Chapter 2 - Rain

1.1K 54 18
                                    

Nagmamadali akong tumakbo papasok ng building, natatakot na mas mabasa pa ng ulan. Kung bakit ba kasi palagi kong nakakalimutan magdala ng payong.

"Ma'am Lia! Nagpa-ulan ka na naman, magkakasakit ka niyan," pabirong bati ni Claire, ang receptionist sa lobby ng building.

Ngumiti ako at nagmamadaling naglakad papuntang elevator. Maagap din namang pinindot ni Mang Ed ang 'up' button sa elevator.

"Thank you, Mang Ed!" I said, smiling at the building's security guard.

Naririnig ko ang pagpatak ng tubig-ulan sa sahig ng elevator galing sa damit ko. Haaay... ilalagay ko na talaga 'yong payong sa bag ko and I will never remove it. I reminded myself.

I don't hate the rain. I actually like it... it calms me. Mas masarap ang tulog ko sa mga gabing maulan at mas masaya ako kapag umuulan dahil maraming customers ang Café. Hassle lang talaga kapag ganito, uuwi akong basang-basa.

Wala pa si Andrew sa condo pagdating ko. Agad kong binaba ang bag ko sa coffee table, nakaapak sa doormat, maingat na hindi matuluan ng tubig-ulan ang bagong linis na sahig ng sala.

If I make a run papunta sa kwarto ko para mag-shower at magbihis, siguradong kakalat ang basa sa sahig at sa kwarto ko. I don't have the energy to clean the floor anymore. Gutom na rin ako at pagod na sa maghapong trabaho sa Café.

Okay then, sa common bathroom na lang ako mag sha-shower.

Two-bedroom unit ang condo ni Andrew. Iyong master's bedroom ang tinutulugan ko na may sariling toilet and bath at 'yong sa kaniya naman ang wala, kaya siya lang ang nagamit ng common bathroom.

Halos buong araw din yata naming pinagtalunan kung sino ang matutulog sa master's. Ayokong pumayag dahil unit niya 'to at makikitira lang ako. Pero sabi niya ako 'yong mas may kailangan ng privacy at dapat may sariling bathroom dahil ako 'yong babae.

Green flag. Just like how Steph described him.

Nagmamadali rin akong nag-shower dahil baka biglang dumating ang asawa ko. I don't know why, pero kapag naaalala ko ang eksena kanina sa Café, napapangisi ako. Ngayon ko lang yata naipakilala ang sarili ko bilang asawa ni Andrew. Ano bang sumapi sa akin kanina?

Napabuntong-hininga na lang ako at saka piniga ang basa kong buhok. Kinapa ko ang loob ng cabinet sa taas ng lababo.

"What! Wala?!"

"Bakit walang extra towel dito?" nagpapanic kong tanong sa sarili.

"Fudge!"

Hindi ako pwedeng lumabas nang ganito, paano kung biglang dumating si Andrew? I can't. I just can't. Pinilit kong silipin ang top shelf ng cabinet. Tumingkayad nang kaunti. Baka may pwedeng itakip sa katawan na kahit ano. Anything please.

Agad kong kinuha ang nakatuping gray t-shirt. Mukhang bagong laba at siguro'y pampalit ito ni Andrew after work. Inamoy ko muna ang t-shirt bago ko ito isinuot. Amoy fabric conditioner at amoy Andrew.

Napangiti ako nang bahagya at naalala ang mukha ni Andrew kanina sa Café habang ipinapakilala ang sarili ko kay Diana bilang asawa niya.

"Gosh Lia! Stop!" saway ko sa sarili, pinipigilan ang kung anumang emosyong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

I grabbed the face towel on the sink. Ibinalot ko sa basa kong buhok. Maayos kong itinupi ang mga pinaghubaran ko, blouse and jeans, and then undies on top. Babalikan ko na lang after ko magbihis ng pambahay.

Marahan akong lumabas ng banyo. Malamig, kahit patay naman ang aircon dahil na rin sa malakas na ulan sa labas. Kinuha ko ang susi ng kwarto ko sa bag at dahan-dahang lumakad. Natatakot madulas sa kaunting patak na galing sa dulo ng aking mga buhok na hindi na nabalot ng face towel.

Paper Promises [Completed]Where stories live. Discover now