kabanata 20

92 19 3
                                    

Tok!Tok!

Nagising si kiazen sa katok mula sa labas ng kanyang silid. Dahan Dahan siyang bumangon at binuksan ang pintuan. Makikita sa labas ang kanyang guro na si arthon. Nakangiti ito sa kanya, habang siya ay di mapigilang mahikab.

"Guro kayo pala, pasensya na kung natagalan akong nagising." Hingin paumanhin niya.

"Wala Yun, kakatok ko pa ngalang at mukhang inaantok ka pa."

"Ah hindi na po guro, sapat na po ang naitulog ko. Magsisimula na po ba ang aking pagsasanay?"

"Hmm oo, kaya kita pinuntahan dito. Pero magbihis ka muna pagkatapos bumaba ka sa unang palapag dun nalang kita hihintayin."

Tumalikod na si ginoong arthon, kaya bumalik na si Kaizen sa loob at dali-daling nagbihis,  ayaw niyang paghintayin ng matagal ang kanilang guro. Sabik din naman siyang malaman kung anong pagsasanay ang gagawin Niya.

Ilang minuto lang ay nakababa na siya, nakita niyang nag-uusap Sina Adelina at ginoong arthon. Ito ang unang beses na nakita Niya itong kasing laki ng kanyang guro. Makikita sa mukha ni Adelina na parang naiinis ito habang si ginoong arthon naman ay natatawa.

"Ikaw na ang bahala magparusa sa kanila, huwag mo lang masyadong pahirapan at mga bata pa Yun." Malumanay na Saad ni ginoong arthon.

Sa pagtalikod ni Adelina  Kay ginoong arthon ay saktong humarap ito Kay Kaizen at  nagtama ang kanilang mga mata. "Hmph,,, lagi naman!,, at Isa pa nilabag nila ang unang patakaran dito sa loob ng Principiante. Nararapat lang na maparusahan sila ng mabuti nang sa ganun hindi na umulit pa.!"  Saad nito habang seryusong nakatingin kay kaizen. Pagkatapos ay bumalik ulit sa pagiging maliit na nilalang at pumasok na sa salamin.

Napakamot nalang sa ulo si ginoong arthon. "Nandiyan ka na pala Kaizen, Tara na." Aya niya sa bata. Nauna nasiyang naglakad patungong pinto.

"Sa labas po tayo magsasanay?" Tanong Ni Kaizen ng mapansin niyang binuksan ni ginoong arthon ang pintuan palabas ng gusali.

Lumingon si ginoong arthon sa kanya " oo kaya halika na". At tuluyan na itong naunang lumabas.

----

Nandito sila ngayun sa Isang Parke na malapit sa ilog. Maririnig ang mga huni ng iba't ibang nilalang sa paligid, hindi ito masyadong maingay Kundi sa halip ay masarap pang pakinggan sa Tenga. Humarap si ginoong arthon Kay Kaizen, makikita sa mga mata ng bata ang pagkakomportable sa lugar.

"Aminin mo Kaizen, nagagawa mo ng mapalabas ang iyong kapangyarihan hindi ba?" Seryusong tanong ni Arthon.

Nag-aalangan siya kung sasabihin Niya ba ang totoo o magsisinungaling, "ahm,, opo guro" sa huli ay umamin nalang siya, mas mabuti na sigurong magpakatotoo nalang siya, dahil hindi rin naman magtatagal malalaman narin ng mga nasa paligid Niya ang tungkol dun.

Napatango -tango si ginoong arthon. "Talagang kakaiba ka, wala pang Isang buwan Pero ang laki na ng iyong pinagbago. Maari ko bang makita ang iyong kapangyarihan?"

Tumango si Kaizen at inilahad Niya ang kanyang kanan kamay. Mula sa kangyang palad ay lumabas ang Isang apoy.

"Kung ganun , apoy ang iyong kakayahan". napaisip si ginoong arthon, "Pero ikaw ay galing sa angkan ng redvil, ito ang unang pagkakataon na may Isang redvil na nagmamay-ari ng kapangyarihan apoy. Sa Pag kakaalam ko tangin sa angkan Farion lang nagmumula ang kapangyarihan apoy. Nakapagtataka Pero wala naman ako sa posisyon para kuwestyonin ang Diyos ng apoy kung Isa ka sa nabiyayaan ng kanyang kapangyarihan." Nakangiti nitong Saad.

Napakamot nalang sa ulo si Kaizen, dahil hindi Niya naman maaaring sabihin dito na may hindi Tama sa kanyang star system. At  ng dahil sa mahiwagang bato na nakuha Niya kaya naging aktibo ito.

The Prophecy From Lower Realm Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang