressed my ring finger while staring at me.

"But if you want us to slow down, Aliyah... I will," he softly said with his low and manly voice.

Paper Promises [Completed]Where stories live. Discover now