Chapter 4 - Coffee

1K 50 30
                                    

Magkakalahating oras na kaming bumabyahe ni Andrew pabalik ng Manila pero wala pa ring naglalakas ng loob sa aming dalawa na magsalita pagkatapos ng nangyari sa beach house.

Kahit tahimik ay nararamdaman ko ang mga patakas niyang sulyap sa akin sa tuwing titingin siya sa side mirror ng SUV.

"Are you... okay?" mahinang tanong ni Andrew.

Siguro nabibingi na siya sa katahimikan o dahil napansin niyang malalim ang iniisip ko.

"Yup, okay lang," sagot ko. Lying to him.

I'm not okay. I'm far from being okay.
Gulong-gulo ang isip ko bago kami pumunta rito sa Batangas dahil sa mga sinabi ni Marcus at mas lalong gumulo ito dahil sa halik ni Andrew.

"Why did you cry?"

Patay. Paano ko iiwasan ang tanong na 'yan kung maging ako ay hindi alam ang dahilan ng pag-iyak ko kanina.

"Ah, kasi 'yong buhangin... napuwing lang ako." I lied again.

Ngumiti siya. Mukhang tinanggap naman niya ang mababaw kong rason. Ayoko nang pag-usapan pa ang nangyari kanina sa beach house. Sumasakit ang ulo at puso ko, at parang nagbubuhol-buhol ang kung ano'ng meron sa tiyan ko sa tuwing naaalala ko ang paglapat ng mga labi namin.

"Andrew... 'yong arrangement pala natin," I said without thinking.

"Please, let's not talk about that. Kahit ngayon lang, Aliyah." May kaunting pagsusumamo sa boses niya.

Gusto ko sanang sabihin na huwag na lang namin tapusin... na ituloy na lang namin. O kahit sabihin ko na lang na gusto ko na siya, tapos bahala na kung ano'ng mangyayari. O kaya tanungin ko na siya kung gusto niya na rin ba ako dahil 'yon ang nararamdaman ko sa mga kilos niya.

Hindi ko alam. I just need something. I just need his assurance. I need his words. I need his truth. 

Natatakot akong masaktan. Natatakot akong lumaban mag-isa. Natatakot akong maiwan. Paano kung hinihintay niya lang palang matapos ang deal naming dalawa and then... babalikan niya si Bianca

Naputol ang mga tanong ko nang marinig ko ang pagkulo ng aking tiyan.

Nakakahiya ka Lia. Narinig niya rin kaya?

"You're hungry?" tanong ni Andrew, mariin pa ring nakatingin sa kalsada.

"Ah, kaya pa naman! Saka parang wala ring mga makakainan dito, sa city na lang siguro tayo kumain," sagot ko kay Andrew habang nakahawak sa tiyan, pinipigilan ang muling pagtunog nito.

"Maraming 24/7 na lomihan dito. May madadaanan tayo... siguro mga five minutes away, is that okay with you?"

"Oo naman! Hindi pa nga yata ako nakakatikim ng loming Batangas eh," nakangiti kong sagot.

Sa loob ng limang minuto ay nanatili na naman kaming tahimik ni Andrew. Walang ibang maririnig maliban sa random na FM music galing sa stereo.

"Under the moonlight's gentle embrace, our lips collided in a sweet, stolen chase"

Kahit hindi ako nakatingin kay Andrew, naramdaman kong hindi siya komportable. Naiilang siya. Dahil ba sa kanta? Then, I saw him lick his lower lip, ginulo niya kaunti ang mahaba niyang buhok at nilipat sa ibang istasyon ang radyo.

"Oh, kiss me, baby... you're driving me crazy..."

He switched stations again. Pilit kong itinatago ang pausbong na ngiti sa aking mukha.

"Her lips, I'll forever crave..."

Pinindot niya ang shuffle button.

"I wanna kiss you again..."

Paper Promises [Completed]Where stories live. Discover now