kabanata 40

64 15 2
                                    



Pagkatapos ipaalam sa kanila ni Lexington ang mga dapat nilang malaman ay dumiritso na sila sa kanilang palapag, nais kasing makita ni Kaizen ang kanyang magiging bagong silid na pamamalagian niya habang narito siya sa goldbath academy.

Nasa ikalawang palapag pala Silang mga newbie, habang ang ikatlong palapag ay para sa junior group at ang Ika-apat ay para sa senior group,, ang huli o ika-limang palapag ay siyang opisina ng Tatlong gurong nangangalaga sa kanilang mga elites quads. Isa na rito si Lexington ang gurong mangangalaga para sa mga newbie o baguhan myembro tulad nila, habang ang dalawang gurong nangangalaga sa Junior at senior ay hindi Niya pa nakikilala.

Sa ngayon nasa silid na siya. Kanina pa siya tapos magnilay-nilay kaya pinilit nalang niyang humiga at titigan ang kisame, nais Sana Niyang pumasok sa kanyang mundo at magsanay kaya Lang nangangamba siyang baka hanapin siya ng kanyang mga kasama lalo Na't ipinaalam sa kanila ng kanilang guro na ililibot sila nito sa sanctuaryo mayamaya lamang.

Di nga nagtagal may kumakatok na sa kanyang pintuan. Bumangon na siya at inayos ang nagusot na damit. Binuksan na Niya ang pintuan at nabungaran niya ang nakangiting si hara.

"Halika na naroon na sila sa baba, tayo nalang ang hinihintay." Nakangiting Saad nito.

yumuko siya at tumango. "Si-sige po" nahihiya niyang bigkas.

Napatawa naman si hara. " Ate nalang ang itawag mo sa akin, ate hara, tutal napakabata mo pa at kasing -edad mo lang ang kapatid ko." Masayang wika nito.

Dahil sa pagiging palakaibigan ni hara Kay Kaizen ay unti-unti narin nawala ang kanyang pagka-ilang nararamdaman rito. Mabuti nalang at mukhang mabait ang kanyang mga magiging kasama. Masaya Silang nag-uusap hanggang sa makarating na sila sa unang palapag. Makikita ang apat na adventurer na tahimik lamang nakaupo, ng mapansin na ang kanilang presensya ay tumayo na ang mga ito.

Humanay silang lima, at naghihintay sa sasabihin ng kanilang guro. Napaubo mo na si Lexington bago magsalita.

"Ehem!,, Ngayon kumpleto na kayo, sumunod kayo sa akin at ipapasyal ko kayo sa mga lugar na narito sa santuaryo." Saad nito at tumalikod na, sumunod sila rito.

Habang nasa labas sila at naglalakad ay nagsasalita ang kanilang guro tungkol sa lugar. Mariin naman Silang nakikinig rito. Huminto ito sa Isang maliit na bahay, "Ito ang house of the mission," turo nito sa bahay na parang masisira na ang itsura. Nagkatinginan Silang lima at nagkibit-balikat nalang, sumunod sila sa kanilang guro ng makita nila itong binuksan ang pintuan at pumasok.

Napamangha sila ng makapasok sa maliit na bahay. Kung sa labas ay para na itong masisira, kabaliktaran naman sa loob, makikita ang kagandahan ng mga kagamitan, mapapansin rin na kahit Isang alikabok ay walang makikita sa bawat sulok ng bahay. Napakalinis at alagang-alaga kahit na gawa ang buong bahay sa kahoy.

Napukaw ang kanilang pansin ng magsalita na ang kanilang guro. Napangisi ito. "Nakakamangha diba? Kung kanina ay pinagdududahan niyo ang bahay Nato dahil sa kanyang labas na kaanyuan. Pero ngayon, halata sa mga mukha niyo ang pagkamangha."

Nakaramdam naman ang limang adventurer ng hiya, unang nagsalita si xim. "Di po namin sinasadya guro, masyado lang po kaming naging mapanghusga." Seryusong hingin paumanhin nito.

"Isa iyan sa dapat niyong matutunan. Huwag niyong husgahan ang Isang bagay o tao sa labas lamang na anyo, dahil hindi niyo Alam baka ito pa ang maaaring makapahamak sa Inyo o sa inyong mga mahal sa buhay, talasan niyo ang inyong pag-iisip, maging pagmamasid, at maingat, huwag na huwag agad magtiwala sa nakikita ng mga mata." Pangaral nito sa kanila.

"Opo guro,!" Sabay-sabay nilang tugon.

Ngumiti naman ito, "buweno, tulad ng sinabi ko kanina sa labas, ito ang house of mission, dito niyo kukunin ang mga misyon inyong gagawin." Panimula nitong Saad. Lumapit ito sa Isang pader na may nakasabit na mukha ng Isang halimaw na nakanganga. Pinasok nito ang daliri nito sa bibig ng halimaw at parang may pinindot. Mayamaya lamang ay gumalaw ang Isang pader na nasa harapan nila, humati ito sa gitna, makikitang may Isa pa palang silid ang nasa likuran ng Isang pader. "Hali kayo, pumasok tayo sa loob." Aya ng kanilang guro.

The Prophecy From Lower Realm Where stories live. Discover now